news

Martin del Rosario regards his first acting award as an inspiration

by Nerisa Almo posted on April 6, 2011  STATS: 7546 Views | 8 Comments

 

"Siguro hindi ito pressure, but more on to inspire. As of now, medyo fresh pa 'yong award na 'yon, puro congratulations pa lang ang natatanggap ko. Wala pang 'dapat i-maintain,' wala pang gano'n sa utak ko. Pero more than pressure, it's an inspiration talaga," says Martin del Rosario about the acting recognition he received from the Golden Screen Awards.

 

Photo By: Noel Orsal

Patuloy pa rin ang pagtanggap ni Martin del Rosario ng mga pagbati dahil sa pagkapanalo niya ng Breakthrough Performance by an Actor sa katatapos lamang na 8th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society o Enpress.

Nanalo si Martin para sa pagganap niya sa indie film na Dagim.

Naka-tie niya sa kategoryang ito ang model-actor na si Rocky Salumbides para sa Tarima.

Sa ginanap na press conference kahapon, Abril 5, para sa endorsement niyang BNY Jeans, lubos pa rin ang pasasalamat ng 18-year-old actor sa natamong pagkilala sa kanyang kakayahan sa pag-arte.

"Tuwang-tuwa ako kasi first time ko 'yon na-receive. Unang acting award sa buhay ko 'yon!" nakangiting sambit ni Martin.

Sabi pa niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sulit ang kanyang paghihirap sa paggawa ng independent movie na Dagim, na naging isa sa mga naging finalists sa CinemaOne originals noong nakaraang taon.

"Feeling ko deserving din naman ako sa award na ibinigay sa akin kasi ibinigay ko talaga ang best ko," pahayag ni Martin.

"Noong ginawa ko 'yon, mahirap talaga 'yon. Parang seven days ako nasa Bataan, na every day nakikita ko bundok, puro putik palagi ang katawan ko, feeling ko ang dumi-dumi ko, 'tapos mahirap ang mga eksena.

"Pero parang nawala lahat ng hirap noong nalaman ko na nanalo ako ng Best Breakthrough Performance as an Actor.

"Parang nakaka-inspire na ipagpatuloy, pagbutihan pa 'yong mga ginagawa kong project."

Sa halip na kabahan sa mga susunod pang trabaho dahil sa nakuhang award, mas nagiging inspirasyon pa raw ito upang paghusayin pa ang kanyang kakayahan bilang aktor.

Para kay Martin, "Siguro hindi ito pressure, but more on to inspire. As of now, medyo fresh pa 'yong award na 'yon, puro congratulations pa lang ang natatanggap ko.

"Wala pang 'dapat i-maintain,' wala pang gano'n sa utak ko. Pero more than pressure, it's an inspiration talaga."

Kahit pa nabigyang pansin na ang kanyang mga ginagawa bilang aktor, hindi naman iniisip ni Martin na sikat na siyang artista.

Sabi ng binatang aktor, "Ayaw ko naman talaga maging showbiz na tao. Kahit na artista na ako, mine-make sure ko na hindi ko talaga nilalagay sa utak ko na, 'Wow, star ako.' Hindi talaga ako gano'ng tao."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • citiboy

    04/06/2011 | 08:08 PM
    good luck! lalong good luck pag may mga BA majors ka na!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 182395

    04/06/2011 | 04:33 PM
    magaling, magaling - another kapamilya winner!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gossipmonger

    04/06/2011 | 02:29 PM
    in fairness ha, UP student siya and business ad ang course nya. kaya ba ng ibang artista 'yon?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yanzee

    04/06/2011 | 12:36 PM
    baguhan ka pa lng pero magaling ka kaya dapat lng ikaw hiranging best breakthrough performance as an actor. basta star magic artist magaling BRAVO...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jed_raz8

    04/06/2011 | 12:03 PM
    jas andersono2, nklgay nman jan sa article kung san xa mapapanood dba? pkibasa lang ung article... 2 lng yan eh its either ndi k nagbasa or ndi mo naintindihan ung article.. peace..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • akosimadam

    04/06/2011 | 11:07 AM
    he's cute
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    04/06/2011 | 11:04 AM
    wawa nman sya, 7am then 8 30..anyways, congrats!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jas_anderson02

    04/06/2011 | 10:43 AM
    martin? never heard..pero san xa napapanood??may itsura nman xa kaso mukhang ndi pure pinoy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About