news

Eat Bulaga! stays with the Kapuso network for another three years

by Gorgy Rula posted on March 11, 2011  STATS: 32618 Views | 108 Comments

 

Eat Bulaga! main hosts Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon (top) attend the contract signing for the extension of their show between TAPE Inc. bosses Mr. Tony Tuviera (below, fourth from right) and Ms. Malou Choa-Fagar (below, right) and GMA-7 executives Atty. Felipe Gozon (below, fifth from left), Mr. Jimmy Duavit (below, second from left) and Mr. Felipe Yalong. Also present at the contract signing are Eat Bulaga! Dabarkads Anjo Yllana, Allan K, Jimmy Santos, and Ruby Rodriguez.

Photo By: Courtesy of GMA-7

Mananatiling Kapuso pa rin ang Eat Bulaga! hanggang taong 2014.

Pumirma ng extension contract sa GMA-7 ang TAPE Inc., na siyang producer ng longest-running noontime show sa bansa, kaninang hapon, March 11, sa GMA Network Center.

Present sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon at Mr. Jimmy Duavit, ang TAPE president na si Antonio Tuviera, at ang supervising producer ng show na si Malou Choa-Fagar.

Sinaksihan ito ng mga Dabarkads (Eat Bulaga! hosts) sa pangunguna nina Senator Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon; kasama sina Anjo Yllana, Jimmy Santos, Allan K, at Ruby Rodriguez.

RENEWAL OF VOWS. Wala naman daw sa isip nina Tito, Vic at Joey na lumipat pa sa ibang istasyon kahit merong nagpaparating ng interes na kunin ang Eat Bulaga!

Mula nung 1995 pa sa GMA-7 ang Eat Bulaga! at hindi na raw nila naisip na lumipat pa sa ibang istasyon.

Ang concern daw nila ngayon ay kung paano makakatulong ang Eat Bulaga! sa mga manonood dahil ang isa raw sa pagbabago ng programa ay ang pagbibigay ng public service sa mga manonood.

Habang tumatagal ay lalo raw silang lumalakas at nagiging masipag para lalong pagandahin ang Eat Bulaga!.

"Hindi na kami napapagod, e," sabi ni Joey. "Bale ito na ang aming pahinga dahil more than 30 years na ginagawa namin ito araw-araw, dito na kami nagpapahinga at nare-recharge."

Hindi naman itinatanggi ni Mr. Duavit na malaking bagay ang mga naririnig nilang may mga ilang istasyong balak kunin ang Eat Bulaga!

 

Aniya, "Hindi naman maipagkakaila na may mga haka-haka na nadidinig at hindi namin maitatanggi na sanhi rin ito ng desisyong mag-extend ng contract.

"Well, naging matibay ang pagsasamahan, pero mas mabuting lalo pa itong ipagtibay."

Hindi naman sila nahirapan sa pakikipag-usap sa Eat Bulaga! dahil hindi naman daw biro ang halos labing-anim na taong pagsasama nila kaya dapat na maging bahagi pa rin ng GMA-7 ang Eat Bulaga!.

 

Pahayag naman ni Mr. Tuviera; "Ang pakiramdam namin ngayon, parang renewal of vows lang ito. Parang mag-asawa na who will continue na magbigay ng tuwa't saya sa mga manonood.

"Talagang kami'y nananalangin na sana bigyan pa kami ng GMA-7 ng mahabang buhay sa telebisyon para patuloy na maging parte ng buhay ng mga Pilipino. Kaya malaki ang pasasalamat namin sa GMA."

Dugtong naman ni Atty. Gozon, "Bihira lang kasi ang variety show na tumatagal ng ganito katagal at alam ko marami ang nagkagusto diyan. Parang babaeng maganda iyan na maraming nanliligaw."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

108 Comments

  • 108  akotoh_dxb

    03/15/2011 | 06:08 PM
    no.90 - daffodils87 baka ung computer mo may problema kc napanood ko rin ang SC via website and so far wala naman akong na-experience ng gaya sayo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 107  trinoma_rat

    03/15/2011 | 06:03 PM
    kanina sa EB, sa visit nila sa barangay, may nag joke about a tsunami. i think it was a joke in bad taste. alam naman natin na tragedy nga yan sa japan now. sa states nga, nabasa ko sa internet, may na fire-out na comedian dahil sa kanyang tsunami jokes about japan sa kanyang twitter account. so i hope philippine comedians will steer clear of earthquake and tsunami jokes as well.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 106  7heaven

    03/15/2011 | 04:45 PM
    Alisin mo kasi bitterness aa dibdib mo para hndi nadedelete mga comments mo. Bitter ka kasi eh. He he he!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 105  magsasaka

