news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17383 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

"Kung suspendihin n'yo kami, suspendihin ninyo lahat 'yan. Hindi po ba tama 'yon?

"Iba ho 'yong tinitingnan ninyo sa tinititigan ninyo. Maging fair kayo.

"Tandaan n'yo po ito, hindi ako titigil sa adhikaing ito. Maaring ito ay eye-opener sa atin, dapat tulungan natin ang mga bata sa kalye. Mga DSWD, kunin ninyo lahat 'yan, bigyan ninyo ng magandang buhay.

"Human Rights chairman, tinitira n'yo ako, hinuhusgahan ninyo ako, ang daming namamatay na OFWs, 'yon ang tulungan natin. Tulungan natin ang mga kababayan natin sa ibang bansa."

Hirit pa ni Willie, "Magsama-sama tayo. Huwag ninyo akong dikdikin. Hindi ako masamang tao. Ang hangad ko lang ay magpasaya at makatulong sa mga mahihirap."

"MGA ARTISTANG NAKISAWSAW." Bukod sa mga grupo at sangay ng gobyerno, hindi rin nakalimutang patutsadahan ni Willie ang mga kapwa niya celebrities na umano'y tumitira sa kanya sa microblogging site na Twitter.

"Maraming artista ang nakisawsaw. Mag-isip muna kayo bago kayo makisawsaw. Ang sakit no'n," sabi ni Willie.

Pagkatapos ay pinangalanan niya ang mga artistang ito: "'Yan si Jim Paredes ng APO, tinira ako sa Twitter. Si Aiza Seguerra, tinira ako sa Twitter. Si Agot Isidro, Lea Salonga, Mylene Dizon...sasabihin ko na lahat. Sino pa? Bianca Gonzales ng SNN.

"Susuportahan n'yo ba ang mga taong iyan? Ano ang nagawa ninyo? Ano ang nagawa ninyo sa sambayanang Pilipino?

"Si Tuesday na kasama ko rito [sa TV5]. Hindi ko maintindihan na kasama kita rito, tinira mo ako. K Brosas, Leah Navarro...sino pa?

"Kapwa tayo artista. Nakagawa ba kayo ng tulong? Nagbigay ba kayo sa Bantay Bata ng P1 million?"

Pagkatapos ay pinaalalahanan sila ni Willie: "Ito, huwag kayong manghusga ng kapwa ninyo artista. Dapat magkakasama tayo. Tulungan ninyo kami kung nagkakamali kami, huwag kayong manghuhusga. Tandaan ninyo, 'yong masang Pilipino ang sumusuporta sa inyo."

Sabay inulit ni Willie, "'Yan pong mga pangalan na 'yan, winasak ang pagkatao ko sa Twitter. Jim Paredes ng APO, Lea Salonga...

"Aiza Seguerra, magpakalalaki ka! Bata ka pa, hindi ba, nagtatrabaho ka na? Hindi ba exploitation 'yon? Mag-isip ka! Tingnan n'yo muna ang sarili niyo bago kayo...

"Agot Isidro, wala ka namang anak, e, bakit mo ako gaganyanin? Alamin mo muna.

« Prev  1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 1129  satellite0814

    04/19/2011 | 06:00 PM
    sa buong artikulo puro pa mumudmod ng pera pinagsasabi ni willie... kung totoong tumutulong ka nga wag mong ipagsigawan... para namang tumutulong ka para malaman ng tao na mabait ka and besides di naman galing sa iyo yan galing din sa mga sponsors! laki na talaga ulo mo! matoto ka na willie! ilang beses ka na na issue! marami na! di na mabilang halos! di ka pa rin nagtanda!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1128  tineetinee

    04/16/2011 | 04:20 PM
    we are supporting you willie we are behind you. lumaban ka. mrs. vasquez,a public school teacher
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1127  raac

    04/16/2011 | 04:21 AM
    Thank you. Finally, revillame and his show are off the air. Now let us make sure we will never be subjected to such arrogance again. He has demeaned women over and over. Even children are part of his game. ENOUGH already!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1126  mayumingmayumi

    04/15/2011 | 02:27 PM
    ang nakakapgataka ba't may mga tao dito lagi sinisingit ang abs cbn o kung sino sino pa na wala anman sa issue. child abuse ang pinaguusapan. palibhasa panay tv na lang inaatupag. magbasa-basa naman kayo nag malaman niyo na rin na ang prinoprotektahan ay hindi lang mga pulubing bata kundi lahat ng mga bata mayaman o mahirap na wala pang sapat na kaisipan para magdesisyon para sa mga sarili nila. o ipagtanggol laban sa abuse, molestation at pagpapabaya sa kanila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1125  star_buko

    04/14/2011 | 11:12 AM
    the fact na pinasayaw paulit ulit ang bata, inabuso ang sitwasyon.. not the child himself... if he was made to dance once, it's fine, pero since ilang beses pinaulit, doon na nag umpisa ... at si Willy, hindi sya Dyos na lahat ng gusto nya ay dapat masunod. tao lang sya, at wala syang karapatan na manumbat sa mga critics nya. yan rin ang problema nya last time, na criticize sya ni Jobert, ngayon naman si Tuesday. anybody can criticize him.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1124  belle414

    04/14/2011 | 07:53 AM
    what's sad about this whole thing is that, every single person is fingerpointing at someone. putting the blame somewhere else to the point of twisting the whole issue into something so irrelevant, is just totally disgusting! willie had offended the public because of his poor taste. the 6 yr old may not have been abused by willie, but what in the world is he made to watch at home?!! i don't have a kid but this is very disturbing!! willie should have practiced good judgment at that moment and stopped the boy from dancing inappropriately. but he didn't and this is the result!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1123  belle414

