Dawn Zulueta on how to handle showbiz intrigues: "It's not naman kasi also good as a public figure and personality, you try to also bear in mind that people are watching you. And siyempre, you have fans so there are also those who would emulate you and admire you. Siyempre, iingatan mo din yung galaw, iingatan mo din magsalita. Ayaw mo makasakit ng tao so you have to be careful also of what you say, how you behave in public. Like I said, you choose your battles, hindi na lang lahat ng mga laban dapat mong patulan."

 

 

Photo: Noel Orsal

Dalawang taon na ang nakalipas mula nang naging parte siya ng isang teleserye, at ngayon ay nagbabalik ang magaling na aktres na si Dawn Zulueta sa teleserye bilang Magda sa remake ng Mula sa Puso (1997).

BEING IN ABS-CBN. "I am very excited to be part of a project as big as this and also with the Kapamilya network. I love working here in ABS-CBN," ang masayang pagbati ni Dawn sa mga miyembro ng press na dumalo ng press conference ng Mula Sa Puso kahapon, March 24,  sa 14th floor ng ELJ Bldg, sa ABS-CBN Compound, Quezon City.

Dagdag pa niya, "Natuwa ako na inanyayahan nila ako na sumali sa network nila and then meron pa akong teleserye.

"Coming from pahinga, getting pregnant, giving birth, and then getting back into shape. It is good to be working again!" bulalas ni Dawn.

Ang ABS-CBN series na Lastikman, topbilled by Vhong Navarro, ang huling project ni Dawn bago siya nagpahinga.

Kaugnay ng paggawa niya ng teleseryeng ito ay ang pagpirma niya ng two-year contract sa Kapamilya network.

"Well, maganda yung in-offer nila sa akin. And I want, and I can see myself busy, for the next two years, so why not with the Kapamilya network?" sabi ni Dawn.

Pagkatapos niyang gawin ang Mula Sa Puso, sinabi ni Dawn na meron siyang iba pang mga balak na gawin.

"Sa teleserye pahinga muna [ako after this]. Kasi ang hirap ng trabaho. That's why I do look forward to resting after this. Tapos, hopefully maiba naman ang gagawin ko—either I host a show or maybe I go back to the stage or do a movie," saad ng beteranang aktres.

Isa din sa mga naobserbahan ni Dawn ay ang magagandang facilities ng Kapamilya network.

"If you compare— and I do 'cause I switch channels—makikita mo naman yung brilyo. Iba ang brilyo 'pag nanonood ka sa ABS-CBN. Yun ang napansin ko. It is nice to work in a company na alam mo yung facilities nila, improved. Everything is hi-tech...cameras. Siyempre, para sa aming mga artista, teknikal kami, naa-appreciate namin na, 'Parang dito mas maganda ako!"

Ngunit diniin ni Dawn na wala siyang anumang masamang tinapay sa ibang mga TV networks.

"In this industry naman kasi there are only permanent interests. So hindi mo naman pwede sabihin na forever nandito ka," sabi ni Dawn.

ON NEW BREED OF ACTORS. Bukod sa Mula Sa Puso ay kasama din si Dawn sa Star Cinema movie na Catch Me...I'm In Love, na pinagbibidahan nila Gerald Anderson at Sarah Geronimo. Ginampanan niya dito ang role ng nanay ni Gerarld at First Lady ng bansa.