news

Senator Tito Sotto almost victimized by "Bundol Gang"

by Rommel Gonzales posted on March 14, 2011  STATS: 12448 Views | 8 Comments

 

"Ang modus operandi nila, mag-aabang ng mga sasakyan, pagkatapos may kumpletong props, meron silang dala-dalang lalagyan ng dugo 'tsaka ng dumi, putik, ganyan, at babanggain ang sasakyan mo. Papalabasin nila na nasagasaan mo sila," says Senator Tito Sotto about his experience with Bundol Gang.

Photo By: Courtesy of GMA-7

Muntik nang mabiktima ng Bundol Gang ang senator at TV host na si Tito Sotto.

Nangyari ang insidente last week habang tinatahak ni Tito Sen ang kahabaan ng Quirino Avenue sa Maynila.

Kuwento ng TV host-politician sa Showbiz Central, isang lalaki umano ang tila sinadyang banggain o magpahagip sa sinasakyang kotse nito malapit sa Nagtahan Bridge sa Maynila.

"Ang modus operandi nila, mag-aabang ng mga sasakyan, pagkatapos may kumpletong props, meron silang dala-dalang lalagyan ng dugo 'tsaka ng dumi, putik, ganyan, at babanggain ang sasakyan mo. Papalabasin nila na nasagasaan mo sila.

"So, pagka medyo mahina ang loob mo, o kaya talagang natakot ka at hindi ka sigurado sa pagmamaneho mo, maiisip mo baka nga tama, e.

"Yung nangyari sa akin, nung nakita ko na ganun yung ginawa, at nakita ko sa side mirror ko na tinitingnan niya kung ako ay bababa o hindi... Aba, nung nakitang ako ay paalis, tumayo pa siya, at hinahabol ako at pinapakita sa akin yung mga props," lahad ng senador.

Dahil na rin sa awareness niya sa nasabing modus operandi ng Bundol Gang, sinubukang kausapin ng Eat Bulaga! host ang lalaking nabangga niya umano.

"Nung buksan ko yung bintana ko at kinagalitan ko, nagulat! Nakita ako, nakilala siguro ako, na-realize niya na, 'Teka, hindi katalo ito.' Tapos, humihingi ng pasensiya pagkatapos lumalayo dahil naisip niya siguro ipahuhuli ko siya," sabi ni Tito Sen.

Matapos mapagsabihan ni Tito Sen, nagmamadali na raw umalis ang lalaking nagpanggap na nabangga niya.

"Ini-report ko na rin sa Manila Police. Hindi pa lang namin alam kung anong nangyari sa ginawa nilang imbestigasyon," sabi niya.

MODUS OPERANDI. Ayon naman sa operatiba ng Manila Police, hindi bago ang reports ng ganitong insidente sa nasabing area sa Manila.

Sabi ni Police Superintendent Jimmy Tiu, "Itong mga ganitong sadyang nagpapabundol, we call this group iyong Bundol Gang. Ito naman, e, nangyayari usually sa medyo matrapik na lugar at mataong lugar.

"Ang gagawin kasi, yung sasakyan, mabagal. Titiyempo 'yan dun sa pag-abante ng mga sasakyan. So, ang tendency is aabante ka na biglang susulpot 'yan sa harapan mo, tapos aarte na parang napakagrabe ng pagkabangga.

"Yung hindi sanay, matatakot agad. You will try to settle the case. Sasabihin agad sa iyo, 'O, bahala na, bigyan mo na lang ako ng panggamot.' Di ba?

"Tingnan mo muna kung talagang may injuries yung tao, kung iika-ika siya. Sasabihin masakit ito, masakit dun. Makikita mo naman kung may galos talaga, or kung may tama yung taong nabundol. Dalhin mo sa ospital, dun mo makikita kung may injuries sustained."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • agusanonko

    03/15/2011 | 09:38 AM
    over ka naman.. wala naman dito japan ang ganyan na mg effort pa tlga mgdala ng props..para manloko ng tulad ng ngyari ky sotto..susmi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • showbizdak

    03/15/2011 | 04:07 AM
    matalino at creative naman sana pero dun sa kalokohan at krimen ginagamit. naku wag gawing dahilan ang kahirapan. bakit yung mga AFP generals na iniimbestiga sa senado, hindi naman naghihirap yun pero kriminal din. pag baluktot kasi, mayaman man o mahirap, baluktot pa rin. ang karakter ng tao ay hindi nakasalalay sa estado ng buhay. yung mabubuti marunong maghanap ng marangal na paraan ng pagkakakitaan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zama_jap

    03/14/2011 | 05:42 PM
    Jakar. tama ka noong nasa korea kami yung boss ko is diplomat at ang plate number ng nga nasa embassy is yellow..me biglang sumulpot na motorista sa harap ng sasakyan ng boss ko, noong una tumayo sya at ok lang daw sya aba ng makita ang plate ng amo ko bigla uli humiga at nagdadrama na..bwisit na bwisit ang boss ko..hahahaha!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    03/14/2011 | 05:15 PM
    no.2..hindi lang pilipinas ang may ganyang pangyayari dito rin sa japan halos karamihan gumagawa nyan mga kabataan na walang magawa sa buhay...wag lahat isisi sa gobyerno..sabi nga ng kasabihan "NASA DIYOS ANG AWA NASA TAO ANG GAW" paano uunlad ang pinas kung walang ibang gagawin kundi tumunganga...wag sabihing alang trabaho dahil kahit ano meron ayaw lang maghanap o magbanat ng buto...hindi dapat laging antay tulong na lang sa gobyerno...dapat marunong din tayong kumilos para sa sarili natin...puro protesta ang alam imbes na maghanap buhay diba?sinu-sino lang ba yumayaman sa mga protestor na yan?dibamga leaders nila? GOD BLESS PO nd PLEASE PRAY PRIN PO SA MGA TAGA JAPAN dami pang aftershock na padating...ingat po tayong lahat!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • legrev

    03/14/2011 | 04:12 PM
    cgro nga sa US meron ding ganyang u know totoysipa kung ano pa ang isang dahilan un demokrasya ek ek...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • totoysipa

    03/14/2011 | 03:21 PM
    Good thing this was reported so all of us are more aware of this kind of shenanigans. By the way, this happens not only in the Phils. Sa Downtown Los Angeles may ganyang raket din ang bang homeless people.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • legrev

    03/14/2011 | 03:05 PM
    only in d pilipins..... kase di kayang bgyan ng trabaho kaht na cnong umupong presidente ang kanyang mga mamamayan.. bagkus kahirapan at kurapsyon ang ginagawa sa kanilang pagkakaupo bilang mga dispalinghadong lider..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • luvtaz

    03/14/2011 | 02:59 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About