news

New Kapuso talent Andrea Torres hopes to make a mark in showbiz by showing "bubbly, kikay" personality

by Mark Angelo Ching posted on March 9, 2011  STATS: 24389 Views | 22 Comments

 

"Galing na rin po ako dito, e, nandito na lahat ng kakilala ko. Saka sanay na rin po ako sa sistema, kahit papaano," says Andrea Torres on why she chose to sign up with the Kapuso network.

Photo By: Mark Angelo Ching

May bago na namang young talent ang GMA-7. Ito ay si Andrea Torres, na pumirma sa three-year exclusive contract sa network kahapon, March 8.

Pinuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang contract signing ni Andrea sa Executive Board Room ng GMA-7. Matapos ang pirmahan ay nakausap namin ang bagong talent.

Ayon sa 20-year-old actress-TV host, hindi na siya bago sa showbiz. Isa siya sa mga naging hosts ng Ka-Blog, ang dating youth-oriented magazine show sa GMA-7. Nabigyan din siya ng role You To Me Are Everything ng GMA Films, starring Marian Rivera and Dingdong Dantes.

Noong October 2010 nawala sa ere ang Ka-Blog, kaya naman masaya si Andrea na nabigyan muli siya ng tsansa ng GMA-7 na magkapangalan sa showbiz.

"Naku, nagtalon-talon po ako sa bahay! Kasi pinagdarasal ko po talaga," sabi niya.

Matapos ang Ka-Blog ay nag-concentrate muna siya sa commercial modeling. Ilan sa mga nagawa niyang commercial ay para sa Chowking, Nescafe, at Eskinol.

"Alam ko na opportunity din siya para mapansin. Kaya ipinagdasal ko rin talaga, na sana mapansin ako ng GMA, kunin ng GMA," dagdag niya.

Nag-concentrate din si Andrea sa pag-aaral. Kumukuha si Andrea ngayon ng Communication Arts sa University of Sto. Tomas. Ngunit ngayong may kontrata na siya sa GMA-7 ay binawasan niya muna ang units niya sa college.

Hilig niya raw kasi talaga ang showbiz at performing arts.

Kuwento niya, "Mula bata pa po kasi, hilig ko na talaga, kaya nagwo-workshop ako. Ang dami ko nang na-attendan na workshop, tapos nagpe-play ako sa school.

"Pero yun nga po, sa school po, active ako kasi hilig ko na talaga, e. Kaya habang hindi pa po ako nakakakuha ng project sa mga pinag-o-auditionan ko, dun muna sa school."

Hindi pa alam ni Andrea kung ano ang projects na ibibigay sa kanya ng GMA-7. Gayunpaman, mayroon na siyang mga pinapangarap na makapareha.

"Sana po, kung mabibigyan ako ng chance sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Richard Gutierrez," sabi niya.

Tanong ng PEP, ano ba ang gagamitin ni Andrea para mapansin siya sa GMA-7?

"Siguro po, yung syle ng acting ko, saka yung personality ko, yung yung maiiba. Ano ako e, bubbly, kikay. Ganun," maikli niyang sagot.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

22 Comments

  • 22  oskieness

    03/10/2011 | 10:55 PM
    CRUSH KO TLGA DATI PA SILA NI MONICA SA KA BLOG ANG GAGALING NILANG MAG HOST AT ANG gaganda tlga! SANA MAGING NEXT SUPER STAR SYA NG GMA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  7heaven

    03/10/2011 | 02:29 PM
    WOW!!!!! It's about time Andrea!!Medyo naiwanan ka na kasi ni Monica Verallo. I thought that you will never be seen on TV anymore. Congrats and welcome to KAPUSO!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  delightful15

    03/10/2011 | 02:01 PM
    who you?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  fANNEatic

    03/10/2011 | 11:28 AM
    super tagal na nung nag-aadmire talaga ako ng isang local artist, im not a fan kasi of local artists and thats miss anne curtis.. the first time i saw anne way back sa movie nya sa abs na magic temple, in that instant naging fan nya ako from then on naging AVID fan haha its so glaring in my username.. at ngayon naman si miss andrea torres, first time ko palng syang nakita sa kablog naging instant fan na din nya ko..i know she will make it big just like anne its just a matter of time. calling GMA give this lady lots of projects and im pretty sure di kayo magsisisi..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  jenny143dm07

