news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17656 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 949  lilac0808

    04/11/2011 | 07:30 AM
    hornblower dito lang ako kay Willie visible.. siya lang ang pinag interesan ko. dito. Di mo ako makikita kahit saang article na may artista. Si Willie lang ang host na love ko... siya lang pinapanood ko... wala na akong pakialam sa iba. Mga artista , wala akong pakialam sa kanila, pati mga mahal niyong station. Willing Willie lang ako period.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 948  HornBlower

    04/11/2011 | 07:25 AM
    Gaya nga ng nasabi ko opinyon mo iyan. Iyan kasi lang ang tingin mo sa mga nag co-coment dito na ang tanging layunin lamang ay maiwasto ang MALI. Kahit paulit-ulitin pa ang sabihin namin na MALI ang Jan Jan issue hindi ka talagang sasang-ayon at magagalit ka lamang dahil hindi kami kumakampi sa iyo at kay Willie. Tulad na lang ng galit mo ngayon sa mga artistang binanggit ni Willie. Huwag mong sabihin na hindi mo sila kilala at hindi ka mahilig sa mga artista dahil dito pa lamang babad ka na at sa usaping pang showbiz. Pero hindi na nga Showbiz ito, ito na ang katotohanang ang MALI ay pwedeng iTAMA kung marunong lamang tumanggap ng pagkakaMALI ang iyong IDOLO. Kaso hindi. Humihingi siya ng sorry pero hindi naman niya ma-admit na siya ay nagkaMALI bagkus kung anu-ano pang sinasabi niya sa mga taong nakapansin sa ginagawa niya at pati na rin sa ahensiya ng gobyerno ay may pasanting siya. Sabi nga paano ka mapapatawad kung hindi mo ina-acknowledge na ikaw ay nakagawa ng MALI.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 947  lilac0808

    04/11/2011 | 07:14 AM
    alangan naman magparepareho tayo ng opinion, eh hinde pareho mga observation natin, di naman pwede na porke sayo mali iyong ginawa ni Willie ay mali na din sa akin. Pwede bang ipagpilitan mo ang gusto mo? Mali kung mali sayo... pero sa akin hinde.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 946  kamagong05

    04/11/2011 | 07:12 AM
    920-urbie24 - correct ka dyan. pero eto pa tungkol sa child abuse. 4types of child abuse-child exploitation physical, child neglect, sexual abuse, mental injury and-or emotional, mental abuse. which would result to mental injury and emotional mental abuse to any minor under age 18. dapat alam ni senator kiko na ang mga anak nya eh nalilito bakit iba ang tatay ni kc at hindi sya. emotionally disturbed ang mga bata hanggang pag dating sa tamang edad. for the meantime, exploited sila sa mga mali ng magulang. ini-expose pa huh!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 945  HornBlower

    04/11/2011 | 07:12 AM
    Kahit kailan ay hindi tayo magkakasundo dahil hindi ko pwedeng sabihin na TAMA ang isang MALI...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 944  lilac0808

    04/11/2011 | 07:11 AM
    kahit di niyo sabihen ganun ang lumalabas, inaaway niyo ang nagtatanggol kay Willie dito, gusto niyo huwag mag comment at ipagtanggol si Willie. sasabihen niyo kaagad mga loyalist ni willie kagaya niya.. pero mas gugustuhin ko pa maging gaya ni willie kisa maging gaya niyo na mga haters. I
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 943  lilac0808

    04/11/2011 | 07:08 AM
    di daw hot na hot, ikaw lahat dito na nagtatanggol kay Willie lagi mo inaatake . Gusto mo walang magsalita para kay Willie... binabara niyo, tinitira niyo ng mga labas sa issue. Kung di ka hot di mo ako papansinin, di mo pakikialaman opinion ko. kaya ko pinapupulot paa mo kasi sinasabi mong mapaglinlang ako, kasalanan ko ba kung di ma gets na utak mo?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 942  HornBlower

