news

Bea Alonzo on working with Vic Sotto and dabarkads: "What I didn't expect was magiging attached ako sa kanila."

by Rose Garcia posted on April 8, 2011  STATS: 23776 Views | 53 Comments

"Ini-expect ko na magiging masaya. I knew, I'm gonna have fun. Kasi, nakikita ko sila sa mga shows nila. Pero parang nag-exceed pa sa expectation ko yung saya. What I didn't expect was magiging attached ako sa kanila. Yun ang hindi ko ini-expect," says Bea Alonzo about working with Vic Sotto and dabarkads Jose Manalo and Wally Bayola.

Photo By: Noel Orsal

Very vocal si Bea Alonzo sa pagsasabi kung gaano ka-memorable sa kanya ang maging leading lady at makasama sa isang pelikula ang Box-Office King na si Vic Sotto, gayundin ang ibang dabarkads na sina Jose Manalo at Wally Bayola. 

Bilang magkaiba sila ng pinagtatrabahuang networks—si Bea ay talent ng ABS-CBN, samantalang sina Vic, Jose, at Wally ay napapanood sa GMA-7 at TV5—hindi nga naman araw-araw ang pagkakataon na makatrabho nila ang stars mula sa ibang channels.

Magkasama sina Bea at Vic sa comedy film na Pak! Pak! My Dr. Kwak! na ipalalabas na simula sa April 23, Black Saturday. Kasama rin sa cast ng pelikula sina Jose, Wally, Pokwang, Xyriel Manabat, at Zaijian Jaranilla. Mula ito sa Star Cinema at M-Zet Productions.

Ayon kay Bea, "Ito na siguro yung mga moment na hindi ko makakalimutan. I really had fun. Ibang klaseng experience para sa akin kasi first time kong gumawa ng ganitong klaseng comedy. And I'm very, very lucky na nabigyan ako ng opportunity in a Vic Sotto  movie."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Bea sa presscon ng Pak! Paky! My Dr. Kwak! kagabi, April 7, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Bago si Bea, may ibang aktres na unang kinonsider for the role of Vic's leading lady. Pero okay lang naman daw kay Bea kung hindi man siya ang first choice. Ayaw naman daw niyang isipin na mas okay siya kumpara sa aktres na  siyang original choice.

"Hindi naman pumasok sa isip ko na ikumpara ang sarili ko kahit na kanino. Feeling ko naman, the mere fact na natuloy na kasama ako, it's bound to happen. Talagang nakaplano na yun na mapupunta sa akin. And I don't want to compare myself to others," sabi ng young actress.

BOX-OFFICE KING & QUEEN. Kung si Vic ay ilang beses nang itinanghal na Box-Office King, si Bea ay minsan na ring kinoronahang Box-Office Queen. Kaya ine-expect ng lahat na siguradong maghi-hit sa takilya ang unang pagsasama nila sa pelikula.

May pressure bang nararamdaman si Bea sa magiging resulta ng pelikula nila ni Vic?

"Si Bossing naman na 'yan!" natawa niyang sabi.

"I try not to think about the pressure. Mas iniisip ko nga yun, yung excitement at joy and happiness na nararamdaman ko na nakatrabaho ko talaga sila. And until now, kapag nagkikita-kita kami ng ganito, imbes na iisipin mo ang gagawin mo for the rest of the day, excited ka na makikita mo silang lahat.

"Ini-expect ko na magiging masaya. I knew, I'm gonna have fun. Kasi, nakikita ko sila sa mga shows nila. Pero parang nag-exceed pa sa expectation ko yung saya. What I didn't expect was magiging attached ako sa kanila. Yun ang hindi ko ini-expect."

BOSSING & ZANJOE. Bagamat hindi pa diretsahang umaamin sina Bea at Zanjoe Marudo sa kanilang relasyon, it's quite obvious na may something special sa pagitan nila.

Ano ang mga katangian ni Vic na gusto niyang makita rin kay Zanjoe?

