Gaano katagal na bang loveless si Miriam Quiambao?

"Hindi naman ako loveless, nandiyan naman si God.  Boyfriend?  Ahmm... siguro officially, mga July last year," she says.

 

Photo: Noel Orsal

Maraming nakapansin na glowing si Miriam Quiambao sa nakaraang press presentation para sa 40 official candidates ng Bb. Pilipinas 2011 noong March 8 sa Sofitel Hotel.

Naimbitahan si Miriam sa press launch dahil naging Bb. Pilipinas ito at nag-first runner-up pa sa Miss Universe pageant noong 1999.

Kahit nandoon ang ibang mga beauty queens gaya nina Precious Lara Quigaman at Maggie Wilson, lutang na lutang pa rin ang beauty ni Miriam. 

Nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Sofitel Hotel kung saan ginanap ang press launch, kinamusta namin ang kanyang love life.

"Okey naman," nakangiti niyang tugon.  "You know, I'm really taking my time to make friends with guys."

Foreigner ba ulit ang mga nanliligaw sa kanya?

"Ahmm, merong foreigner, may Pinoy," saad niya.

Pero wala raw siyang date nung Valentine's Day kundi ang sarili niyang pamilya.

"Gusto ko kasama ko nung time na yun ang pamilya ko. Siyempre, alangan namang pumili ako sa mga dini-date ko.  Baka sabihin nila may someone special agad, di ba?

"So, family muna," patuloy niya.

Tumanggi si Miriam na magsabi kung ilan ang umaaligid sa kanyang mga boys, pero ayon sa kanya, higit sa isa ang kanyang dini-date ngayon.

Mukhang naka-recover na siya matapos makipaghiwalay sa asawang foreigner, ang Italian businessman na si Claudio Rondenelli. Nagsama din sila ng dalawang taon.

"Of course, in the beginning there's trauma but you know by the grace of God, binago, hineal ng God yung pag-iisip ko, tinanggal niya yung mga trauma ko. At sa awa ng Diyos, hindi ako jaded when it comes to relationships. At meron pa rin akong pag-asa na eventually, ikakasal uli ako and we will live happily ever after," aniya.

Gaano katagal na ba siyang loveless?

"Hindi naman ako loveless, nandiyan naman si God.  Boyfriend?  Ahmm... siguro officially, mga July last year."