Valerie Concepcion finally admits relationship with PBA player Dondon Hontiveros

Rey Pumaloy
Friday, March 18, 2011 @ 12:46PM  |  54069 views

 

"Actually, kaya hindi talaga ako nagsasalita before, kasi it was really complicated. Hindi talaga ako nakikipagplastikan. We were complicated for two years, na parang exclusively dating lang kami na walang title na parang gano'n," says Valerie Concepcion about her relationship with PBA player Dondon Hontiveros (inset).

Photo By: Noel Orsal / Nuki Sabio













Inamin na ni Valerie Concepcion ang pakikipagrelasyon niya sa Air21 player na si Dondon Hontiveros sa presscon ng kinabibilangan niyang dramaserye sa TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Valerie, masiglang-masigla ang mood nito sa pagsagot tungkol sa kanila ng professional basketball player.

"Tinanong nga nila ako kung bakit open na ako ngayon sa aming dalawa ni Dondon. Ano lang, parang sa akin lang, ang tagal na rin, e. Parang feeling ko, wala rin namang ibang pupuntahan," saad niya.

Ayon pa sa actress-TV host, walang kaalam-alam ang kasintahang basketbolista sa pag-amin niya sa relasyon nila.

"Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya. Siguro okey lang naman, kasi wala namang point kung bakit hindi dapat sabihin, di ba?" pahayag ni Valerie.

Wala naman direktang maisagot si Valerie nang tanungin kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang anak na si Fiona ngayong out in the public na ang relasyon nila ni Dondon.

"Ang daughter ko kasi, ang alam niya, friend. Kaya hindi namin... mahabang paliwanagan pa 'yan. Kaya rin medyo inaano ko yung privacy ng ano... Kasi ayoko siyang magulat.

"Pero kapag magkasama sila, okey. Pero pag sinabi nang, 'Mag-aasawa na si Mama, but not Kuya Don.' May gano'n! Hindi pa siya ready. Buti na lang hindi pa ako ready," nakangiting sabi niya.

Si Fiona ay anak ni Valerie sa kanyang dating non-showbiz boyfriend.

TWO YEARS. Ayon kay Valerie, two years pa lang ang relasyon nila ni Dondon.

"Actually, kaya hindi talaga ako nagsasalita before, kasi it was really complicated. Hindi talaga ako nakikipagplastikan. We were complicated for two years, na parang exclusively dating lang kami na walang title na parang gano'n.

"Binilang ko nga, e. Kaya siguro yung mga tao, takang-taka sa pag-iisip kung kailan kami magpapakasal kasi ang tagal na, parang gano'n. Pero hindi nila alam na complicated and then naging okey. So, two years pa lang."  

Inamin naman ni Valerie na nag-cool off sila ni Dondon.

"A, oo, no'ng FHM ko. Siguro gano'n naman talaga sa lahat ng relasyon, na parang meron kayong ups and down. Siguro isa lang yun sa mga pinagdaanan ng relationship namin na nagpa-strong lalo."

DARING VALERIE. Alam ba ni Dondon kung gaano siya ka-daring sa Mga Nagbabagang Bulaklak?


"Yeah, yeah! Alam niya," tugon ni Valerie. "Bumisita siya sa set right after the kissing scene. Dumating siya, kissing namin ni Richard [Gomez].

1  2  3  Next »

Related Articles

21 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name