news

Nude body painting and free breast exam at "Cleavage Night Part 3," a fund raiser for the cancer treatment of Mocha Uson's mom

by Roldan Castro posted on April 2, 2011  STATS: 11114 Views | 1 Comments

Magkakaroon ng show ang Mocha Girls, "Cleavage Night Part 3" sa Mugen Bar, Metrowalk sa April 5 na naglalayong makalikom ng P250,000 para sa chemotherapy ng ina ni Mocha Uson (center). The other members of Mocha Girls are Mae dela Cerna (left) Jhane Santaguiel (right).

Photo By: File photo

Makatuturan ang  gagawing show ng Mocha Girls  entitled "Cleavage Night Part 3" sa Mugen Bar, Metrowalk sa April 5 na naglalayong makalikom ng P250,000 para sa chemotherapy for two months ng ina ni Mocha Uson.

"Matatapos na ang chemotherapy niya sa June. Tapos na rin ang kanyang radiation therapy  kaya kailangan ko ulit gumawa ng fund-raising show para sa kanya. Sino ba naman ang puwedeng mag-fund raising kundi ako, yung anak niya," ang sabi ng malungkot na si Mocha Uson habang pinag-uusapan ang sakit ng mother niya.

"Dalawa  sa kasabay niya na  nagki-chemotherapy ay pumanaw na. Ang  advise sa akin ay dapat agresibo ako sa pag-alaaga sa nanay ko. Ang cancer kasi, one year na chemo 'yun at radiation and then mag-whole body PET/CT scan ka. Kapag hindi kumalat, suwerte ka, pero pag kumalat, magki-chemotherapy ka ulit mula sa umpisa.

"Tinanggal na  kasi yung isang breast niya tapos nagra-radiation therapy kaya naaagnas na rin," kuwento niya.

Pinaghahandaan na ba niya kung anuman ang mangyari?

"Oo. Pero ang advise sa akin ng mga friends ko na merong pamilya na may kanser, 'wag ko raw tingnan na ito ang mangyayari in the future, tingnan ko lang 'yung today... Huwag ko na raw tingnan 'yung bukas, next week... ngayon yung importante."

Dahil sa  breast cancer ng nanay niya, aware din siya ngayon para sa sarili niya?

"Regular akong nagbi-breast exam. Once  a year ako na nagpapa-ultrasound. Basta regular akong nagpapatingin sa doctor ng nanay ko," aniya.

Paano niya  hinaharap ang pinagdadaanan niya ngayon?


"Nung una, masakit kasi nag-iisa na lang ang magulang namin at hindi pa stable yung mga kapatid ko. Tatlo kami, yung bunso ay college pa lang, yung pangalawa, nagti-training pa lang sa ospital at may asawa siya. Ako yung panganay.

"Siyempre, mahirap. Kaya lang hangga't may buhay, may pag-asa sabi nga. At saka kung yung mother ko nga na mismong may sakit, mismong tinanggalan ng breast, mismong  pinapasukan ng gamot na nakakamatay sa lahat ng cancer cells, e, kinakaya niya. Siya na nga yung may sakit, dapat mas lalo akong maging matapang.

"So, dun ko kinukuha ang lakas ko, sa mother ko. Kaya pina-promise ko sa kanya na kasama siya sa laban na ito at gagawin ko lahat na ma-raise yung cancer awareness  sa mga babae lalo na sa mga batang babae," aniya.

Ano ang suportang nakukuha niya sa mga kagrupo niya sa Mocha Girls gaya nina Jhane Santaguiel at  Mae dela Cerna?

"Eto nga, gaya nitong fund-raising show ko, tinutulungan nila ako dito, sa mga performance namin at pagbebenta ng tikets sa mga kaibigan nila at saka moral support. Pag kailangan ko sila, nandiyan sila," saad niya.

Aminado si Mocha na magastos ang may kanser sa pamilya kaya nagpapasalamat siya sa mga tumutulong sa kanya.

 "Hindi talaga kaya ng isang tao o isang pamilya lang. Ako nga, hindi pa ako nakakakita ng ganitong kalaking halaga na P1 million, P2 million. Ang kailangang gastusin namin sa mama ko ay P2.5 million, one year lang 'yun.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1 Comment

  • chikorita_pikachu

    04/02/2011 | 08:41 PM
    sna gumaling mom mo mucha..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About