"Gusto ko lang pong linawin na lahat po ng projects ko ngayon, dumaan po muna ako sa auditions bago ako nakuha. Marami po kaming nag-audition at pabalik-balik po ako. Never po akong handpicked or pre-cast, kaya hindi ko naman masasabi na naging malakas ako or whatever. Siguro po, right timing lang po," says Enrique Gil about his lead roles in Mula sa Puso and Good Vibes.

Photo: Sany Chua

Feeling blessed ang young actor na si Enrique Gil dahil bukod sa pagiging bahagi ng main cast ng early primetime soap na Mula sa Puso ay isa rin siya sa mga bida ng weekly youth-oriented drama na Good Vibes, na mapapanood na simula sa Linggo, April 3, pagkatapos ng ASAP Rocks sa ABS-CBN.

"It feels great. Super blessed. Thank you to ABS-CBN for the trust. Kaya work, work lang kahit pagod at walang tulog kasi kagagaling ko lang sa Mula sa Puso taping, e. Siyempre, hindi ko puwedeng palagpasin itong presscon ng Good Vibes," masayang sabi ni Enrique.

Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Enrique sa presscon ng Good Vibes na ginanap kahapon, March 29, sa The Lounge restobar sa Tomas Morato, Quezon City.

Ano ang feeling niya na naunahan niya pang magkaroon ng lead role ang ibang young actors na matagal na sa industriya?

"I don't want to put down anybody," sabi niya. "I believe na it's my time and siguro darating din yung time for them. Super happy po ako sa magagandang opportunities na dumarating sa akin ngayon."

Ginagampanan ni Enrique sa Good Vibes ang role ni Troy Cabrera na half-brother ng isa pang bida na si Sam Concepcion, na gumaganap naman bilang Marc Pedroza.

Sa story ay may conflict sa pagitan nina Enrique at Sam being half-brothers. Pero kamusta naman sila off-cam?

"Off-cam, nagtatawanan lang kami lagi, kuwentuhan, ganun. Minsan nga sasabihin sa amin, 'Stop laughing na,' ganun. We're good friends naman. Malayung-malayo sa roles namin na may conflict sa isa't isa."

DEALING WITH INTRIGUES. Dahil nga sa magagandang opportunities at projects na nakukuha ngayon ni Enrique, hindi tuloy maiwasang maintriga siya na diumano'y isa raw siya sa malalakas sa ABS-CBN ngayon. Ano ang comment niya rito?

"Hindi ko rin po alam kung bakit may ganung isyu," sabi niya. "Pero gusto ko lang pong linawin na lahat po ng projects ko ngayon, dumaan po muna ako sa auditions bago ako nakuha. Marami po kaming nag-audition at pabalik-balik po ako.

"Never po akong handpicked or pre-cast kaya hindi ko naman masasabi na naging malakas ako or whatever. Siguro po, right timing lang po. Nagustuhan ako ni Direk Lauren [Dyogi] sa Good Vibes at nagustuhan naman ako ni Direk Wenn [Deramas] sa Mula sa Puso."

May gusto lang din daw patunayan si Enrique, lalo na doon sa mga nagsasabing baguhan lang siya pero binibigyan siya agad ng malalaking projects. Gaya na lang nung natanggal siya bilang isa sa main hosts ng defunct youth-oriented variety program na Shoutout dahil sa negative comments sa kanya.

Dinamdam niya ba ito?

"At first, oo. Kasi I'm working hard naman," pag-amin niya. "So, ngayon, I just want to wark hard and to prove them wrong. Sana lang makita nila yung efforts ko ngayon. Sana they get to know me more."