news

Phillip Salvador on playing supporting roles: "Noong nagsisimula ako, sinuportahan ako ng mga mahuhusay na artista. It's time to pay it forward."

by Ruel J. Mendoza posted on March 20, 2011  STATS: 7465 Views | 28 Comments

 

"Never naman naging issue sa akin ang sumuporta sa ibang artista. Hindi naman tayo namimili ng trabaho... to support these new talents ay parte ng pagiging artista ko," Phillip Salvador says about his new role in TV5's Nagbabagang Bulaklak.

 

Photo By: Courtesy of TV5


Muli ngang nagbabalik sa pag-arte sa telebisyon ang award-winning actor na si Phillip Salvador via the newest drama series ng TV5 na Mga Nagbabagang Bulaklak.

Gagampanan nga ni Kuya Ipe ang role bilang si Mr. D, ang may-ari ng TV station na ETVN kunsaan magaganap ang lahat ng kaguluhan, tagumpay at kontrobersya ng dalawang kapatid na mag-aartista na sila Dahlia (Arci Muñoz) at Daisy (Ritz Azul).

Ang huling labas ni Kuya Ipe sa isang TV drama ay noong 2007 sa seryeng, Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik sa ABS-CBN.

Kasama sana si Kuya Ipe sa cast ng Amaya ng GMA-7, pero natanggap na raw kasi niya ang offer ng TV5 bago pa man dumating ang alok ng Siyete.

"Napakapag-commit na kasi ako sa TV5 last year pa. Kaya noong mag-offer ang GMA-7 for that guest role in Amaya, hindi ko na natanggap kasi nga na-i-cast na ako sa Mga Nagbabagang Bulaklak.

"Pero may gagawin naman ako for GMA Films. Kasama pa rin ako sa cast ng Ang Panday: Ikalawang Yugto with Senator Bong Revilla. Para 'yan sa 2011 Metro Manila Film Festival," pahayag ni Kuya Ipe sa press launch ng Mga Nagbabagang Bulaklak sa Teatrino Greenhills last Tuesday (March 15).

Nagandahan si Kuya Ipe sa cast ng bagong serye. Bukod nga sa mga baguhan na sila Arci at Ritz, kasama rin sa drama series sila Richard Gomez, Ruffa Gutierrez, Sheryl Cruz at Jean Saburit.

"It's truly an honor for me to be a part of this very ambitious and grand TV drama. Noong malaman ko ang buong cast, alam ko na aabangan ito ng marami. I've worked with these fine actors and actresses before and it feels good na makatrabaho sila ulit. I am looking forward na makasama sila sa taping," ngiti pa niya.

Wala nga raw problema kay Kuya Ipe kung magiging support siya sa mga bida na sila Arci at Ritz. Nagawa na raw niya ito sa ibang artista at maganda nga raw na nakakatulong siya sa mga baguhan.

"Never naman naging issue sa akin ang sumuporta sa ibang artista. Hindi naman tayo namimili ng trabaho...  to support these new talents ay parte ng pagiging artista ko.

"Kung sa movie nga ni Senator Bong na Ang Panday ay pumayag akong maging support, bakit ko naman hindi gagawin sa mga baguhan. Ilang beses ko nang ginawa 'yan. I supported KC Concepcion in her first movie For The First Time. I also played support kina Jericho Rosales and Anne Curtis in Baler.

"Noong nagsisimula ako, sinuportahan ako ng mga mahuhusay na artista. It's time to pay it forward. Ako naman ang susuporta sa kanila and I am happy to do that," diin pa niya.

Sa naturang presscon nga ay nagbigay ng advice si Kuya Ipe sa baguhang si Clint Gabo na produkto ng Star Factor ng TV5. Alam niya na bini-build up si Clint na maging future matinee idol and leading man ng TV5. Ngayon pa lang daw ay dapat alam na nito ang kanyang gagawin para tumagal sa entertainment business.

"Sinabi ko sa bata na darating ang panahon na sisikat siya at lalaki ang pangalan niya. Lagi niyang lingunin ang pinanggalingan niya at huwag niyang kalimutan ang mga taong tumulong at naniwala sa kanya.

