news

Nonito Donaire Jr. ends rift with his father, blames the media for family's misunderstanding

by Jojo Gabinete posted on March 6, 2011  STATS: 52036 Views | 123 Comments

 

"And I just wanted to apologize to my dad as well for the things I've said. To my family, the Donaires, for all the things I've said. And a lot of people has been hurt about this. And I am really happy that my family and I, with my wife, we got to talk and clear things out and this is a blessing," says Nonito Donaire Jr. after his reconciliation with dad Nonito Sr.

 

Photo By: Courtesy of Reyjane Donaire

Natapos na ang hidwaan ng Filipino boxing champ na si Nonito Donaire Jr. at ng kanyang pamilya dahil nagharap at nag-usap na sila noong Huwebes ng gabi, March 3.

Ang misis ni Nonito Jr. at PEP blogger na si Rachel Donaire ang gumawa ng unang hakbang para magkausap sila ng kanyang father in-law na si Nonito Donaire Sr.

Dalawang taon nang hindi nag-uusap sina Nonito Sr. at Nonito Jr. mula nang magpalit ng boxing trainer ang huli. Lumitaw rin ang isyu na diumano'y pera ang dahilan kaya nagkaroon ng misunderstanding ang mag-ama.

Muling sumiklab ang away ng mag-ama pagkatapos ng laban ni Nonito Jr. kay Fernando Montiel sa Mandalay Bay Events Center dahil inilabas ni Rachel sa Twitter account nito ang old newspaper articles tungkol sa away ng kanyang asawa at biyenan.

Nakadagdag sa sama ng loob ng mga magulang at kapatid ni Nonito Jr. ang mga balita na nagbabalak ang boxing champ na magpalit ng pangalan dahil may gumagamit sa kanyang U.S. social security system.

Nang makausap ng PEP si Nonito Sr. noong nakaraang Miyerkules, March 2, sinabi niya na magsasampa siya ng kaso laban sa kanyang anak at kay Rachel. Magdedamanda siya ng libel para lumabas daw ang katotohanan at para malaman ng lahat kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.

Hindi na matutuloy ang balak na pagdedemanda ni Nonito Sr. laban sa sariling anak at manugang dahil nagkaayos na sila.

Nagyakapan ang mag-ama nang magkita sila matapos ang dalawang taon na estrangement sa isa't isa. Hindi napigilan nina Nonito Sr. at Nonito Jr. ang mapaluha dahil magkasundo na sila at nabigyan ng solusyon ang kanilang two-year-old feud.

Nang magkapaliwanagan ang magkabilang-panig, naglabas ng statement ang mag-ama at si Rachel sa pamamagitan ng video na naka-post sa www.filipinoflash.com, ang official website ni Nonito Jr.

Humingi ng paumanhin sina Nonito Jr. at Rachel kay Nonito Sr., pati na sa mga tao na nadamay at nasaktan ng mga pangyayari.

Pinabulaanan nina Rachel at Nonito Jr. ang kumalat na akusasyon na nagnakaw ng pera si Nonito Sr.

Ang media ang sinisisi ng mag-asawa, pati na rin ni Nonito Sr., kaya lumaki raw ang gulo sa kanilang pamilya.    


NONITO JR. STATEMENT. Narito ang pahayag ni Nonito Jr. tungkol sa pag-aayos nila ng kanyang ama (published as is):                                      

"My family and I are gathered here to square everything. The misunderstanding, the anger, the hatred. We just want to make things right. Both sides have suffered a lot of pain, suffered a lot of...just everything. From sleepless nights to just whatever, embarrassment, and reputation.

"So we just wanna make things clear that what has been said in the media were put into a perspective that was blown into something really big, which was a lot of it were created, a lot of it were put into a...to make people believe that we're horrible people, that all this stuff was on us.

