news

Vic Sotto still not looking for a lifetime partner

by Gorgy Rula posted on March 11, 2011  STATS: 23743 Views | 30 Comments

 

"Hindi naman dahil sa love life lang magiging masaya ka. Masaya na ako sa pamilya ko, sa mga anak ko, sa mga apo ko, at sa mga katrabaho ko sa Eat Bulaga! Hindi naman ako naghahanap, e. Kung ano ang ibibigay ng Diyos, bahala na Siya," says Vic Sotto.

Photo By: Noel Orsal

Sa contract signing para sa extension ng Eat Bulaga! sa GMA-7 hanggang 2014 kaninang hapon, March 11, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga host ng programa na si Vic Sotto.

Hiningan namin ng reaksiyon si Vic tungkol sa sinabi ng kanyang mga anak na sina Danica at Oyo Sotto, na gaya ng kanilang ina na si Dina Bonnevie, sana makakita na rin daw ito ng lifetime partner.

"Nagpapasalamat naman ako na may ganun silang concern, pero masaya na ako, e," sabi ng top comedian.

"Hindi naman dahil sa love life lang magiging masaya ka. Masaya na ako sa pamilya ko, sa mga anak ko, sa mga apo ko, at sa mga katrabaho ko sa Eat Bulaga!"

Dagdag pa niya, "Hindi naman ako naghahanap, e. Kung ano ang ibibigay ng Diyos, bahala na Siya."

Kung nalulungkot si Dina sa kanyang pag-iisa, hindi naman daw nakaramdam ng ganun si Vic dahil sa marami naman daw siyang ginagawa at hindi naman daw niya nararamdaman ang pag-iisa sa kanyang tahanan.

Naintindihan din daw niya ang kanyang mga anak kung nagwi-wish pa itong magkakabalikan sila ni Dina dahil sila nga naman ang mga magulang.

Natawa na lang ito sa sinabi ni Dina na siya pa rin daw ang "George Clooney" sa kanyang buhay.

"Wala naman tayong magagawa kung iyun ang tingin niya. May magagawa ba ako?" pabiro nitong sagot sa amin.

Pero hindi naman daw masasabi kung ano ang nakaplano sa kanilang buhay. Ang mahalaga, masaya lang daw ang lahat at hindi naman daw siya nagmamadaling magkaroon na ng lifetime partner.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

30 Comments

  • 30  baybrook

    03/14/2011 | 09:23 AM
    maigi naman at na-realize din ni pia na wala syang mahihita kay bossing ...cguro nababasa din nya dati -rati lahat ng mga nega comments ng mga pepster kaya naka-pag-isisp-isip sya ...hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 29  showbizdak

    03/14/2011 | 07:50 AM
    'been there, done that' na siguro ang attitude ni bossing pagdating sa marriage. kaya at least kung sino man ang next, hindi na dapat mag-ilusyon na maging mrs. nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 28  kazumi_yumi

    03/13/2011 | 11:22 PM
    bakit naman magreresign si pia sa eat bulaga just because her relationship with bossing fizzled out? bakit naman niya paliliitin ang mundo nya dahil lang sa isang lalaki? nasa EB na sya hindi pa sila ni vic diba? so, hindi din sya dapat umalis just because of vic. at saka sa napapanood ko kay pia, mukhang ok lang naman sya, hindi naman sya mukhang naghahabol kay vic sotto, at saka makikita naman natin ang mutual respect from both parties, diba wala naman nag comment kay vic or kay pia man sa pagtatapos ng relationship nila, that must mean that they have a high regard for each other. nakakatuwa nga sila pareho kasi they are both taking the break up so gracefully and napakaprofessional nila. alam nila kung paano i separate ang professional sa personal kahit pa mga public figures sila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 27  akotoh_dxb

    03/13/2011 | 04:25 PM
    bakit nga kaya nag-i-stay pa rin c pia e EB e wala na pala sila ni bossing? hmmmm....i remember lahat ng sinasabing naging karelasyon ni bossing na ex-EB e lahat umalis agad nung wala na sila ni bossing...ano pa kaya hinihintay ni pia? well........
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  mangelk11

