Valerie Concepcion gives her all in love scene with Richard Gomez

Rose Garcia
Wednesday, March 16, 2011 @ 06:26PM  |  38068 views

 

"Kasi actually, from the very start naman, yun naman ang sinabi. [Yung] character ko, merong love scene, kissing scene, kay Richard Gomez. So, noong malaman ko yun, yung manager ko, pumayag. 'O, sige, Richard Gomez yan.' E, ako naman, basta may trabaho tayo, di ba? Choosy pa ba naman ako, e, Richard Gomez na yun!" says Valerie Concepcion about her love scene in Mga Nagbabagang Bulaklak.

Photo By: Noel Orsal













Maituturing na "very daring" ang love scene nina Valerie Concepcion at Richard Gomez sa trailer ng bagong dramaserye ng TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak.

Sa presscon ng naturang dramaserye sa Teatrino Greenhills kagabi, March 15, sabi ni Valerie tungkol sa kanyang character, "I'm playing the role of Violet. Ako ang star ng network nina Mr. D, si Sir Ipe [Phillip Salvador] at Mr. Richard Gomez. At dahil ako ang star, kabit ako ni Mr. Gomez. Yun ang sikreto kung bakit ako naging star ng network.

"But then, palaos na ako at ang papalit sa puwesto ko, si Carla [Humphries]. So, kaming dalawa yung palaging may showdown dito, kaming dalawa yung palaging naglalabanan ng stardom. So, fun, exciting, challenging."

Ayon kay Valerie, "bigay-todo" siya sa love scene nila ni Goma (palayaw ni Richard).

"Siyempre, Richard Gomez yan, di ba? So, binigay-todo ko talaga. E, kasi, nakuhanan na namin. So, talagang todo-todo, walang inhibition! 

"Pati sila Direk Jon Red, nagulat. Sabi ni Ate Ruffa [Gutierrez], papasa ba yan sa MTRCB?' Gano'n ang reaction niya. Super kissing scene, as in super sexy ng love scene namin!" saad pa ni Valerie.

Nang tanggapin niya ang soap ay hindi naman daw siya na-brief masyado na super-sexy pala ang gagawin niya.

"Noong nandoon na, siyempre tinanggap ko ang project na ito at ngayon na lang din ako magso-soap after ng hosting. So, feeling ko, marami akong dapat i-catch up when it comes to acting kaya I'm giving it my all."

Malaking bagay ba na si Richard ang ka-love scene niya kaya siya pumayag na gawin ang naturang eksena?

"Yes!" natatawa niyang pag-amin. "Kasi actually, from the very start naman, yun naman ang sinabi. [Yung] character ko,  meron love scene, kissing scene kay Richard Gomez. So, noong malaman ko yun, yung manager ko, pumayag. 'O, sige, Richard Gomez 'yan.'

"E, ako naman, basta may trabaho tayo, di ba? Choosy pa ba naman ako, e, Richard Gomez na yun!"

SWITCHING CHANNELS. Identified si Valerie bilang isang Kapamilya star. Kaya marami ang nagulat nang gumagawa siya ng primetime soap sa Kapatid Network. Pero nilinaw ni Valerie na hindi siya exclusive star ng TV5.

"Actually, I'm gonna do a soap sa ABS. Freelancer po ako," banggit niya.

Paano niya nagawang magpalipat-lipat ng network gayong mahigpit ngayon ang ibang networks sa pagpapahiram ng kanilang talents?

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name