"Hindi lang siya mean girl, kundi ambisyosa, inggitera, may pagka-bratty at palaaway... Ginagawa ko siyang drama queen. Tapos yung nagkukunwaring sosyal, pero may pagkapalengkera kung makipag-away," Chynna Ortaleza describes her portrayal of Natasha, the kontrabida in Magic Palayok.

Masayang-masaya nga si Chynna Ortaleza dahil sa success ng early primetime series ng GMA-7 na Magic Palayok. Maganda nga ang mga natatanggap nilang feedback at patuloy ang mataas na ratings nila.

"Lahat kami sa set ay sobrang masaya. Tuwing ibabalita sa amin na winner kami, lalo kaming nai-inspire na magtrabaho sa show,"ang sabi ni Chynna sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Magic Palayok sa New Manila, Quezon City.

"Sobrang happy nga si Direk Joel [Lamangan] kasi nga ito ang muling pagdirek niya ng isang comedy-drama series. Kaya kapag nakarating sa kanya ang news na mataas ang ratings, talagang makikita mo ang big smile niya."

Kinatutuwa ni Chynna ay ang kontrabida role na binigay sa kanya bilang si Natasha. Binigyan niya ng sariling interpretasyon ang role at bumabagay naman.

"Hindi lang siya mean girl, kundi ambisyosa, inggitera, may pagka-bratty at palaaway... Ginagawa ko siyang drama queen. Tapos yung nagkukunwaring sosyal, pero may pagkapalengkera kung makipag-away.

"Even sa look ni Natasha, may mga suggestions ako. Magiging kontrabida ka rin lang, bigyan mo na ng bonggang character, di ba? Kaya kami ni Tita Cherie [Gil], we patterned our roles sa mga villainess ng Walt Disney animations," aniya.

"Tulad ng sa akin, my favorite kasi is Maleficent, the wicked fairy godmother sa Sleeping Beauty. So yung makeup at yung bangs ko, na may parang widow's peak, adds a lot to my character.

"Even sa costumes ko, it's very much like kay Cruella de Vil ng 101 Dalmatians. Yung sa akin [faux] fur, pero kay Tita Cherie naman, feathers. May kanya-kanya kaming style sa roles namin to make the character more  interesting."

Originally, para kay Nadine Samonte ang role na Natasha at ang role ni Chynna sa Magic Palayok ay bilang best friend ni Carla Abellana.

Pero nang bigyan ng ibang show si Nadine, napunta kay Chynna ang papel na Natasha. Marami nga ang nag-agree na mas bagay sa kanya ang role. Ilang beses na rin siyang gumanap bilang kontrabida sa mga drama series.

"I must say, nahasa na ako pag-portray ng iba't ibang kontrabida roles. Naging kontrabida ako ni Jennylyn Mercado sa Paano Ba Ang Mangarap? at kay Kris Bernal sa The Last Prince, kay Jackie Rice sa Dear Friend Presents Tisay, at kay Jillian Ward sa Trudis Liit.

"So, kung experience lang sa pagiging kontrabida, marami na akong nagawa and I enjoyed playing all those bad girl roles."

Hindi ba nami-miss ni Chynna ang maging bida sa isang series?

"Siyempre naman nami-miss ko rin. Noong mga panahon kasi ng Click and Love To Love sa GMA-7, sunud-sunod ang pagiging bida natin. Pero alam ko naman na darating ang panahon na I would be doing kontrabida roles.

"Let's face it, maraming mga bagong artista ngayon and they are given the roles na ginagawa namin noon. Ganun lang naman talaga iyon sa trabaho natin.