Kahapon, March 10, ay inilabas ng Court of Appeals (CA) ang desisyon nito sa copyright case na isinampa ng ABS-CBN laban sa Willing Willie ng TV5. Ipinatigil ng CA ang pagdinig ng kaso sa Makati Regional Trial Court. (CLICK HERE to read related story.)
Nahahati sa apat na bahagi ang desisyon ng CA. Tinalakay nito ang mga sumusunod: (1) Consolidated Motion to Expunge na isinampa ng ABS-CBN sa CA para iaapela ang TRO na inihain nito sa Makati Court; (2) Motion for Intervention na isinampa ni Willie Revillame sa CA; (3) petisyon para sa Writ of Preliminary Injunction na isinampa ng TV5 sa CA, laban sa Makati RTC; at (4) petisyon ng ABS-CBN sa pagpapalit ng Cash Bond sa Isang Surety Bond.
Pumanig ang CA sa TV5 sa una, pangalawa, at pangatlong mga isyu. Samantala, pumanig naman ang CA sa ABS-CBN sa pang-apat na isyu.
Ang resolution ay ginawa ni Associate Justice Japar Dimaampo, samantalang kinatigan naman ito nina Presiding Justice Andres Reyes Jr. at Associate Justice Jane Aurora Lantion.
MOTION TO DISMISS. Isinampa ng ABS-CBN ang copyright case laban sa Willing Willie at TV5 noong November 24, 2010 sa Makati RTC. Ayon sa network, gayang-gaya ng Willing Willie ang dati nitong programang Wowowee. Si Willie Revillame ang host ng parehong programa.
Humihingi ang ABS-CBN ng P127 milyon na danyos laban sa TV5, ang network na nagpapalabas sa Willing Willie.
Nakapagsampa naman ng Motion to Dismiss ang TV5 sa Makati RTC Branch 66, kung saan na dinidinig ang kaso (Civil Case No. 10-1155). Gayunpaman, naglabas ng desisyon ang Makati court noong December 2 na nagtuloy sa pagdinig sa kasong ito, at hindi na iniresolba muna ang nasabing petisyon. (CLICK HERE to read related story.)
Dahil dito, nagsampa ng Petition for Certiorari and Prohibition ang TV5 sa CA noong December 6. Pinanindigan ng TV5 na kailangang resolbahin muna ng Makati RTC ang kanilang Motion to Dismiss bago ituloy ang hearing para sa TRO.
Pinakinggan ng CA ang TV5, at nagbaba ito ng isang TRO noong December 17, 2010, na nagpatigil sa nagaganap na hearing sa Makati RTC.
Bilang sagot, nagsampa naman ang ABS-CBN ng Manifestation with Urgent Motion to Dismiss, at Consolidated Motion to Expunge noong February 10, para mapawalang-bisa ang TRO laban sa Makati court.
Tinawag ng ABS-CBN na "grave abuse of discretion to the court" ang ginawang pag-file ng TV5 ng kanilang petisyon sa CA. Ayon sa Kapamilya network, "moot at academic" na raw ang petisyong ito.
Ngunit sa kabila ng petisyon ng ABS-CBN ay itinaguyod muli ng CA ang kanilang TRO sa resolusyong inilabas kahapon. Kinatigan ng CA ang TV5 at sinabing dapat nga munang resolbahin ng Makati court ang Motion to Dismiss bago ituloy ang hearing para sa copyright case.
Sinabi rin ng CA na hindi nito maaaring panigan ang isinampa ng ABS-CBN na Manifestation with Urgent Motion to Dismiss at Consolidated Motion to Expunge dahil nga maiiwang hindi naresolba ang ilang mga isyu, tulad ng Motion to Dismiss sa Makati court.
Narito ang nilalaman ng CA resolution:
"Foremost, private respondent's Motion to Dismiss.




0

