"An artist doesn't have to be really famous. Kasi po, naniniwala ako sa sinabi ni Lea Salonga na if you're talented, it's impossible for the world to ignore you. Naniniwala po ako sa gano'n na kahit hindi ako maging megastar or superstar, basta talented and nare-recognize yung talent ko, okey na ako doon. Yung pasulput-sulpot lang ako, okey lang," says Ciara Sotto.

Photo: Allan Sancon

Sa ginanap na celebrity showdown ng Talentadong Pinoy noong Linggo, March 13, si Ciara Sotto ang itinanghal na Ultimate Celebrity Talentado.

Dahil sa kanyang pagbirit habang nagpu-pole dancing ay tinalo niya ang kanyang mga katunggali na sina Rosanna Roces (nag-drums), Valeen Montenegro (nag-fire dance), at Regine Tolentino (nag-rap, nag-balagtasan, at sumayaw).

Kaya ang tanong kay Ciara ay kung sinadya ba niyang galingan ang kanyang routine para mapansin uli sa showbiz?

"Actually, hindi naman po yun ang goal ko. Pero nakakataba po ng puso yung comment ng mga judges na gano'n.

"Pero I think mas importante po sa akin na ma-recognize yung talent ko kahit wala na po akong fame. As long as nare-recognize yung talent ko, masaya na po ako doon," sabi ni Ciara nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Battle of the Champions ng Talentadong Pinoy sa Yñares Sports Center sa Antipolo City.

FAME OR RECOGNITION? Halos lahat ng judges sa Talentadong Pinoy ay bilib na bilib sa ipinamalas na talent ni Ciara. Sinasabi nga nina Ruffa Gutierrez at Lucy Torres-Gomez na sana ay mabigyan ng malaking break si Ciara dahil sa pagiging talented nito.

Ano ang naramdaman niya sa comment na ito nina Ruffa at Lucy, pati na rin ang ibang mga taong naniniwala sa kakayahan niya?

"Okey na po sa akin na nare-recognize po ng mga talent scout, yun. I mean, an artist doesn't have to be really famous. Kasi po, naniniwala ako sa sinabi ni Lea Salonga na if you're talented, it's impossible for the world to ignore you.

"Naniniwala po ako sa gano'n na kahit hindi ako maging megastar or superstar, basta talented and nare-recognize yung talent ko, okey na ako doon. Yung pasulput-sulpot lang ako, okey lang.

"Pero mas maganda kung marami akong work, di ba? Pero bahala na sa akin si Lord. Kuntento na po sa akin kung ano ang ibibigay niya sa akin," nakangiti niyang pahayag.

Kailan siya nagkaroon ng realization na okay lang na hindi siya sumikat nang husto?

"No'ng nag-teatro ako. Simula no'ng nag-teatro ako," sagot ni Ciara.

"Sa theater kasi, hindi superstar ang hinahanap nila, e, laging talent, talent, talent. Kung 50 years old ka na, kung talented ka, puwedeng-puwede pa."

SUPPORTIVE HUSBAND. Kanino niya ba isini-share ang pagkapanalo niya?