news

Sarah Geronimo wants to study in the U.S.; Gerald Anderson to play in PBA D-League?

by Rose Garcia posted on April 4, 2011  STATS: 41328 Views | 55 Comments

 

Sarah Geronimo and Gerald Anderson thank the viewers who watched their first movie together, Catch Me... I'm In Love.

Photo By: Allan Sancon

Muling nag-guest sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa The Buzz kahapon, April 3, para personal na magpasalamat sa lahat ng nanood at sumuporta ng kanilang pelikula under Star Cinema, ang Catch Me... I'm In Love.

Yun nga lang, sa kabila ng tagumpay na tinatamasa nina Sarah at Gerald ngayon sa kanilang showbiz career, may balitang tila may iba pa silang pangarap na gustong ma-pursue. 

This April daw ay aalis ng bansa si Sarah papuntang U.S. para matupad ang pangarap niyang makapag-aral sa ibang bansa. Habang si Gerald naman daw ay gustong makapaglaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

Inalam ng host na si Charlene Gonzalez-Muhlach ang planong ito ng dalawa.

Paliwanag ni Sarah, "Nag-aaral pa naman po ako sa Open University ng UP [University of the Philippines.] Pero gusto ko po sanang mag-dance lesson, voice lesson para po ma-improve pa po ang skills ko. Sa States po sana."

Natawa naman si Sarah nang tanungin ni Charlene kung kasama ba nito ang buong pamilya niya sa pag-alis.

"Gastos po yun!" natatawa niyang sabi. "Inaayos pa po yung schedules ko po. So, kami lang po muna siguro ng mommy ko."

Ang nakatatandang kapatid naman daw ni Sarah na nasa New York ay nandito sa bansa ngayon.

Nilinaw naman ni Gerald ang tungkol sa diumano'y pagpasok niya sa PBA. Tila gusto raw ni Gerald maging member ng NLEX team, which is part of the PBA Developmental League (PBA D-League).

"Naki-practice lang po ako sa kanila," aniya. "After po ng movie namin, medyo maluwag ang schedule ko. And yun po, I only want to stay fit and healthy at, yun po, naki-practice lang po ako sa kanila. And sobra silang accommodating kaya nagpapasalamat po ako sa kanila."

Kung mare-recruit or mada-draft siya sa PBA D-League, papunta na raw yun sa PBA. Kung sakaling mapipili siya, ano ang pipiliin ni Gerald—being an actor or being a basketball player?

"Siyempre, passion ko rin po ang basketball. Bago po ako nag-artista, pangarap ko rin po na maging basketball player. Pero, sobra po akong blessed ngayon at ayokong iwanan kung anuman po ang meron ako ngayon.

"I'm very thankful sa lahat po ng players at sa mga future PBA stars natin na sobrang bait nila sa akin," saad ng young actor.

FALLING IN LOVE AGAIN. When it comes to dreams, ayon nga kay Charlene, ang isa rin sa pangarap ng marami sa kanila is to see them falling in love again. Is there a chance they will fall in love again?

"Oo naman," sagot ni Gerald. "Sino naman ang ayaw no'n, di ba? I would love to fall in love again with somebody. The right person, the right girl."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

55 Comments

  • 15  dakpanay

    04/04/2011 | 05:47 PM
    Yong sa kabilang movie ni Retsard Gutyerez my Divine Intervention daw sabi ni Mother Lily. Magkano ang kinita noon compare sa movie ni Sarah and Gerald na walang Divine Intervention?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  yanzee

    04/04/2011 | 05:46 PM
    200 million na nga eh! inggit ang mga haters kasi sa kabila di pa umabot kahit 50 million lng hahaha at 1 movie pa lng nagawa sa year na to
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  jessmaegan

    04/04/2011 | 05:34 PM
    wow 100 million,talaga?kaya pala dapat pang ipromote ang movie sa the buzz khapon...dba pagstar cinema movie at two weeks ng palabas d na pinopromote ahh oo nga pala mga favorite to ng abs at star cinema tsk!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  jessmaegan

    04/04/2011 | 05:28 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Alwaysholiday

    04/04/2011 | 05:21 PM
    Congratulations Sarah and Gerald for the success of your movie! I enjoyed it so much. Sobra ang chemistry n'yo. Looking forward na nga ako sa part 2. Sarah, I admire your desire to polish your skill by wanting to take dance and singing lessons. And it is good to know that you are still going to school in spite of your busy schedule. Role model ka talaga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  utotngpinoy

    04/04/2011 | 05:19 PM
    naniwala ka namang 100m? utu-uto haha. baka isinamang pilit pati yung overseas gross? hehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • qazx

    04/04/2011 | 05:17 PM
    tama! konti nga lang ang kimerald... mukha lang madami dito sa internet! hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Booh_boh

    04/04/2011 | 05:08 PM
    Meaning Gerald is Kim Chiu is not a right girl for you? There something fishy about your statement...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gossipmonger

    04/04/2011 | 05:05 PM
    rotoscaper, yung laban kagabi di masyadong D-League ang dating dami nanood, e.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gossipmonger

    04/04/2011 | 04:59 PM
    go, Sarah, punta ka sa US para mas malapit ka kay Miguel Villafuerte! aiieee!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jacko143

    04/04/2011 | 04:54 PM
    palagay ko naman malinaw na sa kimerald na kakaunti talaga ang fans ni kim at kakaunti ang kimeral isipin nyo kay sarah na partner si gerald kumita na ng mahigit sa 100M ang movie eh kung si kim kaya ang kapareha ni gerald sa movie na yan kikita ba yan ng 100M baka flop tulad ng nauna nilang movie,kaya sa mga kimerald tanggapin nyo na ang katotohanan wala talaga ang kimerald maingay lang lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • samantha0808

    04/04/2011 | 04:53 PM
    ay ganun mamiss kita sarah even my kids know that i like you ..kaya di muna ako watch ng ASAP rocks pag nasa states ka na...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • samantha0808

    04/04/2011 | 04:52 PM
    ay ganun mamiss kita sarah even my kids know that i like you ..kaya di muna ako watch ng ASAP rocks pag nasa states ka an...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    04/04/2011 | 04:52 PM
    may D league pala PBA. and i thought i was already watching D league quality sa PBA.hay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ako_ay_pilipino

    04/04/2011 | 04:41 PM
    Congrats Sarah sa success ng movie mo.. magvavacay pala si sarah.. mamimiss ka nila sasa..hehe..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About