"Like I always tell people, she's been so supportive and helpful. Sinasabi niya, what I should look out for, how should I act, yung mga gano'n. So, I'm really thankful that, you know, she's been helping me out," says Mikael Daez about Bampirella and Amaya leading lady Marian Rivera.

Photo: Noel Orsal

Matagal pinag-usapan at inabangan kung sino ang magiging leading men ni Marian Rivera sa epicserye ng GMA-7 na Amaya. Nagpatawag pa nga ng audition ang Kapuso network noong isang taon para rito.

At noon ngang Pebrero ay inanunsiyo ng GMA-7 na ang model na si Mikael Daez ang napili nila sa dami ng nag-audition para gumanap bilang isa sa leading men ni Marian.

Ang isa pa ay ang award-winning actor na si Sid Lucero, na nakumbinsing lumipat sa Kapuso network pagkatapos ng sunud-sunod niyang shows sa ABS-CBN. (CLICK HERE to read related story.)

Pero bago ang Amaya, na nakatakdang ipalabas simula sa May 9, mapapanood muna sina Marian at Mikael sa Bampirella, ang unang episode sa weekly horror-comedy series na Spooky Stories

Sa presscon ng Bampirella noong Lunes ng gabi, March 21, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mikael.

RELUCTANT ACTOR? Si Mikael ay nagtapos ng kursong Business Management sa Ateneo de Manila University noong 2010. He turned 23 years old last January 6.

Dahil nga nakatapos naman siya ng pag-aaral, sa palagay ba ni Mikael ay magagamit niya ang kanyang pinag-aralan ngayong pumasok na siya sa showbiz?

"Of course, marami akong kilalang artista na maraming side businesses. Eventually, in the future, gusto ko ring magkaroon ng sariling business. So, sigurado ako na I would put my education to good use in the future," sagot ng model turned actor.

Talaga bang gusto niyang mag-artista noon pa?

"Well, I was very reluctant at first, I admit. Kasi, you know, in my family, wala namang showbiz, lahat sila business lang. So, at first, it was a very alien industry to me. Wala akong masyadong alam.

"Pero eventually, I got to know people, I got to know the environment, yung atmosphere, and nagustuhan ko siya. Right now, nag-e-enjoy ako. I'm having a lot of fun, I'm learning so much, and acting has become an interesting craft for me."

Ngayong pinasok na niya ang showbiz, handa na ba siya sa mga intrigang darating sa kanya? Paano niya iha-handle ang mga isyung ipupukol sa kanya?

"Just go with the flow," sambit ni Mikael. "I don't know naman what to expect. So whatever happens na lang, you just deal with it the best possible way and don't react negatively.

"Of course, you have to be a bit more aware of what you do kasi you're in the spotlight na. So I just take it into consideration."