news

Angelica Jones sues Illac Diaz for "grave oral defamation"

by Gorgy Rula posted on March 17, 2011  STATS: 1320 Views | 91 Comments

 

"Ang ginawa ni Illac—eto ang katotohanan, at ako ay may hawak ng video at witness—ang sabi ni Illac sa mga kababayan ko: 'Halika na kayo, pumunta na kayo dito! Kilala n'yo ba ang inyong bokal Angelica Jones Alarva, isang magnanakaw! Ninakaw niya ang pera ng panlalawigan para sa project!'" says Angelica Jones about the alleged incident that happened between her and Illac Diaz (inset).

Photo By: Allan Sancon & Noel Orsal

Halatang nagpupuyos sa galit ang aktres at Laguna Board Member na si Angelica Jones nang humarap siya sa PEP (Philippine Entertainment Potral) at iba pang press kahapon, March 17, sa Max's restaurant sa Roces Avenue, Quezon City.

Pagkatapos lumabas ang isyu tungkol sa gulo nila ng My Shelter Foundation Chairman Illac Diaz, ngayon lang daw niya ilalabas ang "buong katotohanan" kaugnay sa gulo nilang dalawa.

Ang ugat ng kanilang conflict ay ang mga kinukuwestiyon ni Illac na mga gastos ni Angelica sa sinimulan nilang project na Laguna Bottle School sa San Pablo City.

ENCOUNTER WITH ILLAC. Sinimulan ni Angelica ang kanyang litanya ng reklamo sa isang writer sa People's Tonight, kung saan may inilabas na balitang nakipagsabunutan daw siya sa isang staff ni Illac kasama ang kanyang inang si Mrs. Beth Jones.

Aniya, "Walang katotohanan itong sabunutan, kaya nagulat ako dahil maraming nag-react, even mga ilang politician sa Laguna, pati na mga kababayan ko at mga NGOs, na bakit ganito ang lumalabas na walang katotohanan.

"Dahil doon sa pinangyarihan, nandun ang dalawang pulis, nandun lahat ng mga staff namin, nandun ang district officer ko, nandun ang aking mga kabarangay na [nakita] kung ano ang totoong nangyari."

Ayon sa dating sexy comedienne, nangyari raw ang naturang insidente nung nakaraang Biyernes ng hapon, March 11, nang pumunta si Illac sa site ng kanilang project na Laguna Bottle School.

"Pagpunta ko doon, mainit ang ulo ni Illac. Nagsalubong kami sa site. Sabi ko, 'Illac, puwede ba tayong mag-usap?'

"'Tingnan mo itong memorandum of agreement.' Ito ang papel kung saan siya nakapirma at kung ano yung kontrata namin bago siya mag-react, bago niya kunin ang mga gamit sa bottle school. Ang ginawa niya, ginusot niya ang papel, sinigawan ako," mangiyak-ngiyak na kuwento ni Angelica.

Patuloy niya, "Dinuru-duro niya ako, minura niya ako sa harap ng mga tao. Nag-composure pa rin ako, ang sabi ko sa kanya, 'Basahin mo ang kontrata.' Ang sabi niya sa akin, 'Ilabas mo ang pera ng panlalawigan.'

"Ang ginawa ni Illac—eto ang katotohanan, at ako ay may hawak ng video at witness—ang sabi ni Illac sa mga kababayan ko: 'Halika na kayo, pumunta na kayo dito! Kilala n'yo ba ang inyong bokal Angelica Jones Alarva, isang magnanakaw! Ninakaw niya ang pera ng panlalawigan para sa project!'

"Masakit yun sa isang katulad ko," sabi pa ni Angelica. "Masakit sa isang katulad ko na tawagan ang mga kababayan ko para bastusin ako nang ganun. Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak dahil wala namang katotohanan ang lahat nun," kwento ni Angelica.

"May hawak akong video. Walang sabunutang nangyari, walang suntukan. Ako ang binastos dito. Akong hinalal ng taong bayan.

"Bilang isang board member, puwede ko siyang ipakulong, puwede ko siyang ipabugbog, pero hindi ko ginawa yun dahil nahabag ako sa sarili ko. Naawa ako sa sarili ko, umalis na lang ako para makaiwas sa gulo. Nanahimik ako, hindi ako nagsalita."

MONEY MATTERS. Inilabas ni Angelica ang isang papel. Certification daw yun mula sa Treasurer's Office ng Laguna na wala pa silang na-i-release na pera para sa Laguna Bottle School. Anong pera ng taumbayan daw ang tinutukoy ni Illac?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

91 Comments

  • 91  Jujoca

    05/18/2011 | 09:39 PM
    "nagcomposure" pa rin ako?!? Bilang board member pwede ko syang ipabugbog?!?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  cartmann777

    05/07/2011 | 11:30 PM
    gimik .... gimik ..... gimik .....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  tearhere

    03/23/2011 | 12:53 PM
    I wonder anong pnakain mu sa mga taga Laguna at nanalo ka,mapa artista or politics man,npka-TH mu tlga Angelica.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  botsing

