news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17290 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 809  SunGod30

    04/10/2011 | 03:55 PM
    nice talk with you ... babay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 808  SunGod30

    04/10/2011 | 03:53 PM
    hindi po ako fan ni willy in fact i hate his attitude pero hindi ibig sabihin nun bubugbugin ko ang tao knowing that the whole industry is guilty ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 807  global2010

    04/10/2011 | 03:50 PM
    wooooshoo...hindi mo pinangangalandakan ha? eh kasasabi mo lang kaya. kawawang nilalang bulag sa katotohanan. hindi lang si Willie ang problema ng bayan, marami pang iba. at dapat LAHAT sila mawala o MAGBAGO--LAHAT so kasama sya. si Willie ang issue dito kaya sya syepmre ang tinitira. but it doesn't mean na hindi napapansin at hinahayaan na lang ang iba pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 806  SunGod30

    04/10/2011 | 03:46 PM
    ambot. my activities for the country is mine and mine alone..... hindi ko po ipinangangalandakan ang mga kabutihang ginawa ko para sa bayan..... go and get your umbrella for a rally with Jim and Leah.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 805  global2010

    04/10/2011 | 03:44 PM
    ayan, ganyang-ganyan din magsalita idol nyo. nyahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 804  abscbn1st

    04/10/2011 | 03:44 PM
    800 bruha_ako --- meron pang isa, "Birds of the same feathers flock together" kaya yung mga maka-Willie nakaka-relate sa ugali nya, kasi somehow nakaka-identify sila na ganun din ang pag-uugali nila. I'd rather be laos na Jim Paredes o baog na Agot Isidro, basta 'wag lang insensitive at mayabang na gaya ni Willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 803  ruvijane

    04/10/2011 | 03:43 PM
    Nayayabangan nga ako kay Willie pero may punto din nman sya, ang dami ng problema sa Pinas, bakit sya yung dinidiin at kasuhan pa ng child abuse...ang daming naiirita, kc naman lumipat na sya sa TV5, mataas pa rin ratings nya. di siguro matanggap ng ABS-CBN ang mali nilang hakbang nung c Willie na sa kanila pa. tsk tsk tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 802  SunGod30

    04/10/2011 | 03:43 PM
    holier than thou attitude .... mga kababayan wag gagayahin ... ok na ang maginoo kahit medyo bastos ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 801  global2010

    04/10/2011 | 03:41 PM
    edi sabihin mo sa iba magrally din ng naka-payong. if i know ikaw nga wala ka pang naipaglalaban para sa bayan natin. sumama ka ba sa mendiola? nakikipag-rally ka ba kasama ng mga magsasaka sa hacienda? HINDI. pero andito ka sa PEP, bilang isang MYEMBRO NG MIDDLE CLASS at ipignaglalaban si WR. nakakataw. sobra.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 800  bruha_ako

    04/10/2011 | 03:40 PM
    Riafern and sungod30 -LOYALIST ni willie!!! Hahaha show me ur idol and il tell u who u are...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 799  SunGod30

    04/10/2011 | 03:38 PM
    cute nila no nagrarally nakapayong ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 798  SunGod30

    04/10/2011 | 03:37 PM
    sana magshare din sila ng insurance sa mga nagrarally ...para pag nabaril sa mendiola at least me makukubra ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 797  global2010

    04/10/2011 | 03:37 PM
    oh kitams, wala ka na maisagot...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 796  SunGod30

    04/10/2011 | 03:35 PM
    weh? ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 795  global2010

    04/10/2011 | 03:33 PM
    sure ka naka-sun block sila? haha...alam mo sila, namimigay pa ng tubig at nagshe-share payong sa mga kasama nila--sariling nilang tubig at payong, HINDI GALING SA SPONORS. eh si Willie ba? saka, gaya nga ng sabi ko, hindi dahil may MALI SA IBA eh ibig sabihin TAMA NA SI WILLIE. kasi ang sinasabi ninyo, dahil may ibang magnanakaw eh ok lang din na magnakaw na rin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 794  global2010

    04/10/2011 | 03:30 PM
    oo dun nga, pero kung nandun ang puso nila, edi dapat sana HINDI na sila bumabalik-balik dito at HINDI na NAKIKIALAM. nagtatrabaho lang sila dun kagaya ng mga OFWs na itinuturing nating mga BAYANI. pero ang puso nila ay nasa PIlipinas at alam nilang mas marami silang magagawa PARA sa PILIPINAS kung nasa IBANG bansa sila. kagaya ng ginawa nina JOSE RIZAL nang magpunta sila sa Europa, kagaya ng ginawa nina Manuel QUEZON nung nagpunta sila sa AMERIKA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 793  SunGod30

    04/10/2011 | 03:30 PM
    great kasama mo mo sa rally ... ang mga to ... pero ang mga namamatay sa mendiola ay mga magsasaka... kayo ayun naka sunblock, naka cute yellow shirts pretty and dainty ... kamusta ang Hacienda Luisita?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 792  bruha_ako

    04/10/2011 | 03:29 PM
    Riafern- bat ba sobra n lng ang pagtatanggol mo ky revillame. Napaghahalata ka na a!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 791  SunGod30

    04/10/2011 | 03:27 PM
    San pala nakainvest ang mga buhay ng mga ito? may narinig akong mga bahay sa australia at us .... great ...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 790  SunGod30

    04/10/2011 | 03:25 PM
    absolutely ... same here Riafern
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About