Pinoy boxing champ Nonito Donaire Jr. and wife Rachel accuse some sportswriters of blowing his rift with his dad, Nonito Donaire Sr., out of proportion.

Photo: Noel Orsal

Sumiklab ngayong hapon, March 6, ang mainit na pagpapalitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng boksingero na si Nonito Donaire  Jr. at ng TV sportscaster na si Chino Trinidad. Ito ay dahil sa VTR statement na inilabas ng misis ni Nonito Jr. na si Rachel Donaire sa official website ng Filipino boxing champ, www.filipinoflash.com.

Sinisisi ni Rachel ang media sa misunderstanding ng kanyang asawa at ng tatay nito na si Nonito Donaire Sr. (CLICK HERE to read related story.)

Binanggit ni Rachel ang mag-amang Recah at Chino Trinidad bilang ilan sa mga sportswriter na inakusahan niyang nagpalaki sa gulo ng pamilya Donaire para dumami raw ang hits sa kanilang mga website.

Ani Rachel, "There are certain people in the media who have gotten fame from tearing our family apart and I think that collectively today, after seeing everything that has been out in the media and  talking about what has really hurt us, the source is all the same—it's all the media.

"So, to those people that thought that they gonna ruin the family and watch us destroy and burn ourselves. To Chino Trinidad, Recah Trinidad, to Anthony Andales, and to Granville Ampong, you're not gonna destroy the Donaire family. And you better go find another tsismis to go, actually, bring any more hits to your site. Because what you did was unprofessional, it's digusting, and it's unlike a Filipino."

Ngayong hapon, nag-post si Nonito Jr. sa kanyang Facebook fanpage account ng mensahe niya para kay Chino at sa sportswriters na sina Manny Piñol at Granville Ampong ng www.philboxing.com:

"Chino, Pinol, n Ampong. Shut up n Leave my family alone: the Donaires n Marcials, esp my wife. Keep talking n ull feel what Montiel felt. U won't see it, ull just feel it. Sonic Boom!!

"Oh n btw, Chino, Ampong, n Pinol- Why dont u cm pick a fight with sm1 ur on size huh? ME AND PAPANG also said it was the media. We ALL pointed at U! So back off"

Ang mga mensaheng ipinarating ni Donaire Jr. sa mga nabanggit na sportswriters ay isang indikasyon na nagdedeklara siya ng giyera laban sa mga media personality na inaakusahan nila na nagpalaki ng away ng kanilang pamilya.

CHINO FIRES BACK. Mabilis na nakarating kay Chino ang mga mensahe ni Donaire Jr. kaya sinagot niya agad sa kanyang Twitter account ang matatapang na pahayag ng Filipino boxer.

"Funny how Mr. And Mrs. Donaire are so afraid of the ghost they created. If they aint stupid enough, maybe they would  know that I don't even have a byline. Maybe they can blame Facebook and Twitter. "

"Nonito Jr. I am not gonna fight you atop the ring but one thing I know, I will never run away from a good fight."

"Nonito Jr, you better ask your a coward of a father in law who used your mother in laws FB account in maligning my character for merely posting  a story on your celebrated feud then your tigas t_t_ (read in street lingo as duwag) biyenan after seeing the reaction of my FB friends removed me from his wife's FB friends but not before the whole whole world saw who the real Gerry Marcial is.

"Kung matapang ka talaga, Nonito Jr., alam mo kung saan mo ako makikita. Hihintayin kita. Gaguhin mo na ang lahat—huwag lang ang pangalan namin!!!! Hindi ako natatakot sa isang hikain at iyakin. Madami na akong nakita na kagaya mo in this lifetime..."