"Mas naiintindihan ko na ngayon kung ano yung flavor na puwede kong maibigay sa show. I find it more fun now. Kasi in the beginning, masaya naman talaga ako. Ngayon, mas masaya pa!" says Gelli de Belen about her hosting stint on Tweetbiz Insiders.

Photo: Courtesy of GMA-7

Nakaisang buwan na si Gelli de Belen mula nang mag-umpisa siya noong February 28 bilang isa sa main hosts ng showbiz talk show ng GMA News TV Channel 11, ang Tweetbiz Insiders, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 a.m. at 7:10 p.m.

Mas comfortable na raw siya sa show at swak na swak na raw ang pakiramdam niya kasama ang hosts na sina Tim Yap at Lolit Solis, gayundin ang iba pang kasama sa show na sina Fabio Ide, Gorgy Rula, Ronnie Carrasco, Danzen Santos, Justine Ferrer, at Chariz Solomon.

"Mas naiintindihan ko na ngayon kung ano yung flavor na puwede kong maibigay sa show. I find it more fun now. Kasi in the beginning, masaya naman talaga ako. Ngayon, mas masaya pa!

"I guess because nagkaka-bond na rin kami sa set. I feel more comfortable now in expressing my views on certain topics. At saka I feel na ibang flavor din nga yung maibibigay ko sa show bilang artista," sabi ni Gelli.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gelli sa presscon ng Tweetbiz Insiders noong March 28 sa 17th floor ng GMA Network.

Thankful nga raw siya na nakasama siya sa show dahil marami siyang isyung nalalaman.

"Oo, ang dami kong nalalaman. Bilang tsismosa ako as a person, mas marami akong nasasagap na tsismis at issues ngayon," sabi ni Gelli.

Sa tingin niya, ano yung kaibahan ng Tweetbiz Insiders sa ibang showbiz talk shows?

"Siguro yung pagiging natural at candid ng usapan sa show. Lahat kasi kami ay free to talk about a certain topic or issue. Minsan magulo, pero magulo na masaya, hindi yung magulo na nakakainis.

"Kasi minsan, lahat kami maraming alam about the issue so gusto naming magsalita lahat. Pero siguro yung isang bagay sa amin ay marunong kaming magbigayan at rumespeto sa mga kasamahan namin.

"May mga segments din kami sa show na wala sa iba. Katulad nung 'Tweetserye Presents' kung saan isang artista ang sinusundan ng Tweetbiz sa kanyang mga activities and it runs in the show for a whole week.

"Nandiyan din si Fabio sa kanyang 'Fabio News,' na hindi lang eye candy sa show, but nakakadagdag din sa aliw factor dahil sa nakakatuwang pagbabalita niya sa baluktot na pagta-Tagalog. Pati yung blind items ni Gorgy ay talagang nakakabaliw minsan.

"Ito yung show na maraming reasons kung bakit gugustuhin mong manood ng isang showbiz talk show," mahabang paliwanag ni Gelli.

Paano naman niya ikukumpara ang showbiz talk show hosting sa pagho-host niya noon sa morning talk show na SiS?