"Sabi ko nga 'All's well that ends well.'  Ang suwerte-suwerte ko na makatrabaho si Eula [Valdes] and I can say na wala kaming problema. Lagi kaming magka-usap sa set, tinatawanan na nga lang namin yung issue kasi ang tagal-tagal na niyan," says DJ Durano on the issue that Ricky Gallardo had requested the teleserye's director, Wenn Deramas, not to pair DJ with Ricky's talent, Eula.

"Wala naman kaming problema ni Ricky, siguro nagkaroon lang ng misunderstanding, tapos napalaki lang," he says.

 

Photo: Noel Orsal

Naging issue ang away sa pagitan nila Direk Wenn Deramas at ng columnist/manager na si Ricky Gallardo nang pumutok ang balita na nagalit daw ang direktor nang i-request ni Ricky na huwag si DJ Durano ang ipareha kay Eula Valdes sa seryeng Mula Sa Puso.

Sa nakaraang presscon ng Mula Sa Puso na mapapanood na bukas, March 28 sa Primetime Bida ng ABS CBN, naka-usap namin si DJ at nahingan ng reaksyon kung naayos na ba ang gulo sa pagitan nila at ni Eula at ng manager niyang si Ricky.

"Sabi ko nga 'all's well that ends well.'  Ang suwerte-suwerte ko na makatrabaho si Eula and I can say na wala kaming problema. 

"Lagi kaming magka-usap sa set, tinatawanan na nga lang namin yung issue kasi ang tagal-tagal na niyan.  Para sa akin mas maganda ang trabaho namin ni Eula ngayon, yun ang pinakaimportante sa akin.

"Wala naman kaming problema ni Ricky, siguro nagkaroon lang ng misunderstanding, tapos napalaki lang," ang sabi ni DJ.

Ayon kay DJ, wala siyang sama ng loob nang lumabas ang mga kuwento na minamaliit daw kasi ang kakayahan niya o ang narating niya sa showbiz  kaya siya tinatanggihan na maging kapareha ni Eula.

"Sa tingin ko kasi may sariling rason si Ricky para gawin niya yun. Di naman ako na-hurt o sumama ang loob. Siguro may sarili lang siya na gustong ilagay sa role ko, puwedeng ganun.  I don't feel na minamaliit ako, I know my worth bilang isang artista."

Si Direk Wenn ang sobrang dumepensa at nakipaglaban kay DJ para matuloy siya sa nasabing teleserye at di mapalitan sa kanyang role.

"Sabi nga ni Direk Wenn, whether ako o di ako yung artista, he will always defend, nagkataon lang na manager ko siya.  Sina-sabi nila na ang suwerte-suwerte ko raw, I have Direk Wenn, I have a lot of shows pero siguro kahit hindi naman ako, kahit ibang DJ Durano naman na papalit, weather-weather lang talaga yan saka ginagampanan ko naman ng maayos ang trabaho ko."

Hiningan din namin ng reaksyon si DJ sa mga malisyosong issue na inuugnay sa kanila ni Direk Wenn.

"Hindi ako napipikon sa issue na yan kasi natural naman yan. Take the case of Robin Padila-Dikong Deo, Anjo Yllana-Direk Joey Reyes at marami pa.  Nagtataka lang ako na bakit ako lagi ang napi-pinpoint, e. Marami namang gumagawa nun. Yung manager-talent na palaging nilalagay ng manager niya ang talent niya sa mga trabaho niya.

"Question mark sa akin kasi, lagi akong pinag-iiisipan, mapa-blind item man.  Siguro kahit papaano, I'm getting somewhere.  Sabi ko nga sa sarili ko, 'Siguro DJ, tanggapin mo na lang na pinasok mo ang trabahong ito.'  Handa naman ako sa simula pa lang."

DJ assured us na hindi magbabago ang magandang samahan nila ni Direk Wenn dahil lang sa mga intrigang pinupukol sa kanila

"Di ako lalayo kay Direk Wenn dahil lang naapektuhan ako sa mga intriga.  Naniniwala ako at pinahahalagahan ko ang salitang, 'utang na loob.'  Pag wala kang utang na loob sa taong nagbigay sa iyo ng break, you're no getting somewhere, di ka makakarating sa gusto mong puntahan."