    03/10/2011 | 10:49 AM
    Siya yung girl sa YTMAE....Yung pinakamataray na half sister ni Iska. Sana di niya gayahin ang ginawa ng real sister niya sa YTMAE.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  larrybite

    03/10/2011 | 09:22 AM
    Nagresign na ang Director ng Party Pilipinas dahil sa suporta sa mga writers ng programa, dahil kuripot magbayad ang GME kapusod sa mga writers ng show 5 kiyaw lang ang sweldo per episode kahit 2 weeks na nilang pinaghihirapan ang pagiisip ng ideas sa show.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  vagabond

    03/10/2011 | 06:38 AM
    This girl TRIED her luck with ABS-CBN before and joined a "semi-reality" show. lol. She was one of the "love princesses" in Qpids back in....2005 ba yon? something like that.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  starking

    03/10/2011 | 06:09 AM
    no. 12 mas kamukha nya si Juliana Pallermo white version nga lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  daiguro01

    03/10/2011 | 01:55 AM
    ang laki ng mukha nya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  SpeedOfLight

    03/10/2011 | 12:00 AM
    ang mga articles sa pep puros kapamilya stars. iba na talaga ang sikat! SIKATSUPOY.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  kapusono1

    03/09/2011 | 11:40 PM
    KC concepcion ikaw ba yan?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  fANNEatic

    03/09/2011 | 11:37 PM
    definitely she has all it takes to make it big in show business.. GMA has made a very good decision this time.. she got the star quality that i dont see in most kapuso artists not even the starstruck winners. i have watched her before in kablog and she does really is a promising actress. i saw kristine hermosa's acting style on her which is really great.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  kapupuyucks

    03/09/2011 | 10:25 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    03/09/2011 | 10:06 PM
    laki ng pagkakahawig kay FAVORITE PAMANGKIN siguradong may bagong haharangin nanaman sa GMA....diba TITA?...lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • muchlikefallingme

    03/09/2011 | 09:49 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • penshoppe

    03/09/2011 | 08:45 PM
    ive worked with her two years ago. she's OK. shes nice when youre nice with her. pero shes not really that out-going personality. the whole time we were at the shoot, as in nanay nya lang ang kausap nya. habang nagsisigarilyo nanay nya. parang sila lang magkakilala sa mundo. but the mother is nice when you try to talk to her. shes really a pretty face. nice personality. pero that was two years ago. hope this time things are better. happy for this girl. medyo o.a. lang minsan sa acting halatang pilit. pero i didnt take any acting workshop naman to rationale anything, baka ganon nga talaga ang tama para sa kanya. classic face. gandang ganda ako sa kanya. sana wag yumabang at mapariwara. goodluck andrea! and her bf is too cute!!! ada torres sya sa fb.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • maldito

    03/09/2011 | 08:19 PM
    si Marian lang ang kilala ko sa GMA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapusoakotalaga

    03/09/2011 | 08:03 PM
    it's time GMA, magbuild up kayo ng mga star nyo, at wag payagan mapirata ng ABS at Tv5. paunti na ng paunti ang gma talents. kc kinukuha na lahat ng abs at tv5... napansin nyo ba?madami pa kayong dapat i build up at bigyan ng projects jan, wag nyo silang pabayaan GMA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tangerine_dream114

    03/09/2011 | 06:58 PM
    kala ko si kc
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winonao1

    03/09/2011 | 06:45 PM
    btw naqpansin ko rin na fashionista sya hehe ginagaya ko nga pananamit nya dati sa ka blog! shes so chic! sana alam ko twitter account nya kung meron man.. buti naman at di sya nakuha ng ABS kasi kun natagalan pa eh im sure mapapansin sya ng abs hehe .. pansin ko lng kasi mahusay kumilatis ang abs ng pasisikatin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About