Apat na taon na sa showbiz si Jon Avila, pero walang masyadong nababalita tungkol sa personal life ng British-Filipino actor-model.
Kaya nagulat kami na umamin siya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang pasyalan namin siya sa RSVP Studios sa Sucat, Parañaque habang nagte-taping siya ng Hapi-er Togeder ng TV5 (aired every Tuesday night), kung saan kasama niya sina Joey Marquez, Wendell Ramos, Long Mejia, Soxie Topacio, Keanna Reeves, Tuesday Vargas, at si Ms. Nova Villa.
"I'm dating, dating, yeah! Exclusive," sabi ni Jon.
"Her name is Heidee Riego, bago pa lang siya. Taga-States, Fil-Am. She's a commercial model. Siya yung nasa commercial ni Enchong [Dee] yung [Jollibee] float, siya yun. Good Vibes ang show niya, sa ABS, she's a dancer-actress."
Nagkakilala raw sila through mutual friends.
Mag-iisang taon na raw silang magkakilala, pero hindi pa sila mag-on.
"Hindi, hindi," sabi ni Jon.
Pero may mutual understanding (MU) na raw sila.
"MU, kasi siyempre, nag-uumpisa pa lang siya sa career niya so she needs to focus. So, she's excited about her project, so I'm here to support her."
INDECENT PROPOSAL. Naitanong din namin kay Jon ang intrigang nakatanggap siya ng indecent proposal mula sa isang bading na nag-alok sa kanya ng halagang P200,000.
Inamin naman ito ni Jon.
"Yeah, I'm aware of that intriga. Actually, I've received mga anonymous texts offering me," sabi niya.
Hindi raw niya kilala ang nabanggit na tao, at hindi niya alam kung paano nito nakuha ang number niya.
"I just ignored it," sambit ni Jon.
"The exact text is 'Hi! I'm a discreet businessman' or something. Tapos 50 thousand [ang unang offer], something like that. Tapos siyempre I ignored the text. Tapos next hour, a hundred thousand na. Tapos tumaas nang tumaas hanggang umabot ng 200 thousand.




0

