news

Dawn Zulueta's kids not allowed to watch her new teleserye: "They will not understand watching me na inaapi."

by Rey Pumaloy posted on March 28, 2011  STATS: 2221 Views | 21 Comments

 

In the ABS-CBN remake of the serye, Mula sa Puso, Dawn Zulueta plays the role of the underdog, Magda, while Eula Valdes plays the all-out kontrabida, Selena.

 

Photo By: Noel Orsal

Sa pagbabalik ni Dawn Zulueta sa telebisyon via the remake of Mula Sa Puso ng ABS-CBN, kitang-kita sa trailer pa lang ng serye ang apoy sa mga confrontation scenes nila ni Eula Valdes.

Sa serye, ang underdog na si Magda ang papel na ginagampanan ni Dawn, samantalang ang all-out kontrabida na si Selena naman ang natoka kay Eula.

Si Jaclyn Jose ang unang gumanap sa papel na Magda, at si Princess Punzalan naman, sa papel na Selena.

Komo nga umaapoy sa tensyon ang eksena nina Dawn at Eula sa trailer-teaser pa lang ng soap, natanong ng PEP si Dawn kung may effort ba na magpagalingan silang dalawa ng huli?

"Kami kasi, we appreciate kasi how meaty...the roles [are] for us.  All we really need to do is just do our part. And if we do our part well, then we complement each other's performances. Doon lang kami nakatutok. It's not so much the competition how to outdo the others, kasi we're completely opposite poles in terms of the roles. So, for as long as we do our parts correctly, then hindi lang kami ang masaya kundi yung mga manonood and yung mga boss namin sa ABS CBN," paliwanag ni Dawn.

Sa presscon proper, pinuri ni Dawn ang galing ng Kapamilya Network pagdating sa technical aspects ng paggawa ng serye. Binanggit ni Dawn ang mga high-tech na kamera, klase ng ilaw, at iba pang equipment na ginagamit sa show. Sabi pa niya, iba ang look ng mga shows ng ABS-CBN, at gumaganda raw tuloy ang mga artistang lumalabas dito.

Intriguing ang mga pahayag ni Dawn tungkol sa ABS-CBN dahil nagtrabaho siya sa GMA-7 bago siya nagbuntis sa kanyang second child.

Noong matanong si Dawn tungkol dito, agad na nilinaw ng aktres na wala siyang gustong patamaang network sa kanyang pagbanggit sa mga katangian ng Kapamilya network.

Natanong tuloy si Dawn kung may sama ba siya ng loob sa GMA-7, ang Kapuso Network, kaya ganoon na lang ang papuri niya sa ABS-CBN.

"No, wala. Hindi ganon yun.  Please, huwag ninyong kulayan. Ang sinasabi ko lang, if you compare—'cause I do and I switch channels—nakikita naman ninyo yung brilyo.  Iba ang brilyo pag nanonood ka, iba ang register sa ABS. Yun lang ang napansin ko.

"Siyempre, it's always good to be a part of a network na alam mo ang facilities nila. Everything has improved, become high-tech—their cameras. Siyempre, kaming mga artista, technical kami.  Totoo na pag napanood mo ang sarili mo, mas maganda ako dito," paglilinaw niya.

THE PERSONAL AND THE PROFESSIONAL. Aprubado raw ng asawa niyang si Congressman Anton Lagdameo ang kanyang pagbabalik showbiz.

"Okey lang naman kasi part of the deal. Ang deal naman kasi is, if I'm coming back to work, I only work for three days in a week. Meron naman akong cut-off time. Okey lang naman yun sa kanya.

"Basta, I still have time for the kids at hindi ako masyadong napapagod," saad niya.

Nakakapanibago ba ang muling pagbabalik sa pagganap?

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

21 Comments

  • 21  daffodils

    03/29/2011 | 09:34 PM
    Bravo! Galing ng Mula sa puso...everybody delivers. May impact agad. Keep it up guys. Dawn Zulueta is indeed timeless.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  jonana_1313

    03/29/2011 | 03:05 PM
    ang ganda pa rin ng babaing to...walang pagbabago!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  PADUNGOL

    03/29/2011 | 02:43 AM
    in fairness hang ganda ng pilot... ang gagaling nila Dawn, Eula at Assunta... tapatan agad...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  maykspin2

    03/28/2011 | 06:35 PM
    super ganda ng pilot episode! Galing ni Dawn!!! pero di nagpahuli si Assunta lalo na si Eula as Selina!!! ang galing!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  redsand

