news

Solon suggests investigation on Willing Willie's controversial March 12 episode

by Nerisa Almo posted on April 1, 2011  STATS: 17494 Views | 61 Comments

"This will not be a fault-finding inquiry. We will ask [Social Welfare] Secretary Dinky Soliman, [Commission on Human Rights] Chairperson Etta Rosales and Willie Revillame to help us find legislative solutions that would avert similar incidents from happening again," Bagong Henerasyon Party List Representative Bernadette Herrera-Dy explains why there is a need to conduct a congressional investigation on the March 12 episode of Willing Willie.

Photo By: Nerisa Almo

Isang congressional investigation ang iminungkahi ng isang kongresista kaugnay ng kontrobersyal na episode ng programang Willing Willie noong Marso 12.

Ang Willing Willie ang weekday primetime variety program na hinu-host ni Willie Revillame sa TV5.

Sa naturang episode, isang anim na taong gulang na lalaki ang nagsayaw ng "macho-dance routine" sa isang segment ng show. Dahil sa "talent" niyang ito ay binigyan siya ng P10,000 ni Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa ulat ni Paolo Romero ng The Philippine Star, na lumabas ngayong araw, April 1, sinabi ni Bagong Henerasyon Party List Representative Bernadette Herrera-Dy na ang mga naglalabasang mga reklamo tungkol sa show ay dapat maging hudyat na sa Kongreso upang suriin ang kontrobersiya. Ito ay upang malaman kung ano ang mga hakbang na dapat gawin ng mga mambabatas para mas lalong maproteksyunan ang karapatan ng mga kabataan.

Pero nilinaw ni Rep. Herrera-Dy, na siya ring vice chairman ng House Committee on the welfare of children, "This will not be a fault-finding inquiry. We will ask [Social Welfare] Secretary Dinky Soliman, [Commission on Human Rights] Chairperson Etta Rosales and Willie Revillame to help us find legislative solutions that would avert similar incidents from happening again."

Matatandaan na unang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sina DSWD Sec. Soliman at CHR chairperson Rosales tungkol sa isyu.

Nakuha rin ng isyu ito ang atensiyon ng ilan pang kagawaran na nagsusulong sa karaptan ng mga kabataan, tulad ng United Nation Children's Fund (UNICEF) at Council for the Welfare of Children (CWC).

Samantala, ang chairperson naman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Mary Grace Poe Llamanzares ay iniutos rin na imbestigahan muna ang nasabing episode. (CLICK HERE to read related article.) 

Bago pa man ang suhestiyon na ito ni Rep. Herrera-Dy, nagsumite na ng resolusyon si House Deputy Speaker and Quezon Representative Lorenzo Tañada III bilang pagkundena rin sa insidente.

Aniya, ang nangyari sa Willing Willie noong Marso 12, "clearly depicted the public humiliation of the boy as he was forced to dance while he cried on live television."  

Ang nasabing congressional inquiry ay maaring magsimula sa Mayo 9 sa pag-resume ng session sa Kongreso.

MORE CELEBS EXPRESS DISMAY. Samantala, nang kumalat ang video ng episode na ito ng Willing Willie, may ilang mga artista ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa pamamagitan ng micro-blogging site na Twitter.

Ngunit binalikan naman sila ng host ng Willing Willie na si Willie Revillame noong Martes, Marso 29. (CLICK HERE to read related article.) 

Ayon sa TV host, "Do'n sa mga artistang nagti-tweet [tungkol] sa akin, tumulong na lang kayo sa inyong mga kababayan. Wag na kayong magsasalita sa tweet n'yo. Hindi ko na ipapakita 'yang mga pangalan n'yo.Kasi pag binanggit ko sa inyo, maraming magagalit sa inyo."

Pero para international Pinay singer na si Lea Salonga, ang pagpo-post ng mga celebrity sa Twitter ay parang pagtulong na rin upang ipaalam sa tao ang tungkol sa issue.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

61 Comments

  • 61  indiahenretta

    04/02/2011 | 09:23 PM
    Jan Jan pasensiya ka na, sa mga nakaka tanda sa iyo. Habang umiiyak ka sabay naman ang lubos na pag tawa ng mga tao na pina panood ka sa show. Mahirap siguro iyon pinag sabay mo ang iyak at mag sayaw. Sorry Jan Jan ganyan talaga ang buhay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  indiahenretta

    04/02/2011 | 02:16 PM
    Naiintindahan ko po kayo Mr. Revillame, negosyo po ang show ninyo, kailangan ninyo ng mataas na RATING, pero may hangganan po ang lahat. Hindi po ibig sabihin na pwede ng apihin ang mga MAHIHIRAP sa buhay. Si Jan Jan po alam natin kapos sa buhay , marahil kaya ang mga magulang niya maski ano na lang pwede na. Meron din po kayong APO, ang binag kaiba lang nga po, mayaman kayo Mr. Revillame, I am sure ayaw din ninyo mangyari sa APO ninyo ang nangyari kay Jan Jan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  indiahenretta

