"It feels so unreal," sambit ni Matteo Guidicelli nang mapag-usapan ang kanyang upcoming projects sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng US Girls para sa 5th anniversary special nito kagabi, March 17, sa Icon Bar, Intercontinental Hotel, Makati City.
With a wide smile, sinabi ni Matteo ang kanyang nararamdaman sa mga projects niya: "I can't believe I am doing all this stuff because it is a dream come true.
"To work with them, especially with Sarah, I'm a big fan of hers and then with Maja and Kim, it is such a blessing. Just to be in the poster alone, sobrang saya ko na. You know when I saw the poster, parang 'Wow!' I was so happy."
Si Sarah Geronimo—kasama si Gerald Anderson—ang co-star ni Matteo sa Star Cinema movie na Catch Me, I'm In Love.
Ang nali-link kay Matteo na si Maja Salvador naman ang ka-partner niya sa pelikulang Basted. Sila naman ni Kim Chiu ang magkapareha sa upcoming teleserye na Binondo Girl.
BASTED. Dalawang shooting days na lang daw ay matatapos na ang pelikula nila ni Maja na Basted.
Nagkuwento si Matteo tungkol sa launching movie ng Skylight, ang digital production arm ng Star Cinema.
"Basted is about a girl who can't keep a steady relationship. Palagi siyang nagba-basted ng mga lalake. I play Carlo, a rapper and part-time waiter. I have a love team with Maja."
ON SARAH. Tungkol naman sa Catch Me, I'm In Love, tinatanaw niyang isang karangalan na makasama niya sa poster ng pelikula sina Gerald at Sarah.
Hindi rin nag-alinlangan si Matteo na magpahayag ng paghanga kay Sarah.
"Crush? Konti lang. I'm more of a fan. I watched her shows and she is an amazing performer. Pag makita mo siya, she is just an ordinary person. Pero pag makita mo siya on stage, she is different," sabi niya.
Nang tanungin kung paano niya mailalarawan ang Popstar Princess, tumigil si Matteo saglit, ngumiti, at saka sinabing, "Sarah is a very sweet girl.
"She wants to have fun. She likes to join the fun. She wants to be in a group of friends, always laughing and smiling. Parang wala siyang problemang iniisip. Lahat positive."
Patuloy niya, "Nung umpisa, nag-meeting kami nila Sarah and Gerald, usap-usap, heart-to-heart talk. And then after that, I thought I would be intimidated with Sarah, pero pagdating sa set, parang I've known her for a long time."
Ngayong araw na ito, March 18, ang last shooting day ng Catch Me, I'm In Love, na nakatakdang ipalabas next week.



0