Ayon kay Bea, pareho naman daw gentleman ang dalawa. "At saka, gusto ko lang as he matures, parang si Bossing," dagdag niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

53 Comments

  • 53  lizzy1230

    04/09/2011 | 04:59 PM
    KAP c bea d sukat? pipiliin ba xa ni vic na maging lt nya sa movie na to kung d xa ckat malau na narating ni bea dami na nya awards...cnu para sau ang ckat? lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  MrSuperxxx73

    04/09/2011 | 12:16 PM
    MAGANDA yung TRAILER Good combination yung trio nina wallie, jose, at pokie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  parkview

    04/09/2011 | 10:22 AM
    hello my detractors, uhmmmm...thanks a lot..i got an excellent sleep last night...just woke up and preparing to get to an IT Show with my officemates...'hope, you too have the same sleeping experience. hahahahaahahaha...im not bitter anyway....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  Deane_2005

    04/09/2011 | 08:39 AM
    Papanoorin namin eto laugh trip na naman eto lalo na andyan sina Wally at Jose plus Pokwang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  hannahcharrad

    04/09/2011 | 06:47 AM
    ay!oo nga,bakit pinutol ang article?tama naman si bei,bat magseselos si sanju?ano sia sinuswerte?kaibigan lg ang turing sa kanya...very excited of this film and hoping that bea is on eat bulaga on april 11read it somewhere and in asap on april 17but not live because bea is out of the country.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  purpleyam

    04/09/2011 | 06:08 AM
    Napabalik ako dito. di complete ang article na ito ang sagot ni Bea tungkol sa selos ekek na yan WALA NAMANG GANON!.Ang mga writers talaga oo! HAY!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  brookside

    04/09/2011 | 05:31 AM
    Bea mahal kita pero sorry di ko talaga matake si sanju. Excited na ako sa movie mo with Bossing.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  purpleyam

    04/09/2011 | 05:23 AM
    Ito namang mga writers at reporters di na lang mag focus sa movie.Anong kinalalaman ni Marudo dito.Baka yan pa ang makasira sa promotion.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  MadamClaudia

    04/08/2011 | 10:39 PM
    heheheh, legendary actor na si Vic,kaya kahit sinomang babae ang makapareha ay talagang iba ang pakiramdam. obviously naman na kung sakaling liligawan ni bossing Vic ang lahat ng mga makapartner sa movie ay madali lang mapa ibig nito tulad ni Bea ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  hannahcharrad

    04/08/2011 | 10:04 PM
    I want to hear and say purely promotions for Vic Sotto and Bea Alonzo fo this movie.Zanjoe Marudo is not a part of the cast so its not necessary to include him on the write-ups.Just appealing to the press people to focus on the movie and only on the casts of this film...pokwang,the kids,wally ,jose...this is not a diary of ZM so please give a respect for bossing and co....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  yaralei

    04/08/2011 | 09:26 PM
    lol parkview!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  eminem

    04/08/2011 | 08:40 PM
    number 40, hindi mo kilala personally si BEA so shut your big mouth
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  eminem

    04/08/2011 | 08:37 PM
    bakit ba ipinipilit ng writer si zanjoe kay bea, eh last year pa siya basted during SA YO LAMANG days pa!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  KAP

    04/08/2011 | 08:11 PM
    sa lahat ng ABS stars si Bea ang isa sa pinaka fake!next ang bff niyang si shaina.mga feeling sikat at social climbers!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  ehemm

    04/08/2011 | 07:58 PM
    lols. funny exchanges here. but bea, i hope you don't fall for that playboy. hi vic lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  parkview

    04/08/2011 | 06:53 PM
    i woiuld like to thank all pepsters for the attention thown on me...i need not to say if i have or i dont have pc on my home. its not good to let everybody knows what u have or what u don't have..and to those who take noticed on my grammar at least i have made it... and what about you? i dare you to compose a paragraph in just one click...i maybe grammatical wrong, at least i admit it....and how about u...pathetic......poor people....and teardrops, as you were asking about pc, how many laptops do you have ? and what brand are those? or maybe should i say, how many DESK TOP do you have? uhmmm i think, u've got alot because u are a tender in an internet cafe? isn't it? bravo....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  imnotu

    04/08/2011 | 06:39 PM
    Minsan nakakawalang ganang sumporta kay Bea kapag ang isyu ay may kinalaman kay sanju.Pero nakaka tuwa naman sumporta kay Bea kapag hindi sha natatanong about kay sanju.hirap talagang maging fan mo Bea im sure ganito din yung napi-feel ng iba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  imnotu

    04/08/2011 | 06:28 PM
    Nakakawalang ganang sumuporta kay Bea kapag ang isyu ay may kinalaman kay Zanjoe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  teardropsfall

    04/08/2011 | 05:17 PM
    parkview.. see u monday? kasi nasa opis ka ibig sabihin wala kang pc sa bahay... h ha ha ha.... kawawa ka naman pala.. pa dollar dollar ka pa dyan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  yanzee

    04/08/2011 | 05:08 PM
    parkview.. alis ka na? wag muna wala kami pulutan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About