    04/11/2011 | 07:08 AM
    Sa tingin ni isa man sa mga nag co-comment dito ay hindi sinasabing kamuhian mo si Willie. Dahil kahit anong gawin nila dito is hindi rin mababago ang love mo kay Willie. Ang binibigyan ng diin nila dito ay ang pagtatanggol ni Willie sa isang MALI na kanyang nagawa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 941  HornBlower

    04/11/2011 | 07:01 AM
    Nah! Hindi ako hot na hot na ipinagtatanggol mo si Willie. Iyo yan, sabi mo nga pulutin ang utak sa paa. Baka napulot mo na ang sa iyo at hindi mo mailagay ito sa tamang lalagyan... Ang hot na hot ako ay sa mga taong nagsisinungaling at kung-anu-ano ang sinasabi mabigyan lang ng katwiran ang isang MALI....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 940  lilac0808

    04/11/2011 | 06:56 AM
    now, diyan tayo magkakasundo, lets give one another respect likes and deslikes. I love the show... so wala kahit sinong tao makaka kontrol sa akin para umayon sa gusto niyo na mga haters na kamuhian ko kinamumuhian niyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 939  malaya2007

    04/11/2011 | 06:52 AM
    willie should not stay in showbiz coz he cant handle criticism well, pag against sa kanya nagagalit sya e di naman always pro ang comments, dapat palitan ya ang taong nakapaligid sa kanya, itapon nya si cristy kasi pareho na rin sila they resort to name calling kapag wala ng masabi.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 938  HornBlower

    04/11/2011 | 06:50 AM
    Na mate! No problems with that, that's your wish to blow Willie's horn. Just enjoy it!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 937  lilac0808

    04/11/2011 | 06:49 AM
    ganun naman pala , bakit hot na hot ka na ipinagtatanggol ko si willie, ibig sabihen lang niyang inggit ka... ayaw mo na may mag love kay Willie..hahaha, kasi gusto niyo kamuhian siya ng lahat... hak hak! the more inaapi niyo siya , the more na mamahalin namin show niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 936  lilac0808

    04/11/2011 | 06:47 AM
    sabihen mo na ang gusto mo hornblower, basta love ko si Willie boy ano may problema ka? hahahah
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 935  lilac0808

    04/11/2011 | 06:45 AM
    Tapos magbabalikan na ang sponsors kasi iyong ratings mas lalong tataas... di naman mga sponsors papasok sa isang show na walang manonod kaya ... babalik at babalik iyon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 934  HornBlower

    04/11/2011 | 06:44 AM
    Ay sus kahit magpakasal pa kayo ni Willie sa tingin ko KARANGALAN mo pang maitatawag iyon. Ang MALI lang ay ang mga panlilinlang mo at ang kung anu-ano ang sinasabi mabigyan lang ng katwiran ang pinaglalaban mong nagawa ng iyong IDOLO.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 933  lilac0808

    04/11/2011 | 06:43 AM
    hornblower tama lang username mo, hangin ang laman. puro ka lang blow ng blow..hak hak!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 932  lilac0808

    04/11/2011 | 06:41 AM
    Sabi ko mas kilala ko pa ng maigi mga dancers ni Willie kesa sa mga yan, kasi sila nababasa ko lang , iyong mga dancers nakikita ko.. pulutin ang utak sa paa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 931  lilac0808

    04/11/2011 | 06:40 AM
    Willie boy... lalo mo silang yabangan ha... pagbalik mo after two weeks magandang maganda na ang stage mo at flooring... high tech na may LCD.. hak.. hak, tulo laway ng mga haters.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 930  HornBlower

    04/11/2011 | 06:38 AM
    O iyon naman pala huwag mong sabihin na si Willie lang ang alam mo. Tulad ka rin ng IDOLO mo na manlilinlang iyun nga lang MAHIHIRAP lang ang kaya nitong linlangin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About