"Sinabi ko rin na parati siyang makikinig sa manager niyang si Ms. Annabelle Rama. Kailangan disiplinado siya kapag nasa poder siya ni Annabelle.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

28 Comments

  • 28  bruhilda26

    03/22/2011 | 09:22 AM
    Yup,it's time to pay it forward to all the people who supported you.Hmmm,let me see,start with Cristina Decena.I'm sorry to say I have no respect for people like you.You are a good actor alright, but when it comes to being a good father to Josh, you are completely irresponsible.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  libra1466

    03/21/2011 | 07:49 PM
    wala ka lang masabi Ipe. kaya tumigil ka na dyan ok. kailangan ng datung kaya kahit na anong project go, ok.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  totoysipa

    03/21/2011 | 03:49 PM
    21 I agree, natumbok mo. As if he had a choice.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  showbizdak

    03/21/2011 | 01:13 PM
    magaling na aktor in real and reel life...the awards and women are proof.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  whatheheck

    03/21/2011 | 12:50 PM
    i like this guy. intense actor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  JohnnyThor

    03/21/2011 | 09:58 AM
    Tulad ng barkada niyang si Bong at Jingoy, hambog, proud babaero at manloloko.... the sad part is the public idolized them and even put them in office...Only in the Philippines...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  genetophile

    03/21/2011 | 09:19 AM
    asus! wala ka na alng kamong projects kaya ganyan. neluko mo kasi si decena at nanggugulpi ka pa ng mga bus drivers kaya ayun,karma taruys
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  gferna

    03/21/2011 | 08:20 AM
    He sounds like he has a choice to play lead or support.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  urbie24

    03/21/2011 | 08:03 AM
    At pilit inaangat ang mga artistang wala namang legacy pa kundi ang gumawa ng scandals at gimmicks
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  urbie24

    03/21/2011 | 08:02 AM
    Thanks cinelamour for reminding us of these wonderfully crafted films. Itong mga pelikulang ito ang dapat pinapalabas sa TV ng mabigyan ng recognition at maiangat ang respeto sa mga veteran artists. Sa Hollywood habang tumatanda ka lalo pang nireremind ang publiko sa kanilang contributions sa industriya, Dito sa atin baligtad lalong dina-down at pilit na kinakalimutan ang mga obrang nagawa nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  cinelamour

    03/21/2011 | 07:36 AM
    some great artists i know have some troubled life.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  cinelamour

    03/21/2011 | 07:32 AM
    cain at abel, ang tatay kong nanay, karnal, tinik sa dibdib, gumising ka, maruja.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  cinelamour

    03/21/2011 | 07:28 AM
    nothing wrong with being laos. normal yan. ang importante may legacy! andyan ang bona, jaguar, bayan ko kapit sa patalim, orapronobis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  migrainegirl

    03/21/2011 | 07:22 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  cinelamour

    03/21/2011 | 07:14 AM
    meron namang mga artista, sikat pa din. kahit puro pagpapansin lang ang ginagawa. wala namang talent. tulad ni ruffa. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  cinelamour

    03/21/2011 | 07:10 AM
    may mga artista nga, sikat pa din hanggang ngayon kahit hindi naman marunong umarte e. puro hosting lang ang ginagawa! LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  r2kin2

    03/21/2011 | 02:42 AM
    has been na sya. ganyan talaga, hindi lahat ng oras nasa taas ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  urbie24

    03/21/2011 | 02:29 AM
    We should give respect to veteran actors and actresses na may TALENT like Phillip Salvador. Good for him to still be there and do supporting roles dahil ang mga bagong KABATAAN ngayon kailangan nila ng suporta ng mga beterano para matutuo naman itong mga batang ito ng tungkol sa pag-arte at propesyonalismo at lalo na ang paggalang sa mga datihang artista. Dahil mukhang nawawala na ito sa industriya at mas binibigyang importansya pa ang ibang mga artistang di mo malaman kung bakit naging artista.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  ehemm

    03/21/2011 | 02:08 AM
    why are some so nega lols. there's no denying that phillip is a very good actor. that's just how it goes - when they were young once, they land the plum roles. now it is the young ones' time to shine. hindi puwedeng leading man siya ni sarah or ni kc or ni angel lols. supporting actors add value, significance to a film by doing just that - lend support sa mga lead actors. kaya importante pa rin sila, ano ba lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ehemm

    03/21/2011 | 02:08 AM
    why are some so nega lols. there's no denying that phillip is a very good actor. that's just how it goes - when they were young once, they land the plum roles. now it is the young ones' time to shine. hindi puwedeng leading man siya ni sarah or ni kc or ni angel lols. supporting actors add value, significance to a film by doing just that - lend support sa mga lead actors. kaya importante pa rin sila, ano ba lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About