"Now, we're here. We talked. I talked to my dad, my mom, and my family, and we are pretty much... Just to clarify out there, my dad has always been, and I am most thankful to my dad for making me who I am, as a fighter, as a guy, in the talent that I have, because my dad created that with me... I'm always gonna say that.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

123 Comments

  • 123  ronareyes

    03/12/2011 | 01:11 AM
    totoo. very obnoxious. as if naman hindi siya nagenjoy sa publicity nung pinagpiyepiyestahan ng media ang family prob nila. filingero. kahit sa last fight niya, kita ang yabang. bagsak na kalaban pero sugod pa din. nakita na ngang hilo, tatamaan pa nung nakabangon. dont want to compare him with manny pero obvious naman ang kahambugan. feelingero. feeling super well loved siya ng pilipinas. ginagaya pa si manny na nagiinterview sa reporter kunwari, hindi naman kwela. im surprised rin when i saw his wife beside him sa interview sa sports show sa cable. at wala naman talgang pakialam ang pilipinas sa away niyo noh. kayo lang nagpapalaki.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 122  sammm888

    03/11/2011 | 10:33 AM
    bakit c Manny at Jinkee, hindi naman sanay humarap sa media dati pero hindi naman cla naging OBNOXIOUS like Rachel and Nonito Jr. RESPECTFUL at tumatanaw ng utang na loob hindi lang sa magulang pati na sa media na nagpasikat sa nila Manny and Jinkee
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 121  liwayway

    03/11/2011 | 02:34 AM
    lantaran ang away, both in the US and pinoy media. akala ng pamilyang ito, the public is dumbb.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 120  genetophile

    03/10/2011 | 10:32 PM
    maraming salamat at nagkaaayos na ang pamilya. maganda ito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 119  angelalove143

    03/10/2011 | 09:35 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 118  eisenheim1

    03/10/2011 | 08:16 PM
    kumusta naman ung pinicturan pa talaga at pi-nost ang pagyayakapan nilang mag-ama??? at may video pa? masyadong showbiz.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 117  Patootee

    03/10/2011 | 04:12 PM
    116 koonejo - di na pwede mag pa endorse sila donire kay belo kasi sa mikaela na sila. fame hungry nga. gagamitin pa ang kasal para sa pampasikat nila. get a grip donire-marcial! Nakakasawa na mukha nyo sa TV. nakakasawa lagi nalang kayong pinag uusapan. di ba kayo nagsasawa sa mga nababasa nyo? baka naman nag eenjoy kayong napapagusapan kayo. tigas ng face!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 116  koonejo

    03/10/2011 | 01:44 PM
    Sponsors - manny pacquiao, Vicky belo, Kris Aquino, executives ng malalaking networks, government officials, and so on. Pati wedding, pipigain pa rin para lang sa exposure at more pera. Buhay showbiz, gamitan lang. And Spencer Pratt at Heidi Montag ng Pilipinas. Fame greedy not hungry anymore
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 115  davao_fans

    03/10/2011 | 01:09 PM
    atleast peace n cla tama yan Nonito mahalin mo ang pamilya mo..Tingnan mo si Pacman minahal niya ang pamilya nya ngayon marami syang blessings.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 114  koonejo

    03/10/2011 | 01:06 PM
    About their Philippine wedding...another publicity. So that they can get big time sponsors...geez. When is this gonna end? They already wed in the US, why do another wedding? One reason only - more exposure, media coverage, publicity...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 113  garuto

    03/10/2011 | 09:16 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 112  gingersnap

    03/10/2011 | 07:32 AM
    mag papa-interview at mag lalabasan ng baho ng pamilya nila tapos isisisi sa media ang paglaki ng gulo nila? kaloka ang mga ito! kung hindi nyo maamin ang mga pagkakamali at kasinungalingan nyo, huwag nyo ibintang sa ibang tao!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 111  eisenheim1

    03/09/2011 | 11:14 PM
    and so the media gets the blame...kumusta nmn ung mga pinag-popost ni rachel sa FB fanpage nya? at ung mga reply nya sa mga nagcocomment dun? how she presents to the world that the donaires hail from the ghetto and that junjun was merely driving a beat-up chevy when she first met him. o yan, nasa fb ni rachel yan. hindi ko imbento.don't tell me na hack ng mga mediamen ang account nya at sila ang nag post ng mga kung ano-ano dun.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 110  misskopinas

    03/09/2011 | 03:19 AM
    Panawagan Pep. Tutal ang claim naman nila eh ang MEDIA ang me kasalanan ng lahat.Bago pa kayo madamay sa maQaddafi nilang blame, alam mo na,gumagawa sila ng sarili nilang make believe reality, kahit anong text or PR pagbawalan na pls lang.Wala ng article d2.Additionally, anong merong karapatan yang wife niyat me blog pa d2?Di naman showbiz di ba?Mamaya eh hindi mahustuhan ang viewpoint ng mga pepsters eh kami pa iblame sa pagitim ng kuko niya.Poisom yan sa pep, alisin na.ayaw ng Press, e di wag bigyan.Kayo rin mga Marcial,puede wag nang magpadala ng feelers sa press for anything.Pinoys don't care.If u cant share our values, dont claim our heritage.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 109  misskopinas

    03/09/2011 | 02:51 AM
    Where do u get the gall and audacity to blame others for the mess you have created?Ang media pa ha? Bakit, sino ba ang nagfefeed ng storya sa media? Sino ang parating sinisingit ang sarili at kinukompara ang sarili ke Manny o ke Jinky.Sabi niyo ang mga Pacquiao walang edukasyon.Sila may asal, may breeding at kahit marami na ang naabot,mapagpakumbaba pa rin.Ni sa kalingkingan wala kayo.Wanna see whose digging your grave?Just look in the mirror.Man up all you and admit your wrongdoings.If u want public appreciation, this is d way.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 108  909100

    03/09/2011 | 02:50 AM
    Pinagtataka ko kung bakit kinacareer ng asawa ni Nonito at ng mga magulang nya na Marcial ang pagba-boxing ni Nonito? Wala ba silang mga trabaho dati at sa boxing nalang lahat nakatutok? Kawawa naman ang hitsura ng magulang ni Nonito, iba talaga pagsunod-sunuran sa asawa at kung malaki ang kagustohan ng asawa na maging sikat ganong wala naman syang dapat ika-sikat dahil asawa lang nya ang nagba-boxing.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 107  misskopinas

    03/09/2011 | 02:48 AM
    Eto namang couple na eto, akala mo kung sinong experts sa kulturang Pinoy.Donaires, listen up, Pinoys are a face culture, importante ang kahihiyan, dangal at respeto sa kapwa at magulang.Kung puede inaayos lahat at sinsegurado na ang reputasyon intact kasi sa huli, yun lang meron kayo. Pero nuknukan ng pagiging Americantrash ang paguugali niyo, lalo na si RMB.Talagang bagay na bagay kayo sa Jerry Springer.I do not recognize any Fil values in your actions.I wish that you will disappear off the entertainment map.You have no right calling yourselves role models.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 106  misskopinas

    03/09/2011 | 02:45 AM
    When u accuse and attack a family na ang reputasyon ang puhunan sa propesyon the way that this downward circus is doing, what do u expect the reaction would be?SHould d Trinidads laugh? Aba syempre pinpersonal ka na at sobrang twisted at obvious na shifting blame ang pinagagawa, magagalit ka rin di ba? Si Chino pa eh sa PBA pa lang if you push him, he aint a coward.But Chino will calm down and use logic but he has d right to react the way he did.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 105  ehemm

    03/08/2011 | 06:21 PM
    exactly. all for show. no sincerity at all. quit blaming the media for your troubles. just shut your sonic boom mouths lols
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 104  lyka_lobo

    03/08/2011 | 06:19 PM
    pati pagyayakapan ng mag-ama kailangan picturan, e kung ganyan pala... sinisisi nyo ang media, bakit pumayag kayo na ilabas ang pictures na to kung gusto nyo talaga ng privacy! haiiiiissst!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About