Senator Kiko Pangilinan on KC Concepcion's relationship with Piolo Pascual: "Kung saan siya masaya, masaya din kami."

Nica Tomines
Tuesday, March 15, 2011 @ 05:43PM  |  42047 views

 

"Simple lang yung samahan namin ni Sharon. Magkasundo kami. Sa araw-araw ng aming pagsasama, ginagawa niya yung gusto niya, at ginagawa ko yung gusto niya. Tsaka ako ang laging may huling salita sa bawat debate, I have the last say... Yes dear," says  Senator Kiko Pangilinan about his marriage with Megastar Sharon Cuneta.

 

 

Photo By: Noel Orsal













Nakausap ng (PEP) Philippine Entertainment Portal at ng ibang miyembro ng press si Senator Francis "Kiko" Pangilinan sa launch ng ika-apat na branch ng joint venture restaurant niya with Mr. Rikki Dee, ang Mesa Grill Restaurant, kagabi, March 15, sa Tomas Morato, Quezon City.

Masayang-masaya ang senador sa pinakabago nitong venture. "Napakagandang lugar at pinupuntahan talaga ng mga kababayan dito sa Quezon City," aniya.

Hands-on siya sa business niyang ito.

"Marami sa mga items [sa menu], pero hindi naman lahat, ay ako ang nag-suggest," pagbibida ng senador. 

"And I try to continue to suggest. Alam mo sa mga bagay na ito, you should never rest. Pagka-meron kang pinasukan na anumang bagay, kailangan lagi mong inaalagaan, lagi mong inaaruga, you should always be on top of it," payo ni Senator Kiko sa mga gustong pasukin ang ganitong klase ng business.

Dagdag pa niya, "Tsaka hindi ko linya. Sabi ko matututunan ko din yung mga bagay na iyan at tsaka sabi ko, pwede naman ako umasa sa mga magagaling at magtulungan kami. Eto ang nangyari!"

Nakatulong din na mahilig talaga siya sa pagkain.

"Kapampangan kasi ako. Kaming mga Kapampangan, mahilig magluto so, ayun, mahilig din kumain. Ako dati, hindi mahilig magluto, mahilig lang kumain," biro pa nito. 

"Ang gusto ko ay Filipino food, kahit noong kami ay nasa America ni Sharon. Sila mahilig sa mga pasta-pasta. Ako, ang talagang hinahanap ko yung lutong Pilipino, lutong bahay," sabi ng senador.

Isa nga ang pagluluto sa pinag-aaralan niya ngayon. Ngunit, proud na proud siya sa luto ng kanyang misis na si Sharon Cuneta.

"Ang paborito ko naman sa luto niya—maraming siyang niluluto—merong turkey, merong porkloin.

"Noong nasa Boston ako, lahat. Pero natigil na ngayon. Dati, adobo, sinigang na baboy, afritada. Sabi nga niya [Sharon], 'Ang dami-dami kong inaral na mga recipe, e, puro Filipino food pa rin ang paborito mo!'" kuwento niya.

SHARON'S BATTLE. Nabaling naman ang usapan sa pagpapapayat ng kanyang misis na kanyang sinusuportahan.

"Siyempre, gabi-gabi, binubulungan ko siya," ang sabi ni Senator Kiko nang tanungin kung paano siya nagbibigay ng suporta kay Megastar.

Ano nga ba ang binubulong nito?

1  2  3  Next »

Related Articles

25 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name