    03/15/2011 | 02:23 PM
    Mabuti nalang nag-stay kayo sa GMA7. walang dahilan para lumipat kayo, kagaya nangyari nuon sa ABS. bagama't naging wowowee fan ako nuon, ibig sabihin isa ako sa mga na-uto ni willie, kaya balik Eat Bulaga agad ako.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 104  landstown

    03/15/2011 | 10:01 AM
    ang saya saya ng eat bulaga daming natutulungan.congrats kapuso.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 103  joanncabale

    03/15/2011 | 02:07 AM
    solid eat bulaga. super love namin ang pinoy henyo and juan for all, all for juan. winner ang at bulaga. solid kapuso from general santos city
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 102  gaila

    03/14/2011 | 11:42 PM
    galing nman ng EAT BULAGA ... di talaga sila mukhang pera .. purely kasiyahan at tulong sa kapwa ang nasa isip nila kaya sila tumagal .. galing... galing ! nangyari na nman ang kasabihan na hindi lahat ng tao nabibili .. marami parin ang may prinsipyo .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 101  Space_Ace

    03/14/2011 | 09:28 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 100  genre_do

    03/14/2011 | 08:45 PM
    May chemistry ang GMA at Eat Bulaga, unstoppable and unbeatable ang tandem nila, kya h'wag na sanang umepal yung ibang network dyan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 99  7heaven

    03/14/2011 | 04:44 PM
    He he he he! Sawimpalad na namn ang kabila. Asa sila na makuha nila ang EB. Ha ha ha ha ha ha ah!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 98  ichigo510

    03/14/2011 | 04:00 PM
    di basta-basta nasilaw ng pera ang TAPE Inc..at ang tvj.. it only shows na marunong silang tumanaw ng utang na loob. more power to EB..juan for all the best!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 97  gmaDabarkads

    03/14/2011 | 03:29 PM
    cONGRATS EAT BULAGA ! PROUD 2 BE KAPUSO ! kahit pa anung anung paninira nyo sa GMA wala na kaung magagawa nO.1 na GMA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 96  ching75

    03/14/2011 | 01:13 PM
    Galing ng TVJ concert last saturday...Jimmy boy, ikaw na, the best ka! Long live TVJ, long live Eat Bulaga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 95  mnlsantos

    03/14/2011 | 10:56 AM
    Since i was a kid EB na tlaga ako and still EB hanggang ngayun! Hindi pa dumarating ang papalit sa EB pero sana tumagal pa sila kasi makikita mo sa show nila yung pagkatotoo hindi scripted ang mga sinasabi at ginagawa. Sorry for the Happy YY ha pero ang korny tlaga ng show nila tapos si Tony tumapat pa sa show na kung saan sya galing....hayyyy! Congratulations Eat Bulaga forever!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 94  SpeedOfLight

    03/14/2011 | 10:05 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 93  thebusdriver2009

    03/14/2011 | 07:29 AM
    congrats to EB.... I've been the witness of this show since 1979.... thus I am also aware of the buy out plans of ABS.... luckily they shift to GMA 7 and long live TAPE office..... More power to GMA 7..... We will always support you Debarkads.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  felixsotto

    03/14/2011 | 05:09 AM
    D best talaga ang Kapuso network at Eat Bulaga!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  voiceoflondon

    03/14/2011 | 03:59 AM
    I agree with route57 greedy talaga Abs kaya nawala sa kanila ang Eat Bulaga..they tried to buy the rights from TAPE dahil alam nila malaki ang profit nila, look at what happened? Instead of gaining they lose sooo much dahil sa pagkawala ng EB. I dont think babalik pa sila sa Abs.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  daffodils87

    03/14/2011 | 03:47 AM
    I happened to watch Showbiz Central today via certain website which I don't normally do, OMG, this show is a garbage! Is there room for improvement for this show? Attention GMA seven, please do a make over for this show. Is there something wrong with the audio?, because the hosts voices are very irritating to the ears. I know for sure there's nothing wrong with my computer.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  cambridge

    03/13/2011 | 11:59 PM
    carl9689 ang alam ko kasi hindi ganun yun. tama nga si 90route57, sakim nga ABS. gusto nila kasi makuha ang kinikita ng EB, akala nila ganoon lang kadali yun...di nila alam buong team ng TAPE yun....from boss Mr T., Malou Choa, TVJ, direk Bert De Leon, Pochie Rivera...lahat na. nakapag OJT ako kasi sa kanila. kaya alam ko DABARKADS talaga turingan nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About