Nonito Donaire Jr. on tiff with sportswriters: "We've learned na to forgive is divine."

Glen P. Sibonga
Saturday, March 19, 2011 @ 11:43AM  |  15279 views

 

Ngayong naayos na ang problema ni Donito at Rachel Donaire Jr. sa kanilang pamilya, napatawad na ba nila ang mga sportwriters na nang-intriga sa kanila?

"Forgiveness was never an issue. We've learned na to forgive is divine. But of course we will take into account yung mga ginawa nila. But definitely nandun yung forgiveness. Ayaw na naming mag-focus dun sa nangyari kasi kung mag-focus ka dun, part ng negativity yun e.  Gusto namin positivity,"  Nonito says.

 















Masayang humarap ang mag-asawang Nonito at Rachel Donaire sa entertainment press kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) para sa launching nila bilang endorsers ng Mariko Tokyo beauty and medical clinic na ginanap last March 18 sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Sunud-sunod daw kasi ang magagandang bagay na nangyayari sa kanilang mag-asawa ngayon. Una na nga rito ay ang pagkapanalo ni Nonito Donaire Jr. kamakailan ng WBC/WBO bantamweight championships nang mapatulog niya si Fernando Montiel sa second round.

Sumunod ay ang pagkakaayos ni Nonito at ng kanyang nakatampuhang ama. Ang latest blessing nga na natanggap nila ay ang pagiging endorser ng Mariko. Ang pagpunta daw sa Mariko ang isa sa bonding moments nilang dalawa.

"Sabay kasi kaming pumupunta sa Mariko. And it's kinda relaxing like yung body scrub. Nakakatanggal ng stress," sabi ni Nonito.

ISSUE WITH SPORTWRITERS. Isa nga raw sa source ng stress nilang mag-asawa ang iba't ibang kontrobersiyang kinasasangkutan nila. Tulad na lang ng naging isyu sa kanila ng ilang sportswriters partikular na si Chino Trinidad.

Dahil daw sa pangingialam ng mga ito sa kanilang private life, lalo na sa naging gusot sa kanilang pamilya, ay lumala raw ang sitwasyon. Nakapagbitiw pa nga si Nonito ng salita na dapat ay sportswriting na lang ang isipin nila at iwan na lang ang pang-iintriga sa showbiz press.

Hindi raw kasi nila maintindihan kung bakit kailangang hingin ng media ang side nila pagdating sa problema sa pamilya.

Maging si Rachel daw ay nakiusap na sa mga press, lalo na kay Chino Trinidad, na sana ay huwag na siyang kulitin na ibigay ang side niya sa isyu na siya raw ang dahilan kaya nag-away si Nonito at ang tatay nito. Dapat daw ay silang magpapamilya na lang ang umayos nito.

"I told Chino huwag na lang kasi I didn't want Nonito to get distracted sa fight niya. But he insisted na dapat I give my side. I didn't want to make things worse, di ba? There are already people being hurt. Our focus that time was for Nonito to win his fight for the country," sabi ni Rachel.

Ngayong naayos na ang problema sa pamilya, napatawad na ba nila ang mga sportwriters na nang-intriga sa kanila?

"Forgiveness is never an issue. We've learned na to forgive is divine. But of course we will take into account yung mga ginawa nila. But definitely nandun yung forgiveness. Ayaw na naming mag-focus dun sa nangyari kasi kung mag-focus ka dun, part ng negativity yun e.  Gusto namin positivity," ani Nonito.

Mabuti raw noong nakiusap sila ay tumigil na sa pagtira sa kanila ang ibang press.

"That's good, masaya kami doon because Pilipino tayo, e, tapos nagsisiraan tayo. Pilipino tayo, we should support each other. Ako naman, lahat ng fighters sinusuportahan ko e," sabi ni Nonito.

May plano ba sila to reach out sa ibang press na nakaalitan nila?


"We're always here naman, we're always open. We had a bunch of press conferences," sabi ni Rachel.

Alam naman daw nila na hindi lahat ay magiging close sa kanila. Ang importante raw ay marami pa ring members ng press ang kaibigan nila at sumusuporta sa kanila.

1  2  3  Next »

Related Articles

93 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name