news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17408 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 789  global2010

    04/10/2011 | 03:23 PM
    talaga? wala silang opinyon sa ibang mga naglalabasan sa TV? baka HINDI mo lang ALAM. pero hindi dahil HINDI MO ALAM eh ibig sabihin WALA NA. matagal nang political at social activists ang mga taong ito, lalo na si Jim Paredes. HINDI lang nila BINABALANDRA sa buong bayan ang ginagawa nila because they don't do what they do for CREDIT and UTANG NA LOOB. pero sa mga relevant issues, kasama si Jim Paredes, Agot ISidro, at Lea Salonga sa mga palaging may comment. minsan pa nga kasama namin sila sa mga rallies. nagkataon lang ngayon mas madali ang access sa info dahil may social networks na, kaya ngayon alam ni Willie yung mga tira sa kanya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 788  SunGod30

    04/10/2011 | 03:22 PM
    manhid na kung manhid.... pero you cant deny he is getting bigger and he is getting loved by the masses every minute that ticks .... babalik po siya sa TV an even bigger personality .... and you have to ask yourself why ... di ba masama siyang tao?, why di ba bastos siya, why isnt he manhid?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 787  riafern

    04/10/2011 | 03:21 PM
    No. 760 Flow246. I am wide awake that 's why I will not join the mob mentality, the holier than thou attitude the Willie haters have waged. My sensibilities were abused listening to a woman's confession of losing her baby, a direct result of her immoral relationship. Do I need to know that Kris had a sexually transmitted disease for me to learn about Morality? That's why we had religion subject up to college, that's why we listen to the priest's sermon during mass. My point is, the janjan's incident has been exploited too much because Willie's involved. Nagising ang katawang lupa ng mga Willie haters! Exploiting and sucking the last drop of juice they can from the janjan incident.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 786  abscbn1st

    04/10/2011 | 03:21 PM
    777 bingdagreat --- I disagree, parang sinabi nyo na ring mga magulang ang may sala kung bakit nagiging kriminal o macho dancer ang mga anak nila. ABS-CBN did not create a Monster Willie... Willie himself is a monster even without ABS-CBN and wherever station he may go. Maraming beses na syang sinuspinde, tinanggalan ng show, pinagalitan ng ABS-CBN, pero binigyan pa rin sya ng Chance para ipakita ang talent nya sa publiko. Pero inabuso nya, dahil hindi maalis-alis ang kayabangan nya. At ngayong nasa TV5 sya, ano naman ang masasabi nyo? TV5 cuddled and nurtured the monster.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 785  global2010

    04/10/2011 | 03:18 PM
    at ano pala ang mga "opinyon" ni Willie sa shows nya? hindi ba yun CHEAP? mas malala pa nga iyon eh, kasi personal attacks LIVE ON AIR. wag mong sabihing hindi nagbibigay ng opinyon si WR sa ibang artista kahit dati pa. ang hirap kay Willie, nasa ulo na lahat, at ang sangkalan nya eh yung mahihirap. hindi nya tinutulungan ang mahihirap, dene-demoralize nya lalo ang mga taong ito. ginagamit nyang katatawanan yung mga problema at kasawian sa buhay ng mga tao. kung totoong naaawa sya sa mga mahihirap, hindi nya sila gagawing katatawanan at hindi nya sila ipapahiya. ang totoo, MANHID si Willie sa nararamdaman ng mga TAO. ang alam nya lang eh yung nararamdaman NYA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 784  SunGod30

    04/10/2011 | 03:15 PM
    i want to turn back the question .... bakit ang mga taong ito na pagkarami rami sa showbiz ay nananahimik kapag may kabastusan sa TV ..... ngayun si willy....uhurrrm.... labasan ng opinyon?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 783  abscbn1st

    04/10/2011 | 03:14 PM
    761 riafern --- kasi po lagi nyong ibinabandera na si Willie lang ang nakakatulong sa mahihirap, so why not itodo na nya, hindi yung galing sa mga advertisers ang ipinamimigay nya sa mahihirap tapos yung credit ay napupunta sa kanya. ang lalaki ng mansion nya, e di i-welcome nya yung mga mahihirap kung talagang sincere sya. eh yung mga billionares ay hindi naman kasing angas ni Willie na ipanagyayabang sa TV ang mga nagawa. eh ano bang ginagawa ni Willie, pamimigay ng pera? my goodness, anong tingin nya sa mga Pilipino, mga PULUBI? hindi marunong magtrabaho? eh di sana, nagtayo na lang sya ng technical school para turuan ang mga mahihirap na tatay at nanay para magkaroon ng skills para makapagtrabaho, eh di sana LONG-TERM pa ang naitulong nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 782  manunuri1000

