Lotlot de Leon proud of daughter Janine Gutierrez who graduated from college; hopes she won't join showbiz

Rommel Gonzales
Sunday, March 27, 2011 @ 11:37AM  |  60989 views

 

Kung si Lotlot de Leon mismo ang tatanungin, ayaw niyang mag-artista ang anak na si Janine Gutierrez. Maganda ang dalaga kaya marami ang humihikayat dito na pasukin rin ang showbiz.

"Gusto ko sana iba. Gusto ko magkaroon siya ng ibang career, hindi sa showbiz kasi ang dami pang puwedeng gawin, e. Hindi lang naman sa showbiz,"Lotlot says.

 

Photo By: No













Noong Biyernes ay natupad na ang isa sa mga pangarap nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher — ito ay ang pagtatapos sa kolehiyo ng panganay nilang anak na si Janine Gutierrez.

Nagtapos ng kursong European Studies sa Ateneo De Manila University si Janine at ang kanyang graduation ceremonies ay naganap 4 p.m. last Friday, March 25.

Nguni't bago ito ay nagkaroon muna ng isang baccalaureate Mass ng 8 a.m. na sinundan naman ng speech ng guest of honor na si Philippine President Noynoy Aquino.

Present sa mahalagang okasyon na ito sa buhay ni Janine ay ang kanyang mga magulang na sina Lotlot at Monching at ang tatlong nakakabatang kapatid ni Janine na sina Jessica, Diego at Maxine.

Kahit hiwalay na ay nanatiling magkaibigan sina Lotlot at Monching, lalo na pagdating sa pagpapalaki ng kanilang apat na anak.

Pagkatapos ng graduation rites ay dumiretso ang mag-anak sa Blufrog Restaurant & Bar sa Tiendesitas para sa isang dinner party.

Dumating naman dito ang older sister ni Monching at hipag ni Lotlot na si Jackie Lou Blanco, pati na rin ang manager ni Lotlot na si Cornelia Lee na mas kilala bilang si Tita Angge.

Present rin ang mga kaibigan ni Lotlot from showbiz, ang mga aktres na sina Mymy Davao, Sharmaine Suarez, Karla Estrada at Kookoo Gonzales.

Later that night ay dumating naman sa pagtitipon ang mga kapatid ni Lotlot na sina Kiko at Ian de Leon.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Lotlot, sinabi ng aktres na...

"Sobrang proud ako kaninang nakita ko ang anak na umakyat sa stage para tanggapin ang diploma niya, naiyak ako sa sobrang kaligayahan.

"Ngayong nakatapos ang anak ko,  kahit na ano pang... ang dami-daming nanunumbat sa akin, bumabatikos na hindi ako  mabuting ina, tingnan ko lang sila, parang iyon na yung ano ko e, na tingnan ninyo ang mga anak ko, kung iyon yung mga sinasabi ninyo about me," pahayag ng aktres na bakas sa mukha ang sobrang kaligayahan ng mga sandaling iyon.

Meron na bang planong career si Janine after her graduation?

"May mga plano po siya kaya lang I think dun po sa mga plano niya kinukunsidera pa rin niya kaming mga magulang niya, e.

"So ako naman sinasabi ko sa kanya kung ano yung talagang gusto niya, iyon ang gawin niya. Sundin niya yung palagay niyang tama para sa kanya."

1  2  Next »

Related Articles

50 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name