    04/02/2011 | 01:41 PM
    TV5 what a GOOD EXAMPLE is Mr. Revillame to the kids who watch his show! No wonder TOP RATED ang show ni Mr. Revillame, because of his CHEAP PRODUCTION NUMBERS. Gusto DAW TUMULONG sa MAHIHIRAP, YOUR RIGHT! Iyan ba ang pag tulong? Ang mga POBRE ang tumu tulong kay Mr. Revillame para lalong maging MAYAMAN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  litalitz

    04/02/2011 | 01:14 PM
    KONG HINDI KAYA BILYONARYO C WILLIE AT SIKAT PAG AKSAYAHAN KYA NG MGA TAO YONG PAGSAYAW N JANJAN?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  usbfre07

    04/02/2011 | 12:10 PM
    hindi ka nga baliw, HYPOCRITE ka naman...which one is worst? hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  yaralei

    04/02/2011 | 12:04 PM
    sino ang naiinggit kay willie? bwaaaaaaaaa! i am not as rich as he is pero mas maganda naman ang takbo ng buhay ko at di ako baliw...lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  brimley

    04/02/2011 | 11:49 AM
    some people are stupid enough para ipagtanggol si willie, dahil sa pera nabulag na kayong lahat. siguro kayo rin iiexploit ninyo rin ang mga anak ninyong maliit para lang sa halagang 10,000 esos. shame on you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  usbfre07

    04/02/2011 | 10:43 AM
    Aiza Seguerra preaching about MORALITY? seriously? alam mo na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  neophyte

    04/02/2011 | 10:26 AM
    51 drug smuggler pala instead of drug pusher
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  neophyte

    04/02/2011 | 10:22 AM
    Exploitation by the solon. They have to start legislating what a minor is allowed or not allowed to dance to. There are a lot of contest for minors, is it not exploitation as well. This issue was blown out of proportion coz the kid dance as macho dancer. If he dance to say hip-hop, tinikling, baka napuri pa siya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  neophyte

    04/02/2011 | 10:05 AM
    usbfreo9. Congress is pushing the case of OFW or drug pushers executed at China. Honestly, I dont know what to call them-victims or pushers. Isnt it a bit too late, instead of being side track of cases like the Hayden-Katrina, they should have been on this case awhile back. I dunno if the government or the justice dept where able to talk to this 3 before they were executed. How much were they paid?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  mogao

    04/02/2011 | 09:56 AM
    haay dami talaga nakikisawsaw para sumikat. napakanegatibo naman utak natin,kala mu napakalinis nating mga pinoy nakakatawa. hoy gising magsalimin muna tau please at suriin natin mga sarili natin kung tau ba ay maganda ginagawa. KAILAN TAU MAG APPRECIATE SA MGA MAGANDANG NAGAWA NG ISANG TAO? PLEASE WAG NA TAU MAGPADALA SA INGGIT, KAYA TAU DI UMAASENSO DAHIL SA CRAB MENTALITY E
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  indiahenretta

    04/02/2011 | 07:46 AM
    Mr. Revillame nag enjoy ka ba sa TALENT NI JAN JAN? Masarap bang pag tawanan at pagtripan in poor taste and isang mahirap na bata na kagaya ni Jan Jan? Masarap ba ang feeling na naka contribute si Jan Jan para mag TOP RATE ang show mo? Masarap din ba ang pakiramdam na ang mga MAHIHIRAP NA TAO, na sabi MO na gusto mong tulugan ay ang mga TAO na GINA GAMIT MO MISMO PARA SA SARILI MONG INTEREST? Mr. Revillame YOU ARE SO SELFISH, HYPOCRITE, EGOISTIC, INSENSITIVE WHATEVER YOU ARE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  marina28

    04/02/2011 | 05:52 AM
    Hay naku, para namang marami pang time in their hands ang congress natin. Ipaubaya na nila sa DSWD ang kaso na yan at asikasuhin nila ang mga trabaho nila! Maraming batas na dapat ipasa sa Congress, kaya utang na loob, ipriority nila ang mga trabaho nila! Wag nang makisawsaw sa issue.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  gagaka_noh

    04/02/2011 | 05:44 AM
    KARMA will hunt you and its on his way! It will find YOU BIG TIME!!! huhuhuh....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  usbfre07

    04/02/2011 | 05:35 AM
    Theres a Good news and a Bad news... the Good news is nag resign na si Willie, the Bad news is that its April Fools day...hehehhe!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  usbfre07

    04/02/2011 | 05:25 AM
    nag resign nga April 1, 2011 ...Its April Fools day!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  machuraka

    04/02/2011 | 05:20 AM
    I spoke so soon, hehehe! i've posted a comment here a few days ago about "karma", that it will get to us in time depende sa kung anong ginawa o nagawa natin sa kapwa. Sana nga totoo ang balita na nag-resign na si willie para matapos na ang kanyang kayabangan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  usbfre07

    04/02/2011 | 05:10 AM
    im not being sarcastic... wink!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  sipsip

    04/02/2011 | 05:07 AM
    bitay ka willie...haha. iiyak si pep este christy pala. baka e delete ako ng mods nito. hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About