"Sobrang thankful ako that they gave me this break. It doesn't matter if I waited six years, five years, one year, basta I was given what I deserve," says Melissa Ricks about playing the lead role in new afternoon soap Nasaan Ka Elisa?.

Photo: Noel Orsal

Isang "perfect daughter" ang ginagampanang role ni Melissa Ricks sa bagong afternoon series ng ABS-CBN, Nasaan Ka Elisa?.

Ang nasabing serye ay Pinoy version ng Puerto Rican drama series na Dónde está Elisa?. Nagawan na rin ito ng adaptation sa iba't ibang bansa gaya ng U.S., Venezuela, Spain, Chile, Croatia, at Mexico.

Nagkaroon ng beach-themed press preview ang Nasaan Ka Elisa? kahapon, March 8, sa Trellis sa ABS-CBN compound.

Pagkatapos ng pagpapalabas ng first two episodes ng serye, na magsisimula na sa March 21, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Melissa.

LATE BLOOMER? Ano ang masasabi ni Melissa sa obserbasyon ng ilan na tila "late" ang pag-launch sa kanya ng ABS-CBN kumpara sa ibang young female stars ng ABS-CBN na naunahan pa siya, gaya nina Erich Gonzales (Katorse), Empress (Rosalka), at Jessy Mendiola (Sabel)?

"Ako naman, I never asked for lead role," sabi niya. "I just wanted work. I just wanted to act. I just wanted to give inspiration to people na mapasaya ko man lang ang mga fans ko kahit maliit lang ang role ko. 

"Pero I guess, this is so much na yung management, ipinagkatiwala sa akin ang ganitong role kahit alam nila na medyo conservative ako, pa-sweet. They gave me a role that will really challenge me.

"So, sobrang thankful ako that they gave me this break. It doesn't matter if I waited six years, five years, one year, basta I was given what I deserve."

Gaano siya ka-pressured sa Nasaan Ka Elisa?, lalo pa nga't ang previous shows ng Dos na nag-launch sa ibang Kapamilya stars ay pawang nag-rate?

"Lahat naman ng shows na napasali ako, thankfully, nag-rate naman po," nakangiti niyang sabi.

"Sana with this show, it would rate kasi it's different. Hindi siya pure drama. It's a mystery, adventure, and sana matanggap ng mga Filipino ang ganitong klase ng istorya."

PERFECT DAUGHTER? Dahil tungkol sa pagkawala ng sinasabing "perfect daughter" ang tema ng Nasaan Ka Elisa?, ang unang tanong kay Melissa ay kung masasabi ba niyang isa siyang "perfect daughter."

"Sa totoong buhay, I'm far from being perfect naman," sagot ng young actress. "But I try to be a good daughter to my parents. I would say yes, I'm a good daughter, pero siguro ang magulang ko dapat ang tanungin n'yo do'n."

Bagamat 21 years old pa lang si Melissa, hindi raw siya magimik gaya ng ibang kabataan.