news

Azkals gets P500,000 share from TV coverage of Bacolod game
by Nica Tomines posted on March 8, 2011  STATS: 11518 Views | 38 Comments

 

"Ang hirap kasi sa time sa training field, di ba? So, paano kami magiging magaling kung wala kaming practice game? Yun ang pinakaunang problema sa Philippine football is training field na maganda. Yung stadium, mahirap na maglaro na dito, dito, doon, doon, diyan, diyan... So, parang jump nang jump. So, ang hirap. So dati, training kami dito, after a week, wala na naman. So, paano kami magiging successful?" says Emilio "Chiefy" Caligdong about the lack of monetary support from the government.

Photo By: Melo Balingit

Nakatanggap ang Azkals ng monetary share sa TV coverage ng isang network para sa qualifying match nila laban sa Mongolia noong February 9 sa Bacolod City.

Ayon sa report ng Manila Bulletin kahapon, March 7, P500,000 ang kabuuang halaga na natanggap ng team.

Ang nasabing nahalaga ay bahagi ng deal sa pagitan ng Philippine Football Federation (PFF) at ng ABS-CBN. Ito ay bayad para sa broadcast rights na ibinigay sa Studio 23 ng Kapamilya network.

Ayon sa agreement ay makakatanggap ang Azkals ng fixed amount na P500,000 sa mga laro nila sa AFC Challenge Cup laban sa international teams saan man dito sa Pilipinas. Ngunit kung ang laban ay sa labas ng bansa gaganapin, kalahati lamang ng P500,000 ang makukuha ng team.

Ito ang mangyayari sa nalalapit na laro ng Azkals sa March 15 para sa second leg ng game nila kontra Mongolia na gaganapin sa Ulan Bator, Mongolia.

Ang perang makukuha mula sa TV coverage ay diretsong pupunta sa mga miyembro ng Azkals at sa coaching staff nito, hindi tulad ng P80 million at P21 million na 10-year pledge ng Smart at Air21 na gagamitin ng PFF sa iba nitong mga programa.

NO SUPPORT. Sa panayam ng PEP sa team co-captain na si Emilio "Chiefy" Caligdong kamakailan sa Baguio City ay nabanggit niya na wala silang natatanggap na suporta mula sa gobyerno.

"Wala, since 2004, nag-start kami sa Tiger Cup pa nun. Wala kaming kinukuhang support even sa PSC [Philippine Sports Commission]. It's personal na gastos, parang ganun. Transportation...lahat-lahat.

"Ang hirap kasi sa time sa training field, di ba? So, paano kami magiging magaling kung wala kaming practice game? Yun ang pinakaunang problema sa Philippine football is training field na maganda. Yung stadium, mahirap na maglaro na dito, dito, doon, doon, diyan, diyan... So, parang jump nang jump. So, ang hirap. So dati, training kami dito, after a week, wala na naman. So, paano kami magiging successful?"

Ikinuwento rin ni Chiefy ang nangyari nang manalo ang Azkals sa Tiger Cup noong 2004.

"Kahit na nung nanalo kami ng first time against East Timor sa Tiger Cup, kahit na i-welcome lang kami sa Manila in the airport, wala, e. Parang 'A, nanalo lang sila,' ganun lang," sabi niya.

Nailalabas lang daw nila ang kanilang hinaing sa mga interview.

"Ang hirap kasi I'm in the Air Force kaya ang hirap na magsalita. So, ano na lang, pag nai-interview, dun na lang naming nabo-voice out. Pero hindi naman all the time na kailangan namin sabihin kasi ang hirap, di ba?" saad ni Chiefy.

Si Chiefy ang naging team captain ng Azkals mula 2004 hanggang 2010. Ngayon ay si Aly Borromeo na ang pumalit sa puwesto ni Chiefy.

