Erich Gonzales and Enchong Dee will start taping for Maria la del Barrio this week. "Sobrang thankful ako sa ABS-CBN kasi di nila kami binitiwan, di nila kami pinababayaan. After Katorse, Tanging Yaman, at Magkaribal, 'eto naman ang Maria La Del Barrio, sobrang pasasalamat ko talaga. We will give our best talaga. They give us good shows naman talaga kaya pagbubutihin namin. Saka 'andiyan naman si Direk Rory [Quintos] to help us," says Erich about their new project.

 

Photo: Noel Orsal

Pormal nang pinakilala ng ABS-CBN ang mga artista na magiging bida ng Pinoy remake ng '90s Mexicanovela na Maria la del Barrio, na pinagbidahan noon nina Thalia bilang Maria at Fernando Colunga bilang Luis Fernando.

Si Erich Gonzales ang gaganap na Maria, samantalang si Enchong Dee naman ang magbibigay-buhay muli sa papel na Luis Fernando.

Ito ang ika-apat na pagtatambal nina Erich at Enchong sa primetime. Una silang ipinareha sa Katorse (2009), at sinundan ng Tanging Yaman (2010) at Magkaribal (2010).

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang dalawang bida ng Maria la del Barrio at ang direktor nito na si Rory Quintos noong Biyernes, March 4, sa 13th floor ng ABS-CBN ELJ Bldg.

ERICH & ENCHONG. Napanood ba nina Erich at Enchong ang original Maria la del Barrio na pinalabas dati sa RPN-9?

Ayon kay Erich, "Nung bata pa po kami, pinapanood po namin yung original Tagalog version nung Maria la del Barrio, kaya medyo pamilyar na rin po ako sa character ni Maria."

Pag-amin naman ni Enchong, "Ngayon na lang po, kasi binigyan kami nung kopya nung original copy para panoorin namin. Kasi medyo early '90s pa nung ipinalabas yung Maria la del Barrio sa Pilipinas.

"So, bata pa po ako nun, wala pa ko masyado interest sa mga ganung palabas. Puro cartoons lang po ang  pinapanood ko that time.

"So, ngayon po, mas nalinawan na po ako sa character nina Luis Fernando at Maria after ko po mapanood yung original copy."

Ano naman ang ipinagkaiba nito sa ibang project na ginawa nila dati?

Ani Enchong, "Siguro yung pagkakaiba nito sa ibang ginawa naming project, bukod sa exciting yung project, medyo mas malaki yung pressure on our part.

"Kasi nung sinabi nga sa akin na magma-Maria la del Barrio kami, nag-research ako sa Internet kung ano ang Mexicanovela na ito. Nabasa ko na, 'This is not just the best but one of the best that makes you go deep.'

"Ganun pala kabigat yun, so nandun yung pressure sa amin. Kaya medyo mahirap sa amin na higitan yung ganung klaseng success, lalo pa't baguhan pa lang kami."

THE DIRECTOR. Ipinaliwanag naman ni Direk Rory kung bakit napagdesisyunan nilang gawan ng Pinoy version ang Maria la del Barrio.