"Ang modus operandi nila, mag-aabang ng mga sasakyan, pagkatapos may kumpletong props, meron silang dala-dalang lalagyan ng dugo 'tsaka ng dumi, putik, ganyan, at babanggain ang sasakyan mo. Papalabasin nila na nasagasaan mo sila," says Senator Tito Sotto about his experience with Bundol Gang.

Photo: Courtesy of GMA-7

"Tingnan mo muna kung talagang may injuries yung tao, kung iika-ika siya. Sasabihin masakit ito, masakit dun. Makikita mo naman kung may galos talaga, or kung may tama yung taong nabundol. Dalhin mo sa ospital, dun mo makikita kung may injuries sustained."

May mensahe naman ni Tito Sen sa mga motoristang maaari ring maging target ng modus operandi ng Bundol Gang.

Aniya, "Mag-ingat tayong mga driver. Pagka alam mong nasa tama ka, aba, e, ipaglaban mo ang tama mo. Tumawag ka kaagad sa mga awtoridad at mag-iingat kayo sa mga ganyang delihensiya."