Ronald Singson decided to resign even before he was sentenced, says Gov. Chavit Singson

Rey Pumaloy
Tuesday, March 08, 2011 @ 02:31PM  |  48 views

 

"Even before, sinabi ko na kay Speaker Belmonte, alam na niya na magre-resign. Hindi lang namin masabi na talagang magre-resign dahil hindi pa tapos ang kaso, e. Ang mabigat lang, yung mga congressman na iba, sila na yung... Tinatanggal na bago pa lang mag-decide yung judge. Yun ang ayaw naming mangyari," says Gov. Chavit Singson (left) about the resignation of his son Ronald Singson (right) as congressman of Ilocos Sur.

 

Photo By: Noel Orsal













Sigurado na ang pagbaba sa posisyon ni Ronald Singson bilang congressman ng Ilocos Sur pagkatapos siyang masentensiyahan ng isang taon at anim na buwang pagkakakulong dahil sa drug trafficking sa Hong Kong. (CLICK HERE to read related sotry.)

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ama ni Ronald na si Ilocos Sur Governor Chavit Singson noong Linggo, March 6, pagkatapos ng live appearance niya sa showbiz talk ng TV5 na Paparazzi.

Inaasahan na raw ni Governor Singson ang pagbaba sa puwesto ng anak bago pa man ito nahatulan.

"Yung pagre-resign niya, usapan pa namin noong araw. Hindi lang namin masabi sa public kaya 'kako nga antayin na lang. So, usapan namin talagang magre-resign. 

"Ang kalagayan niya ngayon, personally ako, hindi ko pa madalaw kasi pagka-sentensiya sa kanya, hindi na namin nakita. Kinuha siya sa kulungan.

"Sumisigaw nga yung anak niya. Maski yung anak niya, hindi na niya nahawakan.

"And istrikto sila doon dahil dalawang beses lang sa isang buwan ang allowed...tatlo lang 'ata. Halimbawa, sampu kami, hindi na puwede, next month na yung iba. So,  gano'n kaistrikto," paglalarawan ng gobernador sa magiging kalagayan ng anak niya sa kulungan.

Allowed ba na matawagan nila si Ronald sa kulungan, o kaya ay siya mismo ang tumawag sa kanyang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas?

"Ay, hindi puwede. Hindi gaya dito. Walang telepono doon," sagot niya.

May ipinaabot bang mensahe si Ronald sa kanya bago ito nasentensiyahan?

"Yun nga, e, wala na kaming panahong mag-usap dahil pinutol na agad.  Anyway, before that, alam na namin kasi na mahahatulan dahil umamin kaagad.

"Yun kasi ang lusot niya, e. Kung hindi siya umamin, mas mabigat, five [years] to life, sabi nga nila. Ayaw nga naming tumagal."

RESIGNATION LETTER. Ayon pa kay Gov. Chavit, siya raw mismo ang nagbigay ng resolution letter kay House Speaker Sonny Belmonte para sa resignation ng kanyang anak. Pero bago ito ay naipaabot na ni Gov. Chavit kay Speaker Belmonte ang advice niyang magre-resign na si Ronald bilang kongresista.

"Ay, yes, even before, sinabi ko na kay Speaker Belmonte, alam na niya na magre-resign. Hindi lang namin masabi na talagang magre-resign dahil hindi pa tapos ang kaso, e.

"Ang mabigat lang, yung mga congressman na iba, sila na yung... Tinatanggal na bago pa lang mag-decide yung judge. Yun ang ayaw naming mangyari.

1  2  Next »

Related Articles

33 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name