news

Sarah Geronimo wants to study in the U.S.; Gerald Anderson to play in PBA D-League?

by Rose Garcia posted on April 4, 2011  STATS: 41322 Views | 55 Comments

 

Sarah Geronimo and Gerald Anderson thank the viewers who watched their first movie together, Catch Me... I'm In Love.

Photo By: Allan Sancon

Muling nag-guest sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa The Buzz kahapon, April 3, para personal na magpasalamat sa lahat ng nanood at sumuporta ng kanilang pelikula under Star Cinema, ang Catch Me... I'm In Love.

Yun nga lang, sa kabila ng tagumpay na tinatamasa nina Sarah at Gerald ngayon sa kanilang showbiz career, may balitang tila may iba pa silang pangarap na gustong ma-pursue. 

This April daw ay aalis ng bansa si Sarah papuntang U.S. para matupad ang pangarap niyang makapag-aral sa ibang bansa. Habang si Gerald naman daw ay gustong makapaglaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

Inalam ng host na si Charlene Gonzalez-Muhlach ang planong ito ng dalawa.

Paliwanag ni Sarah, "Nag-aaral pa naman po ako sa Open University ng UP [University of the Philippines.] Pero gusto ko po sanang mag-dance lesson, voice lesson para po ma-improve pa po ang skills ko. Sa States po sana."

Natawa naman si Sarah nang tanungin ni Charlene kung kasama ba nito ang buong pamilya niya sa pag-alis.

"Gastos po yun!" natatawa niyang sabi. "Inaayos pa po yung schedules ko po. So, kami lang po muna siguro ng mommy ko."

Ang nakatatandang kapatid naman daw ni Sarah na nasa New York ay nandito sa bansa ngayon.

Nilinaw naman ni Gerald ang tungkol sa diumano'y pagpasok niya sa PBA. Tila gusto raw ni Gerald maging member ng NLEX team, which is part of the PBA Developmental League (PBA D-League).

"Naki-practice lang po ako sa kanila," aniya. "After po ng movie namin, medyo maluwag ang schedule ko. And yun po, I only want to stay fit and healthy at, yun po, naki-practice lang po ako sa kanila. And sobra silang accommodating kaya nagpapasalamat po ako sa kanila."

Kung mare-recruit or mada-draft siya sa PBA D-League, papunta na raw yun sa PBA. Kung sakaling mapipili siya, ano ang pipiliin ni Gerald—being an actor or being a basketball player?

"Siyempre, passion ko rin po ang basketball. Bago po ako nag-artista, pangarap ko rin po na maging basketball player. Pero, sobra po akong blessed ngayon at ayokong iwanan kung anuman po ang meron ako ngayon.

"I'm very thankful sa lahat po ng players at sa mga future PBA stars natin na sobrang bait nila sa akin," saad ng young actor.

FALLING IN LOVE AGAIN. When it comes to dreams, ayon nga kay Charlene, ang isa rin sa pangarap ng marami sa kanila is to see them falling in love again. Is there a chance they will fall in love again?

"Oo naman," sagot ni Gerald. "Sino naman ang ayaw no'n, di ba? I would love to fall in love again with somebody. The right person, the right girl."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

55 Comments

  • 55  showbizdak

    04/06/2011 | 10:12 AM
    sarah ang magandang crash course mo sa u.s. kasi they are experts in this area dahil western culture ay yung assertiveness training, kung pano ka maging independent and be your own person, make your decisions, and speak your mind imbes tango ng tango sa wishes ng parents mo who have their own agenda.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  Monicafer

    04/06/2011 | 05:39 AM
    My friends in West Coast watched Sarah's movie at puno ang sinehan. Wholesome at entertaining ang movie, at natural na natural ang acting ni Sarah. Palabas na rin dito sa East Coast at last weekend puno din ang sinehan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  lyka25

