news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17392 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 849  cbd2

    04/10/2011 | 09:07 PM
    Sure you can afford a great deal of material things even your fan base and supporters unfortunately, you can't buy decency!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 848  karlo511

    04/10/2011 | 09:05 PM
    Mabuti na lang hindi nanalo ang sinuportahan ni willie na si manny villar.Kung nagkataon na si Villar ang presidente wala tayong narinig o hindi kikilos dito sa issue nag pag-child abuse ni Willie from DSWD, Commission on Human Rights and MTRCB.At baka mas maging abusado pa etong si Willie.Tingnan na lang ninyo kung paano binira ni Willie ang mga personality na nag-critisize sa kanya, wala sa lugar, na ang ginawa lang naman ay nag-bigay ng opinion about this issue.Kasalanan na ba ngayon ang mag-bigay ng personal opinion?Kung si Willie ang inyong tatanungin, kasalanan yon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 847  brimley

    04/10/2011 | 09:00 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 846  cbd2

    04/10/2011 | 08:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 845  cbd2

    04/10/2011 | 08:47 PM
    Mag migrate ka na lang Willie sa China o sa N. Korea! Mag kakasundo kayo ni Kim Jong-Il and co. dahil bawal 'freedom of expression' don!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 844  cbd2

    04/10/2011 | 08:39 PM
    just because madami kang pera, lahat na ng pumupuna eh dahil inggit sila sayo? please! binibili at tinatapatan mo ng pera ang mga supporters mo. By your logic, ang mga karumaldumal at nakakahiyang bagay ay excusable dahil may kapalit namang pera? your brief 15 min of fame and success had gone off your head, Willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 843  nice1

    04/10/2011 | 08:04 PM
    plastik naman to kunwari makamahirap daw sya lol baket nid p nya gawing katatawanan ang 1 tao para bigyan nya ng pera
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 842  pilyangmaganda

    04/10/2011 | 07:43 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 841  francesdeniel

    04/10/2011 | 07:38 PM
    This world is full of hypocrites! Shame on you people!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 840  francesdeniel

    04/10/2011 | 07:32 PM
    Go Willie!!! Relax ka lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 839  winonao1

    04/10/2011 | 07:22 PM
    OA na kun kasuhan pa si willie ng child abuse tama na yung mag public apology sya at suspension sa programa nya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 838  bait_ko

    04/10/2011 | 06:29 PM
    roon din ako nahihiwagaan.......para sa taong ilang beses ng nadapa........hindi pa rin matututo sa mga pagkakamali noon....eto siya talking big pa rin.....nakakapanlumo ang mga salita niya.....sana sa ilang beses niyang sinasabi na mabuti siyang tao..........sana maipakita niya higit sa lahat sa GAWA..........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 837  starqueen

    04/10/2011 | 06:25 PM
    cont This is not the first time that Willie was in the center of the storm and it will probably wont be the last. He will never learn his lessons as he will never admit any wrong doing. It will always be this way for as long as there are enablers such as the TV networks and the advertisers allowing him to do so. It is about time this man learns that he is not indispensable. He should also realize that the Philippine economy - even at its pathetic state - will continue to move even without his presence on TV. I would probably be kinder if it was his first or second scandal - pero I have lost count already. My question is - bakit ikaw lagi? Its not a network issue - dahil kahit saan ka dalhin - lagi kang problema. And dont you dare say its inggit - dahil walang naiingit sa iyo in the industry with the amount of anger people and the advertisers have thrown at you. Your money cannot help you turn the tide - kahit siguro ipamigay mo. You are just bad news to a lot of people and unfortunately for you - nagising na
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 836  bait_ko

    04/10/2011 | 06:21 PM
    para sa akin.......hindi naman idinidiin si willie sa pinakita ng bata....naniniwala ako na hindi niya alam ang mga susunod na mangyayari pero.........sa mga salitang binitiwan niya at sa ilang beses na ipaulit sa bata na ikaw mismo sa sarili mo may mali sa ginagawa ng bata......doon ako hindi komportable....kung ano man ang pinagdadaanan ni willie ngay-on sana may matutunan siya.......hindi mo kailangan isigaw ng isigaw sa mundo na tumutulong ka........choice mo na tumulong ka, walang pumilit sayo......hindi mo na kailangang ipagmalaki pa sa iba yaon......pagyayabang na ang ginagawa mo kapag ikaw pa mismo ang nag aakyat ng bangko mo.....unfair ang pagtira ni willie sa mga personal na buhay ng mga artistang naglabas ng saloobin nila........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 835  starqueen

    04/10/2011 | 06:18 PM
    I read somewhere that Manny Pangilinan was not pleased with Willie's Mi Ultimo Adios See you In Two Weeks Time Speech and has expressed his disgust to TV5's Management over it. In all honesty, Manny Pangilinan has more to lose as far as his career is concerned if he loses face within the business community. His job is to find things for investors to invest in and put it all together. He does not really care if the public patronizes the product they are trying to sell. In other words, the sponsors are more important to him as he is responsible to the shareholders for the bottom figure.In my opinion, I think the business community has a higher regard as to what Leah Salonga or Jim Paredes would probably say. Their credibility and stature have afforded them such and they know how to use it to get their point across. I cannot imagine Manny Pangilinan preferring to be associated with Willie than with Leah and Jim when he is in the company of the big boys in the corporate world. This is not the first time Willie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 834  eilselrules

    04/10/2011 | 06:15 PM
    WILLIE..MAGTAYO KA NA LNG NG FOUNDATION N TUMUTULONG SA MAHIHIRAP...WAG KA NANG BUMALIK SA TV...PLEASE LNG...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 833  eilselrules

    04/10/2011 | 06:12 PM
    PLEASE LETS SUPPORT NA WAG NANG BUMALIK C WILLIE AT ANG WILLING WILLIE SA TV....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 832  anamichelle_16

    04/10/2011 | 06:04 PM
    "kc po si willie kaya sya nadidiin, kc po dinidiin nya sarili nya, tulad ng pagrereact nya ng below the belt kay Ms Agot, kahit naman sino po di ko maintindihan kung ang pagkawala ng anak ay magiging dahilan para di magsalita ng opinyon nya sa nanyari..."He want to helf less fortunate e di wag na sya mag host magtayu na lng sya ng ahensya na tumutulong sa mahihirap na kababayan natin"
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 831  anamichelle_16

    04/10/2011 | 05:53 PM
    global2010...saludo ako sayu well said...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 830  Forevermore13

    04/10/2011 | 05:40 PM
    grabe ka nman willie, tanong mo nga sa nanay mo kung ano ang magiging reaksyon nya kung sayo ginawa yon? kung totoong lalaki ka dapat naging mahinahon ka muna bago ka rin nagbitiw ng mga salita... baka mas lalo ka pang mahalin ng mga tao dahil hindi mo pinapatulan ang mga tao na hindi nman nakakatulong sa sambayanang Pilipino. wag mo rin ipagmayabang ang mga nagawa o naitulong mo dapat ay ipagpasalamat mo nlng... hindi naging maganda ang pagsalita sa TV.. . Humble yourself...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About