news

Valerie Concepcion gives her all in love scene with Richard Gomez

by Rose Garcia posted on March 16, 2011  STATS: 38867 Views | 5 Comments

 

"Kasi actually, from the very start naman, yun naman ang sinabi. [Yung] character ko, merong love scene, kissing scene, kay Richard Gomez. So, noong malaman ko yun, yung manager ko, pumayag. 'O, sige, Richard Gomez yan.' E, ako naman, basta may trabaho tayo, di ba? Choosy pa ba naman ako, e, Richard Gomez na yun!" says Valerie Concepcion about her love scene in Mga Nagbabagang Bulaklak.

Photo By: Noel Orsal

Maituturing na "very daring" ang love scene nina Valerie Concepcion at Richard Gomez sa trailer ng bagong dramaserye ng TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak.

Sa presscon ng naturang dramaserye sa Teatrino Greenhills kagabi, March 15, sabi ni Valerie tungkol sa kanyang character, "I'm playing the role of Violet. Ako ang star ng network nina Mr. D, si Sir Ipe [Phillip Salvador] at Mr. Richard Gomez. At dahil ako ang star, kabit ako ni Mr. Gomez. Yun ang sikreto kung bakit ako naging star ng network.

"But then, palaos na ako at ang papalit sa puwesto ko, si Carla [Humphries]. So, kaming dalawa yung palaging may showdown dito, kaming dalawa yung palaging naglalabanan ng stardom. So, fun, exciting, challenging."

Ayon kay Valerie, "bigay-todo" siya sa love scene nila ni Goma (palayaw ni Richard).

"Siyempre, Richard Gomez yan, di ba? So, binigay-todo ko talaga. E, kasi, nakuhanan na namin. So, talagang todo-todo, walang inhibition! 

"Pati sila Direk Jon Red, nagulat. Sabi ni Ate Ruffa [Gutierrez], papasa ba yan sa MTRCB?' Gano'n ang reaction niya. Super kissing scene, as in super sexy ng love scene namin!" saad pa ni Valerie.

Nang tanggapin niya ang soap ay hindi naman daw siya na-brief masyado na super-sexy pala ang gagawin niya.

"Noong nandoon na, siyempre tinanggap ko ang project na ito at ngayon na lang din ako magso-soap after ng hosting. So, feeling ko, marami akong dapat i-catch up when it comes to acting kaya I'm giving it my all."

Malaking bagay ba na si Richard ang ka-love scene niya kaya siya pumayag na gawin ang naturang eksena?

"Yes!" natatawa niyang pag-amin. "Kasi actually, from the very start naman, yun naman ang sinabi. [Yung] character ko,  meron love scene, kissing scene kay Richard Gomez. So, noong malaman ko yun, yung manager ko, pumayag. 'O, sige, Richard Gomez 'yan.'

"E, ako naman, basta may trabaho tayo, di ba? Choosy pa ba naman ako, e, Richard Gomez na yun!"

SWITCHING CHANNELS. Identified si Valerie bilang isang Kapamilya star. Kaya marami ang nagulat nang gumagawa siya ng primetime soap sa Kapatid Network. Pero nilinaw ni Valerie na hindi siya exclusive star ng TV5.

"Actually, I'm gonna do a soap sa ABS. Freelancer po ako," banggit niya.

Paano niya nagawang magpalipat-lipat ng network gayong mahigpit ngayon ang ibang networks sa pagpapahiram ng kanilang talents?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • papaberto

    03/17/2011 | 10:58 PM
    BACK AS WILLIES CO HOST?" NILINAW naman ni Valerie ang usapang na makakasama na niyang muli si willie revilame bilang co host sa programa nitong willing willie kaya nakikita na siya sa kapatid network ngayon. Dating magkasama ang dalawa sa defunct ABS CBN NOONTIME SHOW NA WOWOWEE." SO ANO BA ANG MALINAW DITO? MAGHOHOST BA SIYA SA SHOW NI WILLIE ULI O HINDI ?ANO BANG KLASENG REPORTING YAN?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yunikrose

    03/17/2011 | 07:24 AM
    galingan mo valerie, oo nga baka lang magalit si Lucy-text mo na lang na trabaho lang un.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wilfredonggago

    03/17/2011 | 12:44 AM
    sabagay kahit ako kung si richard gomez, bibigay ko rin lahat, baka nga dagdagan ko pa, alala ko lang baka magalit si misis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ingrid143

    03/16/2011 | 10:48 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • qazx

    03/16/2011 | 06:55 PM
    nakapout talaga?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About