"And I just wanted to apologize to my dad as well for the things I've said. To my family, the Donaires, for all the things I've said. And a lot of people has been hurt about this. And I am really happy that my family and I, with my wife, we got to talk and clear things out and this is a blessing," says Nonito Donaire Jr. after his reconciliation with dad Nonito Sr.

 

Photo: Courtesy of Reyjane Donaire

Natapos na ang hidwaan ng Filipino boxing champ na si Nonito Donaire Jr. at ng kanyang pamilya dahil nagharap at nag-usap na sila noong Huwebes ng gabi, March 3.

Ang misis ni Nonito Jr. at PEP blogger na si Rachel Donaire ang gumawa ng unang hakbang para magkausap sila ng kanyang father in-law na si Nonito Donaire Sr.

Dalawang taon nang hindi nag-uusap sina Nonito Sr. at Nonito Jr. mula nang magpalit ng boxing trainer ang huli. Lumitaw rin ang isyu na diumano'y pera ang dahilan kaya nagkaroon ng misunderstanding ang mag-ama.

Muling sumiklab ang away ng mag-ama pagkatapos ng laban ni Nonito Jr. kay Fernando Montiel sa Mandalay Bay Events Center dahil inilabas ni Rachel sa Twitter account nito ang old newspaper articles tungkol sa away ng kanyang asawa at biyenan.

Nakadagdag sa sama ng loob ng mga magulang at kapatid ni Nonito Jr. ang mga balita na nagbabalak ang boxing champ na magpalit ng pangalan dahil may gumagamit sa kanyang U.S. social security system.

Nang makausap ng PEP si Nonito Sr. noong nakaraang Miyerkules, March 2, sinabi niya na magsasampa siya ng kaso laban sa kanyang anak at kay Rachel. Magdedamanda siya ng libel para lumabas daw ang katotohanan at para malaman ng lahat kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.

Hindi na matutuloy ang balak na pagdedemanda ni Nonito Sr. laban sa sariling anak at manugang dahil nagkaayos na sila.

Nagyakapan ang mag-ama nang magkita sila matapos ang dalawang taon na estrangement sa isa't isa. Hindi napigilan nina Nonito Sr. at Nonito Jr. ang mapaluha dahil magkasundo na sila at nabigyan ng solusyon ang kanilang two-year-old feud.

Nang magkapaliwanagan ang magkabilang-panig, naglabas ng statement ang mag-ama at si Rachel sa pamamagitan ng video na naka-post sa www.filipinoflash.com, ang official website ni Nonito Jr.

Humingi ng paumanhin sina Nonito Jr. at Rachel kay Nonito Sr., pati na sa mga tao na nadamay at nasaktan ng mga pangyayari.

Pinabulaanan nina Rachel at Nonito Jr. ang kumalat na akusasyon na nagnakaw ng pera si Nonito Sr.

Ang media ang sinisisi ng mag-asawa, pati na rin ni Nonito Sr., kaya lumaki raw ang gulo sa kanilang pamilya.    


NONITO JR. STATEMENT. Narito ang pahayag ni Nonito Jr. tungkol sa pag-aayos nila ng kanyang ama (published as is):                                      

"My family and I are gathered here to square everything. The misunderstanding, the anger, the hatred. We just want to make things right. Both sides have suffered a lot of pain, suffered a lot of...just everything. From sleepless nights to just whatever, embarrassment, and reputation.

"So we just wanna make things clear that what has been said in the media were put into a perspective that was blown into something really big, which was a lot of it were created, a lot of it were put into a...to make people believe that we're horrible people, that all this stuff was on us.

"Now, we're here. We talked. I talked to my dad, my mom, and my family, and we are pretty much... Just to clarify out there, my dad has always been, and I am most thankful to my dad for making me who I am, as a fighter, as a guy, in the talent that I have, because my dad created that with me... I'm always gonna say that.