"Ang modus operandi nila, mag-aabang ng mga sasakyan, pagkatapos may kumpletong props, meron silang dala-dalang lalagyan ng dugo 'tsaka ng dumi, putik, ganyan, at babanggain ang sasakyan mo. Papalabasin nila na nasagasaan mo sila," says Senator Tito Sotto about his experience with Bundol Gang.

Photo: Courtesy of GMA-7

Muntik nang mabiktima ng Bundol Gang ang senator at TV host na si Tito Sotto.

Nangyari ang insidente last week habang tinatahak ni Tito Sen ang kahabaan ng Quirino Avenue sa Maynila.

Kuwento ng TV host-politician sa Showbiz Central, isang lalaki umano ang tila sinadyang banggain o magpahagip sa sinasakyang kotse nito malapit sa Nagtahan Bridge sa Maynila.

"Ang modus operandi nila, mag-aabang ng mga sasakyan, pagkatapos may kumpletong props, meron silang dala-dalang lalagyan ng dugo 'tsaka ng dumi, putik, ganyan, at babanggain ang sasakyan mo. Papalabasin nila na nasagasaan mo sila.

"So, pagka medyo mahina ang loob mo, o kaya talagang natakot ka at hindi ka sigurado sa pagmamaneho mo, maiisip mo baka nga tama, e.

"Yung nangyari sa akin, nung nakita ko na ganun yung ginawa, at nakita ko sa side mirror ko na tinitingnan niya kung ako ay bababa o hindi... Aba, nung nakitang ako ay paalis, tumayo pa siya, at hinahabol ako at pinapakita sa akin yung mga props," lahad ng senador.

Dahil na rin sa awareness niya sa nasabing modus operandi ng Bundol Gang, sinubukang kausapin ng Eat Bulaga! host ang lalaking nabangga niya umano.

"Nung buksan ko yung bintana ko at kinagalitan ko, nagulat! Nakita ako, nakilala siguro ako, na-realize niya na, 'Teka, hindi katalo ito.' Tapos, humihingi ng pasensiya pagkatapos lumalayo dahil naisip niya siguro ipahuhuli ko siya," sabi ni Tito Sen.

Matapos mapagsabihan ni Tito Sen, nagmamadali na raw umalis ang lalaking nagpanggap na nabangga niya.

"Ini-report ko na rin sa Manila Police. Hindi pa lang namin alam kung anong nangyari sa ginawa nilang imbestigasyon," sabi niya.

MODUS OPERANDI. Ayon naman sa operatiba ng Manila Police, hindi bago ang reports ng ganitong insidente sa nasabing area sa Manila.

Sabi ni Police Superintendent Jimmy Tiu, "Itong mga ganitong sadyang nagpapabundol, we call this group iyong Bundol Gang. Ito naman, e, nangyayari usually sa medyo matrapik na lugar at mataong lugar.

"Ang gagawin kasi, yung sasakyan, mabagal. Titiyempo 'yan dun sa pag-abante ng mga sasakyan. So, ang tendency is aabante ka na biglang susulpot 'yan sa harapan mo, tapos aarte na parang napakagrabe ng pagkabangga.

"Yung hindi sanay, matatakot agad. You will try to settle the case. Sasabihin agad sa iyo, 'O, bahala na, bigyan mo na lang ako ng panggamot.' Di ba?