    03/23/2011 | 09:47 AM
    ang gimik nito noon taon taon ng de debut eh di nman sumikat sikat hahaha.kahit saan ka day pumunta mapa artista opolitician di k talag sisikat no.bakit pa kc binoto toboard member pa lang ng uutos ng ipapabugbog kun sino man maka away nya,ano pa kaya kun mas mataas ng posisyon,ipapa murder na nya me kayabangan din ang brenda na to.hoy pep wag nyo na delet message ko ha,kau lagi nyo denedelet sakin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  sasha19

    03/22/2011 | 01:03 PM
    nakakatawa naman kasi ibang tao sa tin e..kahit sino sino na lang ang ibinoboto..dahil siguro sa artista. hindi na tinitingnan ang qualification. siguro hindi lang yung puso ng kandidato ang titingnan, dahil lahat naman gusto magsilbi pero dapat siguro iconsider kung ano klaseng pagkatao at edukasyon meron sia. sabi nga ng isang host sa isang tv show, mag aaral daw si Ms Jones sa UP, kukuha ng legislation..my Gas..pathetic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  shidax

    03/21/2011 | 03:39 PM
    halata naman kung sino ang nagsisinungaling sa kanilang dalawa.sanay na kasi itong si jones na magsinungaling kaya ayan akala nya lahat nalang ng tao palalagpasin sya.at saka iyong sinabi nya na pwede niyang ipabugbog si illac dahil board member sya?aba kailan yan naging pwede na pwede kang magpabugbog?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  tili_2death

    03/21/2011 | 02:21 AM
    I just saw the interview on Startalk-- Kay ILIAC talaga kami! He made more sense and very consistent! Miss Jones, balik school na lang po tayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  Jamsan

    03/21/2011 | 12:36 AM
    Ilac, I don't like Angelica but please mag stop ka na sa pag patol sa kanya kasi walang sense.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  am_not_a_princess

    03/20/2011 | 07:34 PM
    daming hackers...what happened here PEP webmaster? i know exactly what i blogged yesterday, ang dami changes...i tried to read the other comments again, same thing, kabayo english !!!!! nahawa na kay ms. jones!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  doomsday2012

    03/20/2011 | 05:40 PM
    cge na nga..nadeactivate post ko tuloy...ito na lang, mejo irevise natin statement ko. pano ka gagawa ng liquidations kung wala kang resibo na basis mo..un na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  doomsday2012

    03/20/2011 | 05:19 PM
    paiba iba rin mga statements mo..meron ka sinabi na naging bf mo tapos ngayon nagdedate lang kayo. feelingera ka tlga. hoping maka bingwit ng mayaman...hopeless ka teh..umayos ka na lang..nakakahiya ka..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  doomsday2012

    03/20/2011 | 05:18 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  cinelamour

    03/20/2011 | 07:03 AM
    "as a board member, pede kitang ipabugbog" - pede pala nilang gawin yun. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  raac

    03/20/2011 | 05:44 AM
    During a press conference, Angelica tried several times with the help of her lawyer to say 'grave oral defamation.' Goes to show she does not even know the meaning of the words....SAD - and she is a board member!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  raac

    03/20/2011 | 03:15 AM
    Angelica must have been deluding herself or even hoping she will land a good catch like Illac. Unfortunately, NOT! Also, it is obvious that she does not have the brains for Illac's projects, much more to be a board member. How sad! Credibility , she has none! If there is a lesson to the story, it is for Illac to choose who to deal with! His intent is great, his ideas are brilliant! Please deal with people who have equally good intentions, not those who only think of how to personally profit financially from the projects. Angelica sued - wow - let the truth come out - where are the receipts!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  am_not_a_princess

    03/19/2011 | 09:20 PM
    and stop murdering Shakespeare's language!!! having been elected board member does not give you the authority to paBUGBOG anyone! the entire Laguna province should be ashamed of you!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  am_not_a_princess

    03/19/2011 | 09:08 PM
    what is really the moral of this story ??? ingat tayo mga botante kung sinu sino mga officials na e-elect...hindi porket artista artista, hindi naman masyadong sikat dahil sa talent at works niya but naging notorious sa pag murder sa english language at sa pagpaputi sa mukha at katawan! at puede na e-elect. c mr. diaz naman, huwag ka na pumatol sa mga ganito, i used to get the impression you were good at what you were advocating. next!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  am_not_a_princess

    03/19/2011 | 09:00 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  boss_ganda

    03/19/2011 | 08:40 PM
    aling angelica, ang sabi mo naibigay mo na ang mga liquidations. tapos sabi mo rin hindi mo pa maibibigay ang mga resibo dahil hindi pa tapos ang project. e paano ka nakapag-liquidate nang walang resibo? saka hindi kailangang tapos ang project bago ka mag-liquidate. may partial liquidations, by phase dahil may tinatawag na progress billings sa mga ganitong proyekto. kahit na hindi pera ng gobyerno ang hawak mo, obligado kang mag-render ng accounts sa bawat natatanggap mong pondo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  bailon_18809

    03/19/2011 | 01:45 PM
    eeewan ko sa inyo!!! cno ba nag ssbi ng totoo dito. parang k Illac ako ha! hindi ba sinabi nya na mag on silang dalawa ni Illac tapos ngayon niligawan lang sya! ok. what ever....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About