    03/28/2011 | 04:41 PM
    in less than 2 hrs. Mula sa Puso na pala..hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  tearhere

    03/28/2011 | 03:55 PM
    Shes so beautiful,gracious and full of substance.Dont compare her wd Greta na magnda lng pero kung magsalita pa-cute,feeling teenager yan c Greta eh ang tanda tanda nya na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  daffodils

    03/28/2011 | 02:58 PM
    I think Dawn is one of the few versatile performers we have. She is brilliant in movies, TV and theater. She is not just a lovely face but with brains to reckon with. She talks with substance and not pa-cute or hollow-talks. Not trying hard, no pretenses. She thinks before she speaks. I also admire her that she doesnt push herself to where is not comfortable just to gain media mileage. I appreciate how she finds time to do civic works. I guess she is lucky to be able to find balance in her life.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  sexydulce

    03/28/2011 | 02:26 PM
    Dawn Zulueta and Lucy Torres are definitely prettier than Gretchen. and hindi sila maaarte.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  blithe

    03/28/2011 | 02:08 PM
    i understand what dawn is trying to say...yan din kasi napapansin ko betwen gma and abs...di ko lang madescribe exactly pero parang iba ang texture ng pinapannod mo gma compared dun sa abs...mas sharp at well-defined tingnan ang sa abs.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  StocksAndBonds

    03/28/2011 | 01:31 PM
    pag maganda ka na talaga, you don't need a lot of make-up. foundation day si dawn sa picture, pero syempre maganda pa rin. mas gusto ko siya dati nung kulay niya was the natural golden brown, litaw na litaw ang mid-eastern features niya. kasi di ba may dugong arab naman siya? lebanese ata, mother's side. kaya very exotic ang features. kaya lang dahil model ng facial cares center, they try to lighten her skin. sana huwag ma-carried away sa gluta at baka maging kamukha niya si greta.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  paminchever4u

    03/28/2011 | 12:50 PM
    ano naman laban ni gretchen sa beauty at talent ni dawn
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  srini

    03/28/2011 | 12:49 PM
    8 Sinasabi ko lang ang totoo. Dawn worked in GMA 2005 ENCANTADIA days pa anong year na ngayon helllueeerrr 2011 na saka during those days din yung mga ipinang tapat sa encantadia like panday e ilang lingo lang ang itinagal sa ere at sinibak agad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aiveec

    03/28/2011 | 12:42 PM
    Since naungkat na naman ang microwave issue, kaya naman nainis si Gretchen noon e dahil nagparinig si Dawn tungkol sa pagdadala ng microwave ni Gretch at sa ibang tao pa nagsalita si Dawn. Hindi na lang dumiretso kay Gretchen e samantalang nandoon din naman siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • migfrii2011

    03/28/2011 | 12:26 PM
    5, kawawa ka naman, eh qinoquote ko nga lang yung si Dawn, tsaka yung sinabi ni Mariel na baduy sa GMA, check mo na lang sa youtube...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • letsbereal

    03/28/2011 | 12:21 PM
    ay ganun bah? eh hinde na din pla kami manunuod.. Ayaw din namin na may inaapi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lolalu

    03/28/2011 | 11:54 AM
    Ang suwerte ni Dawn sa husband niya. Guapo, mayaman at congressman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • srini

    03/28/2011 | 11:47 AM
    2 FYI encantadia yung last project ni dawn sa GMA and ang tagal tagal na nun natural kung ikukumpara yung facilities ngayon iba na. Saka isa pa yung show nilang ENCANTADIA ang ganda kaya ng effects and everything kaya nga tatlong lingo lang ang panday nabura agad sa ere e.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • capisceniente

    03/28/2011 | 11:20 AM
    Di lang mga artista ng ABS ang magagaling, pati mga facilities hi-tech pa! World class talaga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • FlyNDance

    03/28/2011 | 10:43 AM
    why not sana kasama si Dawn sa alta, patalbugan sila ni greta.. hhehe.. Dawn for me has the most beautiful face in showbiz.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • migfrii2011

    03/28/2011 | 10:35 AM
    o ayan, dumadami na ang nagsasabing mas maganda talaga sa ABS-CBN kaysa sa GMA, Dawn Z, Angel Locsin, Willie R - dati nung sa Wowowee pa siya, Mariel Rodriguez, Anne C, lahat ng mga nangaling sa GMA na napunta sa ABS, sinasabi nila na mas maganda ang ABS kaysa sa GMA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About