    04/05/2011 | 07:26 PM
    Mas nagustuhan ko yung role niya sa catch me as a N.G.O social worker Roan Sanchez from Caloocan who fell inlove with Eric Rodriguez of Malacanang kaysa kay Laida Magtalas.Mas nakaka touch at natural ang acting niya dito, what I love most on Sarah's movie eh inaangat ang values ng mga Filipino at inaa uplift din niya ang halaga ng mga kababaihan, kasi these days nagiging dekorasyon nalang minsan ang mga babae sa mga pinoy movies eh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  Blood_Orchid

    04/05/2011 | 04:02 PM
    Sana dito sa Baylor mag-aral si Sarah. It's a wonderful School!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  marie2286

    04/05/2011 | 03:20 PM
    nakaka bilib naman si sarah,im quite impressed with how she performs..especially with her dance moves..and yet,she still wants to learn more.. and ang yaman lang ,ive heard may monaco trip din sya with her sister.. i wish her good luck...though im gonna miss her sa ASAP,its a good thing na rin she's gonna have a break. have a safe trip sarah and be back soon..!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  melody2

    04/05/2011 | 03:01 PM
    I was quite disappointed when you said that pertaining to showbiz din pala ang balak mong pag-aralan. I thought higher education pa naman. Do you need that anymore as you are very successful naman and so cute and natural in your acting.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  rom_05

    04/05/2011 | 02:11 PM
    nanood kapatid ko nito last sat maganda naman daw yung movie. Tinanong ko rin kung maraming nanonood sabi nya puno daw ang sinehan to think mahigit isang linggo nang showing. Congrats.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  camcam123

    04/05/2011 | 12:30 PM
    anong kurso culinary na naman tulad ni charlene
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  pinay123

    04/05/2011 | 12:19 PM
    it's a good break for you to take those courses.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  tseekitita

    04/05/2011 | 12:04 PM
    bumalik ka agaad sarah g. ikaw na nga lng pinapanood ko sa asap.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  bostongirl

    04/05/2011 | 10:55 AM
    psssttt...yung mga pintasera at sagad sa buto ang pagkabitter, magbago na kayo, may panahon pa, kayo rin!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  momrocks

    04/05/2011 | 10:23 AM
    at ung nagsasabi na hindi kumita ung movie ni Sarah at Gerald, malamang di pa nakakapunta ng sinehan yan or talagang di lang matanggap ang katotohan. Kung sabagay walang gamot sa "pagkaBITTER"
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  momrocks

    04/05/2011 | 10:21 AM
    Di naman po kai sasabihin ni Sarah kung di naman tatanungin sa kanya. Kung makapagcomment naman ung iba dito halatang ayaw kay Sarah. Sorry guys, si Srah sikat, may pera, kaya mag-aaral... eh kayo pacomment comment na lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  melody2

    04/05/2011 | 10:10 AM
    Just love you both in Catch Me. Suwak na suwak ! More ! More please. Sana kayo na nga ni Gerald in real life. How I wish but not Dream on !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  dubidu1992

    04/05/2011 | 10:03 AM
    not true na kumita ang movie nila from a reliable source kaya panay pa rin ang pag promote nila kasi sa umpisa lang malakas malakas pa rin ang kimerald kahit walang promotion
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  samantha0808

    04/05/2011 | 07:21 AM
    why read about sarah tapos magcocomment ng di maganda..hmmm...pag ayaw mo wag mo...get it...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  boloboy1000_diva

    04/05/2011 | 07:19 AM
    puro hearsay ln nmn yun result ng movie nya, ala nmn exact amt parang sabi n "almost 15 mil" hahaha....common give us the figures d yun puro tsismis..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  niktux

    04/05/2011 | 04:25 AM
    ano ba ito no fun to watch ASAP without SARAH .... well pahinga din.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  puckerlips143

    04/05/2011 | 03:46 AM
    Go Lang Sarah follow your heart ikaw Naman nagpapakahirap sa kinikita mo Kung yan ikakaligaya mo then go on besides pag-improve sayong craft Naman yan so go for it goodluck.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  kapamilyahoo

    04/05/2011 | 03:25 AM
    di kaya mag-crash course sa US tapos lilipat na sa TV5 pagbalik? mala-angel locsin move? don't tell me i didn't warn yah hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About