    04/10/2011 | 03:14 PM
    ang iyang nawong murag tukmo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 781  global2010

    04/10/2011 | 03:13 PM
    so kasalanan ng MIDDLE CLASS? hahaha...di ba si Willie na rin nagsabi na kung walang suporta ng masa eh wala ang mga malalaking tao at malalaking kumpanya? see, you are getting too far off...ang simple ng issue, ang sasabihin nya lang eh sorry, hindi sinasadya at hindi na mauulit. tapos na sana.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 780  manunuri1000

    04/10/2011 | 03:13 PM
    dapat mamahinga ka nalang wellie kasi maraming kang haters .. ang yabang kasi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 779  global2010

    04/10/2011 | 03:10 PM
    but does that give him the right to control other people? to know what is right and wrong for them? what is funny and what is not? to lash out at people who wronged him but not to take any criticisms for himself? ang sinasabi ba nya eh dahil sa namimigay sya ng pera sa mahihirap eh PALAGI na syang TAMA? ang dali dali lang naman talaga ng sagot sa issue na to eh--kung nagSORRY lang sya at hindi na NAGHAMON pa, hindi na NAGTURO pa, edi TAPOS NA SANA. wala namang nagpalaki nito kung hindi SI WILLIE rin lang mismo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 778  SunGod30

    04/10/2011 | 03:09 PM
    ang mag opinyon ng masasakit lalu na sa ka industriya niyo sa twitter ay ..... cheap ..... words are cheap .... pero what conjures in the minds of the receiver is destructive....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 777  bingdagreat

    04/10/2011 | 03:09 PM
    ABS-CBN created a monster in this person! WR is such a proud, insensitive and irrational person. Attacking Aiza and company on the personal level is way off. How do you know these people have not helped others in need? They are basically not a show-off like you! Go away FOR GOOD!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 776  SunGod30

    04/10/2011 | 03:07 PM
    napatalsik po ang mga presidente natin dahil sa machinations ng middle class at hindi ng mga peasants .... ang mga peasants po ay binabaril at pinapatay lang sa mendiola
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 775  SunGod30

    04/10/2011 | 03:05 PM
    si willy ay nanggaling sa hirap at alam ang kiliti ng masa ... kaya sumikat at lumaki ang pera ... mamumudmod siya ng pera para siya mahalin, yan ang totoo, he is buying his fame and he is getting bigger ... pero ang kaso niya is something not unknown to the industry .... kalakaran ng industrya yan ... at yun ang nakakalungkot
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 774  7100

    04/10/2011 | 03:04 PM
    Hindi na dapat pabalikin pa si WR sa pagiging host. Sobra ang yabang at walang modo. Pati mga advertisers binantaan at mga kapwa artista inaaway on air. Masyadong bastos. Puro pera-pera lang ang pinapairal. Bad example sya sa mga tao. Mabuti pang kumuha na lang ang TV-5 ng bagong host sa game show. Marami dyan na disente at magaling din naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 773  dubidu1992

    04/10/2011 | 03:03 PM
    billionaire? billionaire sa utang, i agree with kiko pangilinan this arrogant tv host... should go he's gone tooo far, whatever happens to democrazy freedom of speech these artists commented on what is right for kids i admire them for speaking up, sue them? for what? there is no law for making opinions on things but there is a law againts child abuse
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 772  global2010

    04/10/2011 | 03:01 PM
    so SunGod, ang sinasabi mo eh walang kapangyarihan ang MASA na MAGREKLAMO ganun ba isipin mo nga..ILANG PRESIDENTE na ba ang NAPATALSIK ng MASA?! tapos ang TV program lang hindi nila maireklamo? niloloko mo ang sarili mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 771  global2010

    04/10/2011 | 02:59 PM
    kung hindi ito tungkol sa paggamit ni Willie ng PERA para MAKA-UTO ng tao, sabihin nyo nga kung pipila ba talga dun si Janjan PARA MAGPAKITA NG TALENT?! kugn walang premyo yung pagsasayaw ng bata dun sa show, palagay nyo ba ikatutuwa ng mga magulang ni Janjan yugn ginawa sa kanya? saka, sa totoo lang, HINDI ITO ANG UNANG PAGKAKATAON na nag-comment ang mga artista tungkol sa paligid nila. bakit dati hind sila pinakikialaman ni WIllie? eh kasi hindi sya ang target. bakit kapag SI WILLIE ang NANINIRA ng SARILING NYANG KAIBIGAN at AMO, OK LANG?! twisted loyalty ang meron sa mga fans ni WIllie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 770  SunGod30

    04/10/2011 | 02:58 PM
    ang masa po ay walang panahon magdemanda at magcomplain .... ang may kakayanan lang gumawa ng mga complain ay ang middle class .... may time, resources at pera...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About