news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17372 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 929  lilac0808

    04/11/2011 | 06:37 AM
    at saka inggit ba kayo at love na love ko si willie..hehehe... ako di ako naiinggit kung love niyo ABS..hak hak!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 928  lilac0808

    04/11/2011 | 06:32 AM
    ikaw ang engot, papano di ko makikila si sarah at rayver eh sila ang center ng issue... pulutin ang utak sa paa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 927  sipsip

    04/11/2011 | 06:31 AM
    I will be dissapointed with Williboy if he will not sue Kiko. Kung hindi, puro lang sya pananakot. go willie go. Let's see how far your money can go.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 926  HornBlower

    04/11/2011 | 06:31 AM
    Ang labo rin naman nitong isang ito may pagkasinungaling din gaya ng kanyang IDOLO. Hindi daw mahilig sa artista at si Willie lang daw ang pinapanood iyun naman pala kilala niya rin si Sarah at Rayver. Hirap ng ganyan nagsisinungaling at nagsasalita ng kahit na ano mabigyan lamang ng katwiran ang iniidolong si Willie Revilliame na pinahamak ang katauhan ng BATANG si Jan Jan sa kagustuhan lamang daw na makatulong sa MAHIHIRAP...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 925  sipsip

    04/11/2011 | 06:24 AM
    lilac darling, baka ma sue ka ni willie. pinaparingan mo ba sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 924  lilac0808

    04/11/2011 | 06:06 AM
    sipsip kulang pa yan... sabihen mo na lang na i was born before christ para maging masaya ka..hik hik! Di na ako magtataka kung masaya ka lagi hehe..kaligayahan mo ang magmura dila at manners mo yan kaya walang makaka control sayo. Pero aanihin mo din yan balang araw... hihi! Sabi nga kung ano ang di mo gusto, huwag gawin sa iba, kung ano ang iyong inutang iyon din ang kabayaran.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 923  sipsip

    04/11/2011 | 06:01 AM
    masarap pala magmura doon sa kabila. ginaya ko lang naman yong kasunod ko. hehe. sana sisilip si williboy doon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 922  sipsip

    04/11/2011 | 05:52 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 921  lilac0808

    04/11/2011 | 05:44 AM
    pero kahit mahilig ako sa mga ganyan di naman ako palaaway..hak hak . hinahayaan ko lang silang mang away hak hak! basta ako stick lang kay Willie issue.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 920  urbie24

    04/11/2011 | 05:42 AM
    I do not like Willie obviously pero isa pa itong si Kiko P na nakakainis. Makisawsaw pa ba sa issue. Napaghahalatang may balak sa susunod na eleksyon. Wag ng maraming satsat. Isabatas na ang dapat isabatas to prevent child abuse sa media. AKSYON AGAD WAG NG MARAMING SATSAT. Ang daming batas na dapat aksyunan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 919  lilac0808

    04/11/2011 | 05:41 AM
    exactly karlo, di ba interesting basahin pag negative... tawag pansin iyon..hehehe...gaya ng pag si Willie ang subject , di ba interesting lagi? hikhik!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 918  karlo511

    04/11/2011 | 05:37 AM
    lilac08..ayun kaya pala kilala mo si sharon dahil nagsalita sya tungkol sa away ni rayver at sarah..at kilala mo rin si marian dahil sa mataray sya...iyon pala ang gusto mo, nagkakainterest ka kapag may nag-aaway...hindi katakataka na idolo mo si willie,dahil si willie maraming inaway o nakakaaway..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 917  urbie24

    04/11/2011 | 05:36 AM
    A message to Willie this Lenten season -- if you want to have peace of mind and true happiness at tunay ang hangarin mo na makatulong sa mahihirap then do so without using TV airtime and amassing more wealth from advertisers. ANG TUNAY na pagtulong magagawa mo ng walang kamera sa harap mo. Organize provincial game shows para sa mga kababayan natin sa buong Pilipinas. Mamigay ng mga premyo sa mga iba't ibang lugar. Basta walang kamerang nakaharap. WAG MO NANG PAPILAHIN ang mahihirap BAGKUS ikaw mismo ang pumunta sa kanila kung nasaan man sila. PAG NAGAWA MO YAN - I WILL BELIEVE YOU NA BUKAL SA PUSO MO ANG PAGTULONG SA MAHIRAP AND YOU ARE NOT DOING IT JUST FOR FAME AND FORTUNE.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 916  usbfre07

    04/11/2011 | 05:35 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 915  lilac0808

    04/11/2011 | 05:34 AM
    eh ano ngayon sa iyon lang ang nagustuhan ko na panoorin sa filipino show... kabawasan ba ako? hihihi.. hinde naman siguro..kaya hayaan niyo na ako sa gusto ko..hak hak!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 914  marimaris8

    04/11/2011 | 05:32 AM
    hehe!. mayroon palang isang pepster dito na abot hanggang langit ang pagtatanggol kay willie dahil napapanood nya si willie at natatanggal daw ang stress. yong mga kalabang artista ni willie, hindi nya kilala kaya kay willie sya. HEHE uli! at HEHEHE pa!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 913  lilac0808

    04/11/2011 | 05:30 AM
    eh ano naman buhay ko ito... sino ba sila? sino ba si jim paredes at leah salonga? di naman siguro sila mamatay kung di ko sila kilala.... eh sa di ko sila kilala period. Kilala ko sila sa pagiging sawsawero at sawsawera lang at judgemental iyon nakatatak na sa ulo ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 912  urbie24

    04/11/2011 | 05:30 AM
    Sabi nga ng isang pamosong direktor - "HUMILITY is what distinguished the noble and the blessed from those who are just lucky and If you are the one to tell the world how great you are then maybe you aren't so great after all."
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 911  karlo511

    04/11/2011 | 05:28 AM
    huwag kang mag-alala hindi mababawasan ang buto sa bise presidente para sa asawa ng isang isang artista kamo na balat-sibuyas na matab- dahil nag-comment sya laban sa idolo mo. pinakinggan ba ng mga mahihirap ng sinabi ng idolo mong si willie na iboto si manny villar para presidente. anong nangyari kay villar na ikinampanya ng idolo mong si willie,ayun hindi pinakinggan ang ang panawagan nya na iboto si villar.pinulot sa kangkungan kahit gumastos ng bilyon bilyon na pera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 910  urbie24

    04/11/2011 | 05:27 AM
    lilaco808 --- talaga di kilala ang international theater actress na nag-Ms Saigon na si Ms Lea Salonga o Apo Hiking society member Jim Paredes na visible nung EDSA 1? Yung iba maiintindihan ko pa na di mo kilala. Nakakalungkot 'coz marami ka atang di alam sa cultural history ng bansa? Ms Lea Salonga and Mr. Jim Paredes will always be prominent personalities who made a mark not only in the entertainment scene but in the CULTURAL history ng Pilipinas. Where is my country going kung marami ang katulad mong Pilipino? Na ang tanging ginagawa ay tumutok sa isang game show na gaya ng Willieng Willie? And do not care about other personalities who really have the TALENT.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About