Isabel Oli (above) says she has never met Bimby, the son of Kris Aquino and James Yap (inset).  She was surprised by the little boy's "revelation" that she is his dad's new girlfriend.

"Nakita ko lang sa TV, pero never kami [ni Bimby] nag-meet. Kaya parang nung nakita ko nga yung VTR, medyo na-surprise ako kasi mismong si Baby James naman ang nagsabi na never kaming nag-meet. Kaya parang paano naman niya ako makikilala?" she says.

Photo: Noel Orsal

Live na nag-guest si Isabel Oli sa Showbiz Central kahapon, March 20, upang sagutin ang mga isyu tungkol sa kanya.

Una na rito ang tungkol sa pagkawala niya sa sirkulasyon ng halos walong buwan.

"Actually, naging busy din ako and medyo may konting inaayos lang din. Pero right now, I'm so happy with GMA Network, in-offer nila sa akin yung three-year network contract and now, nag-sign na ako. So, ayun, certified Kapuso na ako!" masayang balita ni Isabel.

So, hindi totoong hindi na siya Kapuso tulad ng mga naglabasang balita last year?

"Yeah, certified Kapuso!" sambit niya.

CAPTAIN BARBELL. Sa pagbabalik niya, isang malaking proyekto agad ang ipinagkaloob sa kanya ng GMA-7—ang maging isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez sa pagbabalik ng Captain Barbell sa telebisyon.

"I'm so grateful na naging part ako ng Captain Barbell. Sobrang laking project nito sa GMA.

"Kasama ko pa si Chard, e, siya yung unang leading man ko dito sa GMA. Kaya sobrang special talaga and medyo walang adjustment talaga kasi si Chard yun, close ko si Chard. So, I'm so happy.

"Sa set namin, sobrang gaan, parang naglalaro lang talaga kami. Kaya sobrang happy ako and really thankful sa GMA for giving me this break."

Unang nagkasama sina Isabel at Richard sa primetime series na Sugo noong 2005.

Bukod kay Isabel, leading ladies din ni Richard sa Captain Barbell sina Lovi Poe, Michelle Madrigal, at Solenn Heussaff. May "bangayan" ba sa kanilang apat?

"Friends kaming lahat," nakangiti niyang sabi. "Actually, hindi ko pa sila nakakaeksenang tatlo. Pero, you know, sa standby area or sa pictorial, okay naman kami, walang ganun."

HER DAD'S CONDITION. Isa sa mga pagsubok na patuloy na hinaharap ni Isabel ay ang kalagayan ng ama niya na may cerebellar degeneration, na ayon sa sinabi ng mga doktor kay Isabel ay wala pang cure.

"Pero kami ng family ko, pray lang kami. Siyempre, wala namang imposible kay God, so pray lang kami nang pray. And thank God he's stable now, he's okay, walang infections, walang fever. Ano lang, under close monitoring lang siya ng doktor niya sa St. Luke's," saad ni Isabel.

In fact, kasama ni Isabel ang kanyang ama kahapon sa studio ng Showbiz Central.