Veteran actress Eula Valdes says she has her own attack on the role of Selena in Mula sa Puso. Asked if she will be as evil as the original Selena, as played by Princess Punzalan, Eula smiles and says, "Hindi ko 'yan masasabi ngayon kasi nagsisimula pa lang kami, pero who knows? Kasi iba na yung times ngayon."

Photo: Sany Chua

Muling bubuhayin ang teleseryeng Mula sa Puso (1997), na unang pinagtampukan nila Claudine Barreto, Diether Ocampo, at ang namayapang si Rico Yan.

Ang batikang aktres na si Eula Valdes ang gaganap sa now-iconic contravida role of Selena, na unang ginampanan ni Princess Punzalan.

Isang magaling na aktres, si Princess ang unang asawa ni Willie Revillame at anak ng yumaong TV-and-radio host na si Helen Vela. Nakatira siya ngayon sa America kasama ang kanyang American husband, ngunit dumalaw siya saglit dito sa Pilipinas kamakailan lang.

Si Eula Valdes ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang miyembro ng press nitong tanghali ng March 24, ilang oras pa lang ang nakakaraan, sa press conference ng Mula sa Puso, na ginanap sa 14th floor ng ELJ Bldg, ABS-CBN Compound, Quezon City.

PLAYING SELENA. "Hindi ko siya [Mula sa Puso] masyadong natutukan kasi hindi ako palanood ng TV. Pero merong mga snippets lang na naalala ko. Medyo vivid sa akin yung tawa niya," ang sagot ni Eula nang tanungin tungkol sa pagkakaiba ng pagganap nila ni Princess.

Pagpapatuloy niya, "Pero hindi ko siya ma-compare kasi magkaiba kami ng personalidad sa totoong buhay, at kung paano yung atake namin, depende din yun sa amin. Basta evil siya [Selena], pero magkaiba kami ng atake for sure."

Naging kilala ang karakter na Selena dahil na rin sa pagiging ubod nang sama nito. Mapapantayan ba niya ang pagiging masama ng dating Selena?

"Hindi ko 'yan masasabi ngayon kasi nagsisimula pa lang kami, pero who knows? Kasi iba na yung times ngayon," ang sagot ni Eula, isang aktres na hinahangaan ng lahat sa bawat role na gampanan niya. Liban sa mga kontrabida roles niya sa TV, siya rin ay gumanap bilang ZsaZsa Zaturnah sa stage.

Ibang atake nga ang gustong gawin ni Eula sa pagganap ng Selena. Nang tanungin kung kinausap ba niya si Princess bilang paghahanda sa role na ito, umiling si Eula, ngumiti at saka nagsabing, "Hindi. Okay lang ako. Hindi na."

At saka siya nagpatuloy at nagkuwento.

"Hindi ko siya nakausap. Although may nagsabi sa akin, nasa fb [facebook siya], although I don't know lang kung totoong siya... yung nag-comment na sabi niya parang 'pinapamana niya yung koronang made of wire and bomba daw.

"Parang sabi niya, 'Pinapamana ko na kay Amor Powers yung korona ni Selena na gawa sa wire at bomba,'" kwento ni Eula.

Ginampanan ni Eula sa teleseryeng Pangako Sa 'Yo ang role ng kontrabidang si Amor Powers.

OKAY WITH DJ DURANO. Samantala, nilinaw din ni Eula ang isyu na lumabas na kinasangkutan niya umano at ng manager niyang si Ricky Gallardo, kasama ang direktor ng Mula Sa Puso na si Wenn Deramas at ang isa pang cast na si DJ Durano.

Hiningi umano ni Ricky kay Direk Wenn na tanggalin sa line-up si DJ.