Gov. Chavit Singson slams son Ronald's "fair-weather friends"

Jojo Gabinete
Monday, March 14, 2011 @ 02:28PM  |  196 views

 

"Dumating ako ng past 12 noon, hindi na puwede. Umaga lang ang dalaw, hindi na pala puwede ang hapon. Kung alam ko lang na umaga, mas maaga sana ako. Umuwi ako na hindi siya nakausap," says Gov. Chavit Singson (inset) about his failed attempt to visit his son, Ronald Singson (main photo).

Photo By: Mark Pimentel













Nagpaunlak si Ilocos Sur Governor Luis " Chavit " Singson na magbigay ng update sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kalagayan ng kanyang anak na si Ronald Singson sa Hong Kong jail.

Labingwalong buwan—o isa't kalahating taon—na pagkakakulong sa Tung Tau Correctional Institution ang hatol ni Judge Joseph Yao ng Wan Chai District Court kay Ronald noong February 24, 2011 dahil sa drug trafficking. (CLICK HERE to read related story.)

UNSUCCESSFUL VISIT. Isang minimum security jail sa Stanley, Hong Kong ang Tung Tau Correctional Institution.

Noong nakaraang Biyernes, March 11, sinubukan ni Gov. Chavit na dalawin si Ronald sa kulungan, pero nabigo siya.

Kuwento niya, "Galing ako kahapon doon dahil dalawang dalaw lang sa isang buwan [ang allowed]. So, nagpunta ako dahil noong nakaraang buwan, hindi namin siya nadalaw.

"Dumating ako ng past 12 noon, hindi na puwede. Umaga lang ang dalaw, hindi na pala puwede ang hapon. Kung alam ko lang na umaga, mas maaga sana ako. Umuwi ako na hindi siya nakausap.

"Mula noong February 24, hindi ko pa nakakausap. Biglaan kasi ang punta ko, dinalaw ko na rin. Akala ko merong dalaw sa hapon.

"Ganoon kahigpit. Istrikto doon. 'Yon ang batas doon. Hindi kagaya dito [sa Pilipinas] na anytime of the day, puwede.

"Doon kasi, maganda ang implementation nila. Sinusunod ang batas. Dito sa atin kung minsan, hindi sinusunod. 'Yon ang diperensiya."

NO COMMUNICATION AT ALL. Ayon pa kay Gov. Chavit, hindi pa niya nakakausap ang kanyang anak mula nang makulong ito.

"Walang cell phone, bawal. Wala pa kaming contact. After the hearing, inihiwalay na siya, wala nang nakausap sa amin. Pati yung anak niya, sumisigaw. Hindi namin mailapit.

"Nababalitaan ko lang sa mga taga-roon na mas maganda ang kalagayan niya ngayon at puro matatanda ang mga kasama niya

"Basta tatlong tao at dalawang beses lang ang dalaw kaya noong unang buwan niya na pagkasentensiya. Hindi namin madalaw dahil nakunsumo na ng mga kapatid."

Nagbalik-tanaw rin si Gov. Chavit sa huling pag-uusap nila ni Ronald.

"Mga 70 percent, alam na namin na makukulong siya. Napakaliit ng chance na hindi siya mahatulan.

1  2  3  Next »

Related Articles

57 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name