    04/14/2011 | 07:16 AM
    the bottomline is willie made a very poor judgement on his show. just bec. he's in the business to entertain doesn't give him the right to do everything he wishes on live tv in front of everyone to see, especially if it's morally and ethically questionable? does he practice good moral conduct and ethical behavior? is he a good role model, esp to young people? we, as adults, have the responsibility to society to uphold good moral conduct and ethical behavior. had willie admitted to his poor judgment and just sincerely apologize to the people he had offended, that would have been the end of it. as always, capital sin got in the way! pride!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1122  fagero

    04/13/2011 | 10:11 PM
    all these are unfair to tv5. willie is a creation of abs-cbn. if this happened in wowowee before, abs-cbn bigwigs will surely defend him against his critics. i am surprised that abs-cbn talents are now very vocal against willie and his antics but they have kept their mouth shut when willie was bringing in the dough for abs-cbn then.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1121  kcprettyangel

    04/13/2011 | 04:34 PM
    Hay, naku! may roon ditong halatadong magcomment lang dito ang trabaho dahil hindi nawawala. Para din 'yong bata ito lang ang ikinabubuhay. What a hypocrite.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1120  dainty28

    04/13/2011 | 04:20 PM
    and even ky Ms. Shalani hndi lhat ng biro s kanya ni willy ay ok pa.nababastos n sya minsan and I doubt if nafefeel n nya yun.I never agree with christy saying dat isang karangalan ang mabastos ni willy.My God
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1119  dainty28

    04/13/2011 | 04:17 PM
    nakita ko ung episode n yun and sa madaling sulyap wla nmn tlga sanang masamang intensyon but since pinapakita ito sa ibang bansa magiging iba ung pagkakaintndi ng hindi pilipino..the lesson is we should have be carefull s lhat ng act esp. that they r n d entertainment industry nakikita ng ibat ibang tao n my ibat ibang paniniwala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1118  sifiross

    04/13/2011 | 03:44 PM
    HINDI LANG PERA ANG MAHALAGA... Willie Revillame should know this. Oo nga nakakatulong ka, but not at the expense of one's dignity values! TAMA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1117  sifiross

    04/13/2011 | 03:37 PM
    mogao- di kami tulad mo na sawsawero ito ay isyung dapat tutukan kasi di ka nakakatuwa. ano pa at naging sen. c kiko? ilagay mo yang pagiging fanatico sa lugar. yang idol bastos talaga at super sa kayabangan kala mo sinong magaling, kala mo sariling pera nya pinabigay walanghiya. buti nga sa kanya sana wag na syang ibalik. minamalas yang tv5 ng dahil sa kanya. di kasalanan ng gvt kng madaming mahirap ung mga mahihirap mismo ang problema. mahirap na nga mag anak pa ng isang dosena.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1116  delightful15

    04/13/2011 | 03:15 PM
    1113, tsk tsk tsk... i hope you are not as hopeless as you sound..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1115  Patootee

    04/13/2011 | 01:22 PM
    Nag ala Robin Hood si willie - he makes the poor people hate the rich. As if kasalanan ba nila na well-off ang iba at ang iba hindi. Ginagawa nyang tamad ang mga masa by showering them money na galing sa mga sponsors nya - the sponsors na pinapa ban nya. Naging pala asa mga willie idolizers sa kanyan fake charity. If he's indeed a person with a heart, why he did he allow the kid dance and cry over and over again? And worse, hinayaan nya ang mga tao pagtawanan ang mga bata. Anyway, yung perang pinamumudmod nya sa mga tao ay panandaliang lunas lang - hindi pang long term. At sana din ikaso na din yung magulang ng bata for allowing their child to be exploited that way. No child derserves to be treated that way.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1114  BETCHA68

    04/13/2011 | 11:19 AM
    Alam naman natin kung ano ang background ni Willie. Hindi niya alam kung ano ang desinte at malaswa. The fact na hindi siya nakatapos ng pag aaral at lumaki sa hindi disenteng lugar. Kaya hindi niya matanggap na siya ang may kasalanan. Napuna ko rin na mayabang siya lalo na kung ang guest niya ay dating taga ABS, kagaya nung nag guest si Rico Puno. Ang sabi pa niya kung nasa TV5 lang daw si Rico ay hindi sana siya mawawalan ng trabaho. Akala niya siya ang may ari ng TV5.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1113  mogao

    04/13/2011 | 11:02 AM
    TO ALL READERS, KNOW THE WHOLE STORY FROM THE BEGINNING TO END AND STICK TO THE FACTS, DON'T BE HYPOCRITE AND TOO CLEAN OF YOUR MOTIVE OR HIDDEN MOTIVE, LOOK INTO YOURSELF FIRST B4 U JUDGE, OK?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1112  mogao

    04/13/2011 | 10:54 AM
    hay pilipino talaga mahilig makisawsaw, andami problema pilipinas na dapat nila asikasuhi. para din babae c senator kiko na dalawa ang bunganga, wala sa ayos magsalita hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1111  indiahenretta

    04/13/2011 | 08:38 AM
    I know the TRUTH HURTS, but lets us face the FACTS OF LIFE, Mr. Revillame is OBSESSED with TV RATINGS than the QUALITY of his show.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1110  Maria1

    04/13/2011 | 08:13 AM
    comment number 1106 dubidu1992, sinong network sa US ang naglabas ng video ni Janjan dito sa US, ABC ba? When did it come out and was it shown at the 6 o'clock news ba. Wow, how embarassing to Mr. Revillami. Salamat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About