Sa panayam ng PEP sa team manager ng Azkals na si Dan Palami, tinanong din namin siya tungkol sa suporta ng gobyerno sa kanila.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

38 Comments

  • 38  sasha19

    03/10/2011 | 03:47 PM
    wow..congratulations azkals..you deserve it! its really about time for the government to support our football team not only for azkals but for football players in the making as well. kesa naman binubulsa lang ng mga opisyal at pinangshoshopping ng bahay sa states ang pera ng bayan..ipatayo na lang ng football stadium at financial support for the team.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  lovelycessa

    03/09/2011 | 08:38 PM
    instead of asking the fan to apologize to Angelica, why not ask Angelica to apologize to Phil and the whole Azkal team? isa lang naman ang tanong neto eh... sino ba ang nag-umpisa ng lahat? Diba si Angelika?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  tagadaetako

    03/09/2011 | 06:21 PM
    please read boy abunda's article about derek asking imorales to apologize at natrace na daw nila ang fan. ano kaya gagawin nila? sa showbizz-pilipino star ngayon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  hugs_kisses

    03/09/2011 | 03:43 PM
    natatawa ko sa mga comments..hehehe..hello angelica!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  sterlingrose

    03/09/2011 | 11:44 AM
    Oh no! Why didn't they give Derek the money instead? Angelica feels he deserves it more! The lady wants another Hermes!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  Namasteh

    03/09/2011 | 11:02 AM
    Lagot kayo kay Angelica. May natanggap pala kayong 500k. Naku,magagalit na naman si Angelica nito. Lagot!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  ally90650

    03/09/2011 | 09:52 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  FlyNDance

    03/09/2011 | 09:11 AM
    i find the comments so hilarious... oo nga naman, sana tinanong muna si angelika kung dapat ibigay yung 500k baka kasi magalit, pati ABS idemanda na rin. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  pinoymeast

    03/09/2011 | 07:31 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  jagjof

    03/09/2011 | 06:00 AM
    phil mag-frisbee ka na lang para hindi ka kagalitan ni Angelika......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  tumssmoothies

    03/09/2011 | 03:18 AM
    oh mga azkhals may nakuha kayo pera baka lalo lumaki ulo nyo nyan ha magalit lalo si angelica sa inyo nyan, magbibigay na namn un ng advie sa inyo, lalo na sa iyo phil ... hahaha ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  mariankimfan1

    03/09/2011 | 03:05 AM
    Magandang investment itong AZKAL ha, hmmm.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  showbizdak

    03/09/2011 | 02:31 AM
    ibuhos na lang ni angelica sa azkals ang gagamitin nya sa demanda, if ever ituloy nya on whatever grounds. wala ring papuntahan yun. waste of time, attorney lang tataba. yung finl. support din ni derek. imbes sa frisbee, azkals na lang para mas prestigious sport. transform negativity to positivity.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  yamnt2007

    03/09/2011 | 02:04 AM
    naku pep sana hiningi nyo muna ang panig ni angelica about sa 500k na yan, pabor ba sya dyan? cguradong may opinyon yun dahil bagong dagdag yan sa funds ng azkals! sya ang nakakaalam ng dapat at hindi dapat gawin ng azkals! ang mahirap nyan baka i-demanda kayo nun! kung ano man ang dahilan ng demanda nya, wala lang badtrip lang sya kaya matakot na kayo halaaa!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  tagadaetako

    03/09/2011 | 01:35 AM
    Oi Angelica Panganiban baka naman sa liit lang nitong share ng Azkals maging major concern mo pa. Good Luck Azkals on your upcoming games. May the force be with you -Obi-Wan Kenobi-
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  haynakunaman

    03/09/2011 | 01:16 AM
    oo nga baka magalit c angelica binigyan ang azkals ng pera..sana nagpa approve muna abs-cbn kay angelica bago nag bigay ng pera kasi baka magwawala na naman yon sa twitter.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  pinoymeast

    03/09/2011 | 12:35 AM
    Ang kapal naman ng azkals kung humingi ng tulong kay angelica. Dapat lumuhod muna sila para tumulong sina Derick. Kung sakali man tulungan, dapat ilagay si derick at paalisin si phil. Malamang kung si derick ang mag-laro champion na ang Pilipinas!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  pinoymeast

    03/09/2011 | 12:32 AM
    Si Angelica lang may karapatan mag-artista. Siya ang pinaka-magaling at magandang artista sa history ng showbiz ng pilipinas. Alam ni Angelica kung papatok ang artista. Nakita nya kay Phil na ito ang mag-papababa ng integrity ng showbiz. Dapat ma-aprub muna ni Angelica kung mag go ahead para mag-artista.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  rhapsody123

    03/08/2011 | 11:20 PM
    Masyadong maliit yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  yamnt2007

    03/08/2011 | 10:54 PM
    bakit bibigyan ng ganyang pera ang azkals?? aprubado na ba ni angelica p. yan???? baka magalit yun! lol! hehehe!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About