    03/13/2011 | 03:03 PM
    i do believe God has a purpose for them.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  yan_27

    03/13/2011 | 08:38 AM
    naawa lang tlaga ako ke pia guanio, mukhang umasa sya tlaga na sila na, buhay nga nman...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  swissmatz

    03/13/2011 | 05:22 AM
    Well I hope just like Danica and Oyo, sana wi ni wish ko rin na magkabalikan na lang sila Vic and Dina... I can feel that Dina still care for Vic... I hope si Vic din... The first move should be from VIC.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  neophyte

    03/13/2011 | 02:38 AM
    not looking for a lifetime partner. wait when he's already in his 80's and that's the time he will finally settle down-ala hugh hefner. but the time he only needs somebody who can feed him a bowl of soup-nothing more.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  ehemm

    03/13/2011 | 02:38 AM
    fabe, strange or estranged? puwede na ring both. am sure they are still fond of each other. hi vic pogi and dina ganda lols
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  Fabe

    03/12/2011 | 11:38 PM
    This comment is for NUMBER 11. Kung maraming naging boyfriend si Dina bakit si Vic ba wala? Si Dina lang ang pinakasalan niya at maganda. Marami dito ay nag hahangad silang magkabalikan I wish the same thing for the strange couple.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  Jamsan

    03/12/2011 | 10:13 PM
    huh, break na sila ni Pia?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  ehemm

    03/12/2011 | 05:03 PM
    lols at your post, totoysipa. funny. he does not want a lifetime partner. just someone who'll be there every once in a while, di ba, vic? or is it hi and then bye? all his life, he has seen love come and go kaya siguro ganun na lang - hello then au revoir na lang. ewan, he's still young anyway so let him live his life the way he chooses to lols
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  trinoma_rat

    03/12/2011 | 01:42 PM
    tama ka dyan, vic. di lahat ng tao eh kelangan may ka-romantic relationship para maging masaya or fulfilled. pero, meron namang tao na feeling nila di sila mabubuhay kung walang ka-romantic relationship. iba iba talaga ang tao. pero dapat, kung saan masaya ang isang tao, dun sya! at wala ng paki ang iba! just have trust in the Lord!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  totoysipa

    03/12/2011 | 01:38 PM
    Ano ba? Syempre, hindi pa ready si Vic sa mga ganyang bagay. He has a lot of time, bata pa siya. Huwag madaliin, darating din ang time na magma-mature rin siya. Hahaha!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  legalaiddotcom

    03/12/2011 | 11:15 AM
    11 lanalang08 double standard. bakit pa babalikan ni vic c dina eh marami nang lalaking nagdaan?eh bakit c vic nakailang babae naba?ilang anak sa ibang babae?pakisagot dalii...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  alvino123

    03/12/2011 | 11:05 AM
    Ano pa naman kaya ang ginagawa ni Pia Guanio sa Eat Bulaga. Mukha lang siyang kawawa doon. Wala nabang ibang trabahong makuha si Pia at nakasiksik parin siya doon?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  gorgeous_aleck

    03/12/2011 | 09:14 AM
    c pia guanio ba ang karma niya? di kaya 3rd party? matagal nang my bf c pia. steve o steven daw ang name?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  hooney

    03/12/2011 | 09:02 AM
    para nga silang soulmate
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  imyselfandi

    03/12/2011 | 06:37 AM
    Bossing pag naisipan mo na ng lifetime partner hmmmmmmmmmmm nandito lang ako handang maghintay sa 'yo. kahit kamatayan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  lanalang08

    03/12/2011 | 06:03 AM
    baket naman babalikan pa ni vic si dina eh sa dami na nang nakarelasyon ni dina na nagdaan sa buhay niya baket pa babalik si vic sa kanya. hindi naman si dina lang ang babae na minahal ni vic kaya kung gusto ni vic na magkaroon nang ibang karelasyon seguro hindi si dina iyon. makakatagpo rin si vic nang babae para sa kanya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About