news

Enzo Pineda admits being attracted to Louise delos Reyes; says he and Sarah Lahbati have decided to be just friends

by Ruel J. Mendoza posted on March 23, 2011  STATS: 10279 Views | 17 Comments

 

Young actor Enzo Pineda has turned his attention to Alakdana star Louise delos Reyes (inset, top), after his efforts to woo Sarah Lahbati (inset, bottom) failed.

Photo By: Noel Orsal

Hindi na naitago ng StarStruck V First Prince na si Enzo Pineda ang kanyang paghanga sa bida ng telefantasya na Alakdana na si Louise delos Reyes.

Na-corner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Enzo sa launch ng bagong issue ng Garage magazine sa Opus Bar sa Resorts World Manila last Monday, March 21.

Ayon kay Enzo, nakilala niya si Louise nang minsang mag-guest ang dalaga sa Party Pilipinas para mag-promote ng Alakdana. Nagandahan daw siya rito at inalam daw niya kung paano ito makaka-usap. Through a common friend ay nakilala niya nang personal si Louise.

Natuwa rin daw ang young actor dahil nalaman niyang marami silang mga bagay in common ni Louise.

"Nagkuwentuhan kami ng matagal. Doon ko na lang nalaman na may mga bagay na gusto niya na gusto ko rin. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. Kaya in a way, mas na-attract ako sa kanya.

"Since then, patuloy ang communication namin. Text, tweet, at minsan kapag hindi kami busy, tinatawagan ko siya. I want to know her more and maganda naman ang naging simula namin as friends," sabi ni Enzo.

May nakakita nga kay Enzo na bumisita sa set ng Alakdana; nagdala pa raw ito ng pagkain para kay Louise. Natawa na lang si Enzo, pero kinumpirma niyang dumalaw nga siya sa set.

"Wala naman sigurong masama kung bisitahin mo ang kaibigan mo sa trabaho niya. Hindi naman ako nakaabala sa kanya. May pasalubong lang ako for her. Hindi naman ako nagtagal doon kasi alam ko busy siya.

"Gesture ko lang naman 'yon bilang kaibigan. Wala naman akong nakikitang masama sa ginawa ko. May gusto lang naman akong pasayahin na tao," nakangiting sabi ng binata.

NOT YET COURTING. Nilinaw ni Enzo na hindi pa niya sinisimulan ang panliligaw kay Louise. Gusto raw muna niyang makilala ang buong pamilya ng dalaga bago siya pormal na manligaw.

"Mother pa lang ni Louise ang nakilala ko," sabi niya. "As a gentleman, nagpakilala muna ako sa mommy niya. Gusto kong ma-meet ang family niya, yung daddy niya, at mga kapatid niya.

"May nagsabi nga sa akin na mga pulis daw ang mga kapatid ni Louise kaya dapat maging seryoso ako kapag nagsimula na akong manligaw. Tapos sa Cavite sila nakatira kaya dapat doon ko puntahan si Louise.

"Sa akin naman, walang problema. Kung sino ang dapat pakisamahan, gagawin ko. Kahit saan pa nakatira si Louise, pupuntahan ko siya. Gano'n naman talaga kung seryoso ka sa isang girl, di ba?"

WHAT ABOUT SARAH? Tinanong namin si Enzo kung paano na ang nabuong loveteam nila ng StarStruck V Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati?  

"Kami naman po ni Sarah, may pinagkasunduan na kami. We will stay friends na lang," sabi ni Enzo.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  ison

    11/24/2011 | 12:56 AM
    Sarah Lahbati and Alden Richards na lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  lovelyina

    04/13/2011 | 01:28 PM
    mas my potential c alden richards
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  lovelyina

    04/13/2011 | 01:27 PM
    binabae
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  rokr12

    03/25/2011 | 06:00 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  asus

    03/24/2011 | 10:07 AM
    maganda talaga siya at me appeal. sa pilyang kerubin pa lang kapansin pansin na siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  gjoel

    03/24/2011 | 12:18 AM
    saka asan na si Daniela Amable? bat wala nang project yung bata after ng Beauty Queen? dapat yan ang mga talents na inaalagaan nyo coz like Barbie Fortaleza, Daniella Amable will also grow up to be a beautiful lady, and these two are lead actresses material. ewan ko ba senyo, GMA, kung sino sino ginagawa nyong lead characters sa network nyo, porke may mga kamag-anak ata na mataas na tao sa network. kaya bihira nyo tuloy malagpasan ang ABS. pinupulitika nyo pati showbiz. hmp!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  gjoel

    03/24/2011 | 12:08 AM
    sana nga kayo na lang nung louise ang maging loveteam. si Alden Richards -- or si Elmo Magalona -- kasi ang mas bagay kay Barbie Forteza at hindi yung Joshua Dionisio, susme! ano ba yan GMA! kapuso ako noh, pero ayus-ayusin nyo naman ang pag pe-pair nyo ng loveteams nyo noh. haller!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  MadamClaudia

    03/23/2011 | 09:11 PM
    kung aayusin mo ang paraan ng panliligaw mo, eh di sigurado rin may ibubuga later on. at least ikaw yung nakauna in public about ur feeling.pero mga bata pa kayo at marami pang puweding mag iba sa inyo. titignan na lang natin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jeac3

    03/23/2011 | 07:53 PM
    go enzo you the best here in saipan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jeac3

    03/23/2011 | 07:48 PM
    the one who say that melai is more pretty than Louise, the who needs to go to eye doctor....melai look like ATSAY...not tisay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • smilingface123

    03/23/2011 | 07:01 PM
    ja hu?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ginsan

    03/23/2011 | 06:59 PM
    ows, hlo 2 no. 3, bt d KAPUSO IS first class, cro mas mganda yung pbrto mo kysa s iyo pero k Louise, mganda s Louise n tlga kc nkta q clla ng mgmall show d2 cla s mindanaw, mputi flawless, dan s pborito mu kht s litrto clro, d mganda s toto nman dva, peace lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dustmyeat

    03/23/2011 | 05:34 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • AndrewWorm

    03/23/2011 | 05:08 PM
    Ok toh si Enzo may personality, talent, at pinagaralan. I wish him more success in his career. He's a good host in Startalk and performer at Party Pilipinas at sana may bago siyang teleserye.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • abscbn_14344

    03/23/2011 | 05:01 PM
    mas maganda pa si melai kay louise...kapamilya class A...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • icomparetv

    03/23/2011 | 03:43 PM
    da who!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • WhiteShadow

    03/23/2011 | 03:10 PM
    tse!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About