news

Nonito Donaire Jr. ends rift with his father, blames the media for family's misunderstanding

by Jojo Gabinete posted on March 6, 2011  STATS: 51999 Views | 123 Comments

 

"And I just wanted to apologize to my dad as well for the things I've said. To my family, the Donaires, for all the things I've said. And a lot of people has been hurt about this. And I am really happy that my family and I, with my wife, we got to talk and clear things out and this is a blessing," says Nonito Donaire Jr. after his reconciliation with dad Nonito Sr.

 

Photo By: Courtesy of Reyjane Donaire

Natapos na ang hidwaan ng Filipino boxing champ na si Nonito Donaire Jr. at ng kanyang pamilya dahil nagharap at nag-usap na sila noong Huwebes ng gabi, March 3.

Ang misis ni Nonito Jr. at PEP blogger na si Rachel Donaire ang gumawa ng unang hakbang para magkausap sila ng kanyang father in-law na si Nonito Donaire Sr.

Dalawang taon nang hindi nag-uusap sina Nonito Sr. at Nonito Jr. mula nang magpalit ng boxing trainer ang huli. Lumitaw rin ang isyu na diumano'y pera ang dahilan kaya nagkaroon ng misunderstanding ang mag-ama.

Muling sumiklab ang away ng mag-ama pagkatapos ng laban ni Nonito Jr. kay Fernando Montiel sa Mandalay Bay Events Center dahil inilabas ni Rachel sa Twitter account nito ang old newspaper articles tungkol sa away ng kanyang asawa at biyenan.

Nakadagdag sa sama ng loob ng mga magulang at kapatid ni Nonito Jr. ang mga balita na nagbabalak ang boxing champ na magpalit ng pangalan dahil may gumagamit sa kanyang U.S. social security system.

Nang makausap ng PEP si Nonito Sr. noong nakaraang Miyerkules, March 2, sinabi niya na magsasampa siya ng kaso laban sa kanyang anak at kay Rachel. Magdedamanda siya ng libel para lumabas daw ang katotohanan at para malaman ng lahat kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.

Hindi na matutuloy ang balak na pagdedemanda ni Nonito Sr. laban sa sariling anak at manugang dahil nagkaayos na sila.

Nagyakapan ang mag-ama nang magkita sila matapos ang dalawang taon na estrangement sa isa't isa. Hindi napigilan nina Nonito Sr. at Nonito Jr. ang mapaluha dahil magkasundo na sila at nabigyan ng solusyon ang kanilang two-year-old feud.

Nang magkapaliwanagan ang magkabilang-panig, naglabas ng statement ang mag-ama at si Rachel sa pamamagitan ng video na naka-post sa www.filipinoflash.com, ang official website ni Nonito Jr.

Humingi ng paumanhin sina Nonito Jr. at Rachel kay Nonito Sr., pati na sa mga tao na nadamay at nasaktan ng mga pangyayari.

Pinabulaanan nina Rachel at Nonito Jr. ang kumalat na akusasyon na nagnakaw ng pera si Nonito Sr.

Ang media ang sinisisi ng mag-asawa, pati na rin ni Nonito Sr., kaya lumaki raw ang gulo sa kanilang pamilya.    


NONITO JR. STATEMENT. Narito ang pahayag ni Nonito Jr. tungkol sa pag-aayos nila ng kanyang ama (published as is):                                      

"My family and I are gathered here to square everything. The misunderstanding, the anger, the hatred. We just want to make things right. Both sides have suffered a lot of pain, suffered a lot of...just everything. From sleepless nights to just whatever, embarrassment, and reputation.

"So we just wanna make things clear that what has been said in the media were put into a perspective that was blown into something really big, which was a lot of it were created, a lot of it were put into a...to make people believe that we're horrible people, that all this stuff was on us.

"Now, we're here. We talked. I talked to my dad, my mom, and my family, and we are pretty much... Just to clarify out there, my dad has always been, and I am most thankful to my dad for making me who I am, as a fighter, as a guy, in the talent that I have, because my dad created that with me... I'm always gonna say that.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

123 Comments

  • 23  mikebalangsosa

    03/06/2011 | 06:07 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  haynakunaman

    03/06/2011 | 06:06 PM
    nakipag ayos lang yan dahil alam nila na masama ang tingin sa kanila ng mga tao.. ka plastikan nakipag ayos sa harap ng media. at itong asawa ni nonito pa star... gusto nya palaging syang ini interview.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  usbfre07

    03/06/2011 | 05:43 PM
    nabasa lang ni rachel and nonito ang mga comments dito, nakipag ayos na sa parents nya...hhmmm damage control?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  dark_vader

    03/06/2011 | 05:40 PM
    well good that they are all in good terms... BUT... why are they blaming the Media?? gush!! you should be thankful for the media because of them naging famous kau!!! anong klase!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  tumssmoothies

    03/06/2011 | 05:33 PM
    hay naku palibahasa hindi na maganda ang image ni donaire sa mga tao .. madmai nagalit sa kanya ... kaya gumawa ng paraan tong asawa na pagbatiin at gawin public ang kanilang reconciliation ... if i know hidden agenda yan kasi kakapanalo lang na namn ng asawa! sus! .. pero cge na nga matuwa na tayo alangalang sa mga magulang ni doanire, at least at peace na ung dalawa, matanda na sila, dapat maging masaya na lang sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  showbizdak

    03/06/2011 | 05:28 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  elijah_may

    03/06/2011 | 05:19 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  mcdonalds3000

    03/06/2011 | 04:48 PM
    at ginawa pang may kasalanan ang media?? kalorky. Media people i total black out nyo na itong Onanito na ito sa lahat ng mga pinaggagagawa nya para malaman nya na walang interesado sa pinaggagagawa nya.. PEP kasalanan nyo daw ang lahat kaya nagaaway away silang magpapamilya.. Kung ako ang PEP the next time around hindi ko na itong pag aaksayahan ng panahon na bigyan ng article ito dito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  mcdonalds3000

    03/06/2011 | 04:43 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  litalitz

    03/06/2011 | 04:17 PM
    bakit nman ang media ang sisihin nl khit nb anong pilit n tanong ng taga medya cnyo kong hindi kyo sasagot bad words wala silang mailalabas n masama laban cnyo. bk kc natakot din itong mag asawa n mademanda cl at talagang lalabas ang totoo s mga cnasabe nl. sayang naunahan ang mga tao malamang wag nman sana tumatak n s isipan ng tao yong mga pinag gagawa nlang mag asawa. PERO OKEY NDIN DAPAT KALIMUTAN N LAHAT ANG MAHALAGA NAGKABATI N CILA AT SANA HINDI KAPLASTIKAN ANG IPAKITA NL PARA LANG BUMANGO ULI NAME NL. total ano man man gawi iisa ang laman ng mag amang donaire. sana ito nman c rachel magbago ncy khit marami pdin ang duda s kanya s biglang pagpapakabait ny. good luck cnyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  branquear

    03/06/2011 | 04:01 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  maria45

    03/06/2011 | 03:51 PM
    Why do it NOW? They could have reconciled months ago. In my opinion, this is just a way of fixing his image, even after he won his last fight, the public never really took any interest in him and the sympathy of the public is more to his father. But whatever the reason is, I hope this reconcilition is real and not just for publicity.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  shidax

    03/06/2011 | 03:43 PM
    let's be happy nalang na nagkayos na ang pamilya nila at bigyan natin ng chance si rachel kahit ako noon galit na galit sa kanya pero na iba na ang pagtingin ko sa kanya ngayon sa ginawa niyang tapang na harapin ang kanyang mga inlaws na abot sa langit ang galit sa kanya.hindi takot si rachel na mademanda sila ng kanyang father in law ginawa lang niya ang tama bago pa mahuli ang lahat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  puckerlips143

    03/06/2011 | 03:23 PM
    natakot mademanda si Rachel kaya gumawa na sya ng paraan naalarma na rin siguro dahil maraming pinoy nagalit sa kanila at iilan Lang nagcheer sa panalo ni nonito.....well kahit ka plustikan sa Kay Rachel ang ginawa Nya ok na rin at nagkabati na sila sana wala ng lumabas na iba pang kwento.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tannedkikay

    03/06/2011 | 03:22 PM
    hindi pa ito tapos, sinimulan na naman ni rachel awayin ang mga sportscasters, hala... ayaw tumigil! negative publicity is is still publicity, go girl! bring it on and enjoy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flow246

    03/06/2011 | 03:19 PM
    Pera came out in clear nong magsalita ang trainor o manager ba niya yon? masyadong atat na atat din yon sa publicity. But then, I'm happy for the Donaire's family. I'm not with Rachel pa din, kasi siya naman ang panggulo sa umpisa. Wala tayong magawa, mahal na mahal siya ni Nonito. Let us wish them peace and goodluck. Kaya siguro hindi pa bumalik si Nonito sa Pinay after he won kasi nahihiya siya. Ngayon na clear na ang issue between him and his DAd, bibisita na siya. Takot lang ni Rachel and Nonito na i-booo sila dahil sa panglalait nila sa parents ni Nonito. How about the brod of Nonito, tanggap kaya nila? Sana...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tannedkikay

    03/06/2011 | 03:18 PM
    rachel, wag ka kasi magpainterview, hindi naman ikaw ang celebrity! susmaryosep pa-star! now youre trying to make you look goody but trying to fix what youve started all along, poor donaires, another manipulation done again rachel! jinky is not as slang as you.. but gets away with much breeding!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pepato

    03/06/2011 | 02:43 PM
    Branquer...LOL!!! How did you know??? E mahal daw ang false eyelashes kaya sayang naman daw kung tatanggalin nya agad. It will stay there until it falls daw. LMAO!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • DamonSalvatore143

    03/06/2011 | 02:35 PM
    anjan na naman wife nya, dikit ng dikit pag may nagpipicture kay Donaire, nakikisalo sa limelight. she's obviously fame hungry. She wants to be seen in every picture of her husband. I don't know any other wife of a boxer na laging tumatabi sa asawa sa pictures. She should keep a distance, especially that she's not photogenic...at all!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pepato

    03/06/2011 | 02:35 PM
    Gusto lang ni Nonito at lalo na ng asawa nyang sumikat kaso hindi sila bumibenta sa publiko kahit anong gawin nila. Wag kasi kayong maging masyadong papansin mag-asawa. Hayaan nyong mga tao sa paligid nyo ang